(UPDATED) Isabel Oli’s father Jorge Tan So passes away

Jorge Tan So, Isabel Oli’s father, passed away Wednesday, June 20, after a long battle with cerebral degeneration.


Pumanaw na ang ama ni Isabel Oli na si Jorge Tan So.

Binawian ng buhay ang ama ng aktres kahapon, June 20, sa emergency room ng St. Luke’s Hospital sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Ito ay pagkatapos ng mahabang panahon na pakikipaglaban niya sa sakit na "cerebral degeneration."

Ayon sa website na www.steadyhealth.com, ang cerebral degeneration ay "disease process in which neurons in the cerebellum deteriorate and die."

Bago bawian ng buhay ay pitong buwan na-comatose ang 74-anyos na ama ni Isabel.

Labas-masok noon sa ospital ang ama ni Isabel, pero nagdesisyon ang pamilya nito sa bahay na lang nila ito alagaan.

Noong Linggo, June 17, ay binati pa ni Isabel ang ama ng Happy Father’s Day nang mag-guest siya sa Showbiz Central kaugnay ng promo ng afternoon soap niyang Faithfully.

Ayon kay Isabel, ang mga labi ng kanyang ama ay ike-cremate mamayang hapon, June 21, 3 p.m., sa Loyola Crematorium sa Commonwealth, Quezon City.

Ang viewing of ashes naman ay hanggang Biyernes ng gabi sa Chapel 4B, 3rd floor, ng Loyola Crematorium.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN