Gerald Anderson still in a secret relationship with Sarah Geronimo?

Pakiusap ni Gerald Anderson sa mga espekulasyon na "nagkabalikan" sila ni Sarah Geronimo: “Sa ngayon, lagyan na lang natin ng respeto, ng privacy yung pamilya niya, si Sarah, at sana ako din. Kasi ang pinag-uusapan natin is something very personal at sa amin na lang yun. Basta at the end of the day, friends kami. It’s something that, yes, we’ve decided on."


Sa 25th anniversary celebration ng Cebuana Lhuillier sa Smart- Araneta Coliseum last Tuesday, August 28, marami ang kinilig sa duet nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo.

Hiyawan ang mga tao nang kantahin nila ang "Won’t Last a Day Without You,” ang theme song ng kanilang huling pelikula.

Birong tanong pa ni Sarah kay Gerald ay kung "single" pa ba ito.

Pero ngumiti lang ang young actor sa tanong ng Pop Princess.

TOGETHER AGAIN? Dahil sa eksenang iyon na nasaksihan ng mga fans, marami tuloy ang umaasa na manumbalik ang pagtitinginan ng dalawa.

Ito ay matapos tumigil sa panliligaw si Gerald kay Sarah dahil na rin sa pagtutol ng mga magulang ng Pop Princess, partikular na ang ina nitong si Divine Geronimo.

Lalong uminit ang usap-usapan na "nagkabalikan" na sina Gerald at Sarah nang lumabas ang isang blind item na malinaw na tumutukoy sa kanila.

Ayon sa blind-item report, nagdesisyon daw ang dalawa na itago na lang ang kanilang relasyon dahil hindi nga boto ang pamilya ng Pop Princess sa young actor.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa balitang pagbabalikan daw nila ni Sarah.

Aniya, “Alam ninyo, maraming lumabas, di ba?

"Kung anuman ang narinig ninyo, nabasa ninyo, napanood ninyo sa TV—nasa inyo kung anong iisipin ninyo, kung anong totoo dun at hindi totoo.

“Sa ngayon, lagyan na lang natin ng respeto, ng privacy yung pamilya niya, si Sarah, at sana ako din.

“Kasi ang pinag-uusapan natin is something very personal at sa amin na lang yun.

“Basta at the end of the day, friends kami. It’s something that, yes, we’ve decided on.

“Basta, hanggang dun na lang—respeto at privacy na lang.”

Paano niya tinanggap ang mga nangyari? Partikular ang pagbawal diumano ng ina ni Sarah na si Mommy Divine na ipagpatuloy niya ang panliligaw sa anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, gaya ng sinabi ko kanina, nasa inyo na kung ano ang gusto ninyong isipin sa mga narinig ninyo, sa mga nabasa ninyo, sa mga napanood ninyo.

"What you see is what you get," tugon ni Gerald.



SPECIAL GIRL. Sa mga naunang interviews kay Gerald ay nabanggit niyang sobra niyang tini-treasure si Sarah.

Bukod sa espesyal na nararamdaman niya para rito, ang Pop Princess daw ang itinuturing niyang kauna-unahang kaibigan niyang babae.

Masaya rin ang aktor na, sa kabila ng lahat, kahit wala raw silang komunikasyon ni Sarah ay napanatili nila ang pagiging mabuting magkaibigan.

Dagdag niya, “Yun na yun, e. And I’m happy kung anuman ang mayroon kami at kung ano yun at naging ano man.

“Siyempre, hindi naman ako magsisinungaling. Lahat naman tayo dadaan din sa hirap, sa mga pagsubok.

“Mayroon para sa pamilya, para sa friends, para sa audience, at mayroon para sa amin lang.

“I want it to stay that way—very much, as much as possible.

"Recently, wala kaming communication kasi busy siya.

"Just leave it at that. Please lang, wag na nating palakihin.”

Pero aminado si Gerald na si Sarah pa rin ang pinaka-special na babae para sa kanya.

“Oo naman. She will always be special to me,” sabi niya.

Muling tinanong ng PEP si Gerald kung single pa ba siya ngayon, na itinanong ni Sarah sa kanya sa stage.

“Siyempre, single ako... single pa rin ako,” sagot ng young actor.



VACATION WITH HIS DAD. Kumusta naman ang naging bakasyon niya sa Egpyt para dalawin ang ama at para mag-isip-isip na rin tungkol sa mga nangyari sa kanya?

Sagot ni Gerald, “Okay naman yung vacation ko sa Egypt.

"Three days lang kami, pero nakapag-bonding naman kami.

“Hindi kami nakatawid sa Israel kasi medyo magulo, and yung daddy ko, nagtatrabaho sa military dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Advice sa akin ni Dad, just stay strong. Na kahit ano ang mangyari, nandiyan lang sila, na pamilya pa rin kami.

"Sa kahit na anong pagsubok, hindi problema ‘yan, malalampasan ko rin yun."

Dagdag niya, “Nagbakasyon din ako sa Davao, may pics actually sa YouTube. Nilabas ng mga kasama ko.

“Kaunting pamamasyal lang, tapos nag-show din ako for Kadayawan Festival.

“Like I said, lahat naman tayo dumadaan sa mga pagsubok and challenges sa buhay, and we all need to rest and re-energize.”



NEW SERIES. Marami na rin ang nakaka-miss kay Gerald sa telebisyon. Matagal-tagal na rin kasi ang huli niyang teleserye na Budoy (2011).

Masaya namang ibinalita ng young actor na may isang teleseryeng inihahanda para sa kanya ang ABS-CBN, kung saan makakapareha niya si Cristine Reyes.

“Miss ko na ring mag-taping, pero siyempre, ayoko ring madaliin. Mayroon naman.

“Pinaghahandaan siya ng ABS at ayoko namang pangunahan.

"I’m really excited, kasama ko si Cristine Reyes at marami pang iba.

“Hindi pa kami nag-i-start but it’s refreshing. Bagong team-up, bagong parternship.

“Isa yun sa dapat abangan.

"Napanood ko yung sa kanila ni Piolo [Pascual],” na ang nais niyang tukuyin ay ang Dahil Sa Pag-ibig, na nagtapos kamakailan.

“Tapos yung Kristine,” pagbanggit naman niya sa serye ni Cristine, kung saan nakatambal ng dalaga si Zanjoe Marudo.

“She’s really good, napakagaling niya. Excited talaga ako kasi ibang chemistry naman ang puwede naming i-offer sa tao.”


CRISTINE REYES. Best friend sila ni Rayver Cruz, ang kasalukuyang boyfriend ni Cristine at dating boyfriend ni Sarah.

Aminado si Gerald na may sikreto silang biruan ng matalik na kaibigan sa pagsasama nila ni Cristine.

“Siya ang tanungin ninyo, mayroon siyang sinabi, wag sa akin. Si Rayver ang magsasabi sa inyo niyan!” natatawa niyang sagot.

Dagdag niya, “Si Rayver very supportive, alam ninyo naman yun. Best friend ko ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, isa siya sa excited para sa amin.

"Basta tanungin ninyo siya kapag natiyempuhan ninyo siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN