Aga Muhlach confirms he is running for Congress in 2013 elections

Papasukin na ng aktor na si Aga Muhlach ang mundo ng pulitika. Siya ay tatakbo bilang kongresista ng Camarines Sur sa ilalim ng Liberal Party. Pahayag ni Aga sa kanyang pagpasok sa pulitika: “My family’s from there, my lola, my dad, and hindi ko naman talaga sisirain ’yon. So, all I want to do is to prove to them also na mayro’n puwedeng gawin talaga doon.”


Tatakbo bilang congressman ng Camarines Sur ang aktor na si Aga Muhlach.

Ngayong araw, Agosto 3, ay nakatakdang manumpa si Aga sa ilalim ng Liberal Party, sa opisina ng partido sa Cubao, Quezon City.

Ang Liberal Party ang kinabibilangang partido ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon sa report ng news program ng ANC, ang The World Tonight, kagabi, Agosto 2, isa lamang si Aga sa local government officials at community leaders na manunumpa ngayong araw.

Wika ni Aga tungkol sa kanyang pagsabak sa pulitika: “My family’s from there, my lola, my dad, and hindi ko naman talaga sisirain ‘yon.

“So, all I want to do is to prove to them also na mayro’n puwedeng gawin talaga doon.”

Marami naman ang nagsasabing tila biglaan ang desisyon ni Aga, 42 years old, na pasukin ang pulitika.

Dito ay idinepensa na ng aktor ang sarili nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Abril 1.

Aniya, “Why all of a sudden? Bakit parang gusto ko siya?

“Siguro, yes, it’s, parang, stage sa buhay natin na all of a sudden you just want to do something.

“Ayoko namang sabihin na... ayoko namang parang cliché na, ’I want to help.’

“Ang point ko lang kasi, yung pagtulong. Feeling ko lang, puwede ka talagang tumulong.

“And when that happens, masaya yung tao.

“Pag masaya kasi yung tao, ang sarap ng feeling para sa ’yo, na pag lumalakad ka dun, ipinagmamalaki nila yung pangalan mo.”

(CLICK HERE for related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN