TV5 taking "necessary actions" to deal with Tulfo brothers’ "lapse in judgment"

Tulfo brothers Erwin, Raffy, and Ben apologized to their viewers for the "uncalled for" statements they made yesterday in the midst of the issue involving their brother, Mon Tulfo, and celebrity couple Raymart Santiago and Claudine Barretto.


Katabi ang kanyang mga kapatid na sina Raffy at Ben, muling humingi ng paumanhin sa publiko si Erwin Tulfo tungkol sa bugso ng kanilang damdamin sa isyu na kinasasangkutan ng kanilang kapatid na si Mon, at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Ipinahayag ni Erwin ang kanilang apology kaninang hapon, May 8, sa T3 Kapatid, Sagot Kita!—ang programa nila na umeere sa TV5.

Walang ipinagkaiba ang public apology ni Erwin sa T3 sa paghingi niya ng paumanhin kaninang umaga sa radio program nila ni Martin Andanar sa AksyonTV.

(CLICK HERE to read related story.)

Tanging si Erwin ang nagsalita habang tahimik lamang si Ben.

Sinabi naman ni Raffy, si Erwin ang sumulat ng public apology.

Sa kabila ng paghingi nila ng paumanhin, hindi binawi ng Tulfo brothers ang mga matatapang nilang pahayag kahapon sa T3.

(CLICK HERE to read related story.)

TV5 OFFICIAL STATEMENT. Samantala, naglabas ng official statement ang TV5 tungkol sa inasal ng magkakapatid na Tulfo sa telebisyon kahapon. Binigyan din nila ng 24 hours ang magkakapatid para magpaliwanag.

Narito ang kabuuang pahayag ng TV5:

“News5 assures the public and all parties concerned that the statements made by the Tulfo brothers in its program, T3, last May 7, 2012, were unscripted, spontaneous, and do not in any way reflect the stand nor the policy of the network, its management, staff, and employees.

“While we understand the emotions at play during the broadcast, News5 does not and will never condone such behavior.

“It was not only uncalled for but also runs counter to the established Code of Ethics that we all strictly adhere to.

“We are taking necessary actions to deal with this lapse in judgment on the part of the Tulfo brothers and assure the public that we remain committed to objective and impartial journalism.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN