Ynna Asistio remains positive despite crises in her life; denies rumored breakup with Mark Herras

Nagpapasalamat si Ynna Asistio na sa kabila ng sunud-sunod na mga problemang pinagdadaanan niya at ng kanyang pamilya ay nandiyan pa rin ang mga taong inaasahan niyang makakatulong sa kanya, lalo na ang boyfriend na si Mark Herras.


Nabaha pala ang bahay sa Pasig City ng young actress na si Ynna Asistio noong kasagsagan ng nagdaang habagat.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna kung bakit sa Pasig na sila nakatira, samantalang sa pagkakaalam namin ay taga-Quezon City sila.

Paliwanag niya, “Kasi nung time na magulo na yung buhay namin, naghahanap na talaga kami ng house.

“Kasi parang nakaramdam kami ng… si Mommy kasi, once nakaramdam siya ng bigat dun sa bahay, lumilipat kami."

Si Ynna ay anak ng dating Regal baby na si Nadia Montenegro kay Boy Asistio, isang dating mayor ng Caloocan City.

Pagpapatuloy ng Kapuso young actress, “So nung time na nagkakagulo na, talagang naghahanap na kami ng bahay noon.

“Tapos na-publish kung saan yung bahay namin dati, na hindi na… naisip namin na hindi na safe.

“So, lumipat kami and tahimik kaming lumipat at maayos—na mas okay kami dito, mas tahimik yung buhay namin.”

Ang kaso, binaha nga sila…

“Yung contract namin dun sa house, ’til December na lang, pero ang plano talaga namin this year is to ano na... magpagawa ng house.

“Kaya lang, ang hirap nung hindi mo alam kung ano ang tama para sa amin.

“Kasi ang dami namin sa bahay, nasa thirty kaming tao, so hindi birong magpagawa ng bahay.”



MARK HERRAS. Samantala, may isyung lumabas na break na raw sila ni Mark Herras. Gaano ito katotoo?

“A, hindi, wala po, ano po yun... wala, feeling ko, iyon yung time na nung nabaha kami,” sabi ni Ynna.

Marami kasi ang nakapansin na tahimik sila ni Mark sa Twitter ngayon.

“Natawa nga ako kasi may nagsabi sa akin na, ‘Bakit hindi ka na nagpo-post ng pictures? Hiwalay na ba kayo?’

“Tiningnan ko yung Instagram ko, sabi ko, ‘Oo nga ano, ang tagal na.’

“Hindi naman, wala naman... parang sa dami lang ng problema ko ngayon, hindi ako nagko-concentrate sa amin ni Mark kasi kailangan ako ng pamilya ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, intindido naman niya iyon.”



ATM HACKER. Nalathala rito sa PEP noong August 25 ang pagkawala ng P380,000 ni Ynna na nakadeposito sa isang bangko.

Kagagawan daw ito ng isang hacker na nakapag-withdraw sa pamamagitan ng pag-duplicate ng kanyang ATM card.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon ni Mark sa nawalang pera sa ATM ni Ynna?

“Wala naman siyang magagawa dun!” natatawang sabi ni Ynna.

“Pero, siyempre, na-shock siya. Na-shock siya, pero yun nga, andun lang naman siya.

“And natutuwa ako, naiintindihan niya na ako naman ngayon, na kailangan ko ng time sa family.

“Kasi kailangan talaga namin ang isa’t isa, pero malungkot na wala siya diyan para sa akin… dahil busy siya sa regional shows and may bago siyang shows.

"So, ano kami, busy kami pareho. Pero hindi naman nagbago.

“Kumbaga, intindido naming lahat and happy na lang ako na busy ako dito sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Tapos siya, magkakaroon ng bagong show—yung book three ng Luna Blanca.

“So ayun, happy naman ako na intindido naman niya lahat ng pinagdadaanan ko.

“Na kahit sana nasa tabi ko siya, siyempre hindi ko kokontrahin yung trabaho kasi mas importante naman iyon.”



IN CRISIS. May mga oras bang nalulungkot o sumasama ang loob niya na wala si Mark sa tabi niya sa oras ng mga krisis?

Sagot ni Ynna, “Siyempre, normal naman, pero ang ano ko, kasi hindi ko papasamain din yung loob niya dahil trabaho yung kapalit, e.

“Kumbaga, kung hindi man kami magkita or hindi kami nagkikita, dahil sa trabaho, okay lang sa akin.

"Pero kung ibang bagay siguro, wala na, ayoko na!” at muling natawa si Ynna.

So, masama ang loob niya sa sitwasyon, hindi kay Mark mismo?

“Opo… hindi rin, iyon nga, ang maganda lang, understanding kami pareho.

“Na iyon nga, kahit ganun ang sitwasyon, nandiyan pa rin kami pareho para sa isa’t isa kahit hindi talaga madali.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



POSITIVE THINKING. Ano ang pananaw ni Ynna sa buhay ngayon na nabaha pa ang bahay nila habang nawalan na nga siya ng pera?

“Ako naman, ever since, positive ako sa buhay ko…

“Na kahit kagaya nito, na napakadaming pinagdadaanan ng pamilya namin, tinitingnan ko na lang lahat nang positive.

“Na ito, yung may bago akong show, ito ngang Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Na kahit papaano, na nawala yung pera ko, pero stable kami.

“Na nandiyan yung tatay ko, yung nanay ko, para suportahan ako ngayon dahil wala akong money.

“Yun lang, buti na lang din nagkatrabaho ako kasi, at least, magtatrabaho ako nang maayos pa para mabawi ko.

“Pero iyon nga, hindi rin naman ako titigil hangga’t makuha ko iyon, kasi hindi talaga biro yung nawala sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN