Jessy Mendiola admires JM de Guzman’s guts to say in public how he feels for her

“I guess with the things happening to me right now, and kung nasaan ako ngayon, sa sitwasyon ko, I guess it’s not the right time to be committed or be involved in a relationship. With what’s going on with me right now—the stress, the problems and pagod, lovelife—I don’t need it muna," sabi ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife.


Sa panayam noon ni JM de Guzman sa Kris TV, ang morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN, isiniwalat niyang mahal niya si Jessy Mendiola, at ganun din daw ang nararamdaman ng young actress para sa kanya.

Ito ay sa kabila ng wala pa naman daw silang pormal na relasyon ni Jessy.

Dahil sa naging deklarasyon na ito ni JM ay marami tuloy ang nagtatanong kung ano ang tunay namamagitan sa kanila ni Jessy.

Balita rin kasing na-offend daw ang young actress sa mga naging pahayag ni JM.

Upang malinawan ang isyu, kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy sa backstage ng ASAP 2012 noong Linggo, August 12.

Tinanong namin sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa naging pahayag ni JM.

Inamin ng young actress na hindi niya nagustuhan ang mga nasabi ng Angelito actor.

Sabi ni Jessy, “Nagulat lang ako na ginawa niya yun.

"Of course, siyempre nung una, nainis ako kasi bakit hindi niya sinabi sa akin.

“Sana binigyan niya muna ako ng heads-up bago niya gawin yun.

“Yung sa The Buzz, alam ko yun. Pero yung sa Kris TV, yun ang hindi ko talaga alam."

Dagdag ng 19-year-old actress, “Right after Kris TV, nag-presscon kami for The Reunion. Binombard [bombarded] ako ng questions about that without me knowing na nagawa niya yun.

“Kaya nagulat ako… sobrang clueless ako.

"Sa bandang huli, nag-sink in din sa akin.

“Natanggap ko na okay naman pala, kasi I realize things, especially now—the boys nowadays don’t do that.

“Bilib ako sa kanya, hats off ako sa kanya kasi knowing him, he’s not like that."

CONFUSING. Naguguluhan pa rin kasi ang marami sa totoong estado ng relasyon nina Jessy at JM, lalo’t nagkakaiba sila ng mga sinasabi.

Binigyang-linaw naman ito ng aktres sa PEP.

Aniya, “Kami ni JM, we’ve known each other for a long time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We started out as hi-hello friends, tapos biglang lumalabas na lang kami.

“Siguro for me, JM will be a special person for me.

"Yung sinasabi niyang mahal, nagulat talaga ako nun, wow naman!

“Nagulat talaga ako nung sumagot… for me nung sinabi niya na mahal niya ako at mahal ko siya.

“Kung sa tingin niya yun ang naibibigay kong feeling, I guess it’s fine.

“Nasabi ko na sa point ng pagkakakilala namin, siguro it’s so-called love, but not to the point na handa na kami o magpapakasal na.”


SECOND CHANCE. Ayon kay Jessy, hindi pa sila talaga nagkakausap nang masinsinan ni JM. Pero bukas daw siyang bigyan ito ng ikalawang pagkakataon.

“After the interview, we talked. But right now, hindi.

"Nagkita lang kami kanina sa ASAP, tinawag niya ako.

“Dun sa sinasabi niyang he stopped muna, siguro dahil nahiya siya.

“Hindi naman ako galit sa kanya. Gaya ng sinabi ko, bilib nga ako kasi pinanindigan niya.

“Sinasabi niya, second chance para magbago.

"I think everyone deserves that, especially if you see someone changing for the better.

“He’s not like that. We all know JM… hindi siya nagsasalita.

“In short, he’s very quiet pagdating sa private life niya sa mga interviews.

“And for him to do that, I think he’s very sweet... lalo na sa mga lalaki ngayon na ma-pride.”


JM’S MOVE. Para kay Jessy, mas maganda kung ang lahat ay manggagaling muna kay JM lalo’t ito ang lalaki.

Sabi ng Kapamilya actress, “It took a while for him to speak, ako inaantay ko siya. I don’t want to be the one.

“I’m asking him naman, whatever he does or say... kasi we’re in show business.

“Pag nakita kayong magkasama, tatanungin kayo, iinterbyuhin kayo…

“Kahit fabricated questions, gagawin pa rin para lang may mailabas na kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin kasi, bigyan mo lang ako ng heads-up para at least alam ko.

“Ayoko kasi na nara-rattle ako, na hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Tapos may mga nagagalit sa akin na mga fans, bakit hindi raw ako nagsasalita.

“Ako kasi, as much as possible, hangga’t hindi nakaklaro sa akin, hindi ako magsasalita.

“I don’t want anyone to think na nagpi-feeling ako."


CONSISTENT. Sa kabila ba ng nangyari, hindi ba nagbago o nawala ang special feelings niya para kay JM?

“Hindi naman," sagot ni Jessy.

"Hindi naman ako ganung klase ng tao na because of what happened, biglang mawawala.

“Ako naman, I’ve been always there for him to care.

“I guess all we need now is time—time to fix everything and everything will fall into place.”


PRIORITY. Maganda ang itinatakbo ng career ni Jessy ngayon sa Kapamilya network.

Nag-resume na ang taping ng Isla kung saan makakapareha niya si Matteo Guidicelli at palabas na ngayon sa mga sinehan ang The Reunion ng Star Cinema.

Sa kabila ng espesyal na nararamdaman nila ni JM sa isa’t isa ay mas prayoridad pa rin daw ni Jessy ang kanyang career.

“Sa akin, hindi naman siya para seseryosohin.

“I guess with the things happening to me right now, and kung nasaan ako ngayon, sa sitwasyon ko, I guess it’s not the right time to be committed or be involved in a relationship.

“With what’s going on with me right now—the stress, the problems and pagod, lovelife—I don’t need it muna," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN