Celebrities and netizens condemn motorist’s assault on an MMDA traffic enforcer

Huling-huli sa kamera habang minumura at sinasaktan ng motoristang si Robert Carabuena ang MMDA traffic enforcer na si Saturnino Fabros. Kinondena ng ilang celebrities at netizens ang ginawang ito ni Carabuena.


Kasali ang ilang showbiz at TV personalities sa pagkondena sa isang empleyado ng isang multinational company dahil sa pananakit nito sa isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer.

Kinilala ang empleyado na si Robert Carabuena, resourcing supervisor ng Phillip Morris International.

Ang MMDA traffic enforcer naman ay kinilalang si Saturnino Fabros.

Ang Tulfo Brothers ang naglabas kahapon, August 14, sa kanilang programang T3: Sagot Kita Kapatid sa TV5 ng exclusive video ng insidente.

Nangyari ito noong Sabado, August 11, sa kanto ng Capitol Drive at Tandang Sora, Quezon City.

Ipinalabas sa T3 ang video, na nakunan naman ng producers ng TV5, na nagpapakita kay Carabuena na sumisigaw at nagmumura kay Fabros.

Hindi pa nakuntento, sinapok ni Carabuena ang MMDA traffic enforcer.

Sa panayam ng Tulfo Brothers kay Fabros, sinabi nito na nagalit sa kanya si Carabuena nang sitahin niya ito dahil sa isang traffic violation.

Bumaba ng sasakyan si Carabuena, pinagmumura at sinaktan si Fabros.

Mapapanood sa YouTube ang video clip na ito mula sa episode kahapon ng T3 na may habang 9:09

Hinanap daw ng T3 staff si Carabuena para makuha ang kanyang panig tungkol sa insidente.

Tumanggi raw itong magsalita sa harap ng TV camera, pero nagsabi ang Phillip Morris employee na sasampahan niya ng kaso ang MMDA traffic enforcer.

Nakatakda namang magsampa rin ng kaso si Fabros laban kay Carabuena.

On duty si Fabros nang maganap ang insidente kaya tutulungan daw siya ng MMDA sa pagsasampa ng kaso.

Ayon sa MMDA legal counsel at dating aktor na si Yves Gonzales, “direct assault” ang kaso na isasampa nila laban kay Carabuena.

Sa Twitter account ni Yves Gonzales ay sinabi rin niya kung ano ang dahilan ng pagkumpronta ni Carabuena kay Fabros:

"Enforcer asked him to stop so he won’t block d intersection. He went straight anyway. Enforcer approached, & that’s when things turned ugly."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagalit ang netizens, kabilang na ang ilang celebrities, nang mapanood nila ang video ng pagmumura at pananakit ni Carabuena kay Fabros.

Ilan sa mga nag-tweet tungkol sa pang-aabuso laban sa MMDA traffic enforcer ay ang mga sumusunod:

Karen Davila: "That motorist should be arrested! RT : at the risk of sounding literal, yes, ang KAPAL niya! grrrrr!"

Aubrey Miles: "Sana may Twitter yang mayabang na yan,nakakahiya sya.Ito ang maliligayang araw ng Kayabangan mo,Huli ka!! Kainis Lang ang Mga taong ganyan"

Paolo Bediones: "Regret is always in the end. The abusive motorist is now trying to get off the grid online but he has already been positively identified."

Cheryl Cosim: "Shame on you! Unforgivable!"

Ronnie Nathanielz: "We are interested to find out what the multi-national Philip Morris International will do about this travesty."

Mula nang kumalat ang video, deactivated na ang Facebook at Twitter accounts ni Carabuena dahil sa mga pagkondena na natatanggap niya mula sa netizens.

Ganito rin ang nangyari noong 2009 sa fashion designer na si Boyet Fajardo. Matapos siyang makunan ng video habang pinagagalitan at pinaluluhod sa harap niya ang Duty Free Philippines cashier na si Marvin Fernandez, nagsasama sa pagkondena kay Fajardo ang mga netizens.

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN