PEP EXCLUSIVE: Kris Bernal has asked Carl Guevara to stop courting her

Ito ang paliwanag ni Kris Bernal kung bakit pinatigil muna niya sa panliligaw si Carl Guevara: “Parang gano’n na lang yung gusto namin, parang friends na lang muna tayo. Kasi sobrang naging busy ako sa Coffee Prince. Sunud-sunod yung schedules ko ng tapings, may mall tour ako, may mga TV guestings… So, hindi ko siya masyadong napapansin or hindi kami masyadong nagkikita. Kaya nga sabi ko, ano muna… trabaho muna.”&l


Handa na sa magaganap na pilot telecast ngayong October 8, Lunes, ang pinakabagong serye ng GMA-7—ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Coffee Prince.

Pagbibidahan ito ng nagbabalik-tambalang Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Pawisan pa si Kris nang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa isang exclusive interview noong Linggo, September 30, sa GMA Network Center. Kakatapos lang kasi ng kanyang dance number sa Party Pilipinas.

Sa pagitan ng pagpunas niya ng pawis sa mukha, nakangiting ibinalita ni Kris na nakaka-limang taping days na sila para sa Coffee Prince.

Ibinida rin nitong maayos ang samahan nila ni Aljur sa mga nakunan na nilang mga episodes.

Kuwento pa ni Kris, “Nagtutulungan kaming dalawa dahil alam naming malaki itong project na ibinigay sa aming dalawa ng GMA.

“Dahil Koreanovela series nga siya dati dito sa GMA, kaya pinagbubutihan naman talaga namin.

“Saka pinag-uusapan talaga namin ni Aljur bawat eksena, tinuturuan niya ako… gano’n.”

May kilig ba sa muli nilang pagtatambal?

“Oo naman,” mabilis na tugon ng young actress.

“Hindi naman nawawala yun. Hindi naman mawawala yung kilig kay Aljur, kasi marami na rin kaming nagawang project, di ba?

“Saka nandoon pa rin naman yung chemistry naming dalawa.”

JUST FRIENDS. Alam ba ni Carl Guevara na kinikilig siya kay Aljur?

Si Carl ang balitang manliligaw ngayon ni Kris.

“Alam naman ni Carl yun,” sabi ng dalaga.

“Saka wala namang… magkaibigan kami.

“Parang gano’n na lang yung gusto namin, parang friends na lang muna tayo.

“Kasi sobrang naging busy ako sa Coffee Prince.

“Sunud-sunod yung schedules ko ng tapings, may mall tour ako, may mga TV guestings…

“So, hindi ko siya masyadong napapansin or hindi kami masyadong nagkikita.

“Kaya nga sabi ko, ano muna… trabaho muna.”

Idiniin ni Kris na hindi pa sila ni Carl.

“Hindi naman talaga kami. Hindi talaga naging kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT LYING. Dati ay umamin si Kris sa naging relasyon nila ng singer na si Jay Perillo, pero bakit ngayon ay tila malihim na siya sa kanyang lovelife? Bakit hindi siya umaamin kay Carl?

“Hindi sa hindi ako umaamin,” sabi ni Kris.

“Kasi etong time na ito kasi, ayaw kong pumasok sa relationship dahil napaka-kritikal nga ng Coffee Prince.

“Kasi eto uli yung bumalik akong primetime, e.

“Kumbaga, nag-panghapon ako. Tapos eto yung primetime ko uli, balik-loveteam rin kami ni Aljur.

“Kaya, hindi sa hindi ako umaamin o nagsisinungaling ako ngayon, pero nagkikita naman kami.

“Pero kung trabaho talaga… kailangang mag-focus, e.”

Napag-usapan ba nila ni Carl ang desisyon niya na huwag muna nilang ituloy kung anumang namamagitan sa kanila?

“Oo, alam niya yun. Alam niya.

“Ngayon nga, sabi ko, pag gusto kong magpahinga, magpapahinga ako at kapag nagtatrabaho ako, ‘Sorry kung hindi kita nare-replay-an. Sorry kung hindi kita gaanong mapansin.’

“Kasi gusto ko talagang mag-focus sa Coffee Prince dahil ang laki ng expectations ng mga tao.”

Paano tinanggap ni Carl yung desisyon niya?

“Okey lang naman, kasi hindi pa naman talaga malalim, hindi pa malalim.

“Ilang months pa lang kami nung nagkakilala pa lang kami talaga.

“Siguro, four months pa lang nung magkakilala kami.

“So, wala pa sa point na sasagutin na or malalim na, na parang may relasyon na.”

CAREER OR LOVELIFE. Ayaw ba niya talagang magkaroon ng boyfriend? Ito ba ay dahil sa career o napaso lang siya sa mga sunud-sunod na failed relationships niya?

“Hindi naman,” tanggi ni Kris.

“Ako naman, okey lang sa akin.

“Kaya lang kasi, like ang dami kong responsibility. Yung pamilya ko inaasikaso ko din. Breadwinner din kasi ako.

“So, hindi ako basta-basta pumasok sa isang relasyon na magiging pabigat pa sa akin, gets mo? Ganun na lang.”

Marami ring pinalampas na pagkakataong ma-in love at magkaroon ng bagong relationship si Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaya nga ni Jolo Revilla na nabalitang nanligaw sa kanya, pero ngayon ay nababalitang boyfriend na ni Jodi Sta. Maria.

Sabi ni Kris tungkol dito, “Oo, e… ganun talaga, e. Ayoko muna, ayoko muna ng boys.

“Pero masarap rin naman yung feeling na may sumusuyo sa akin.

“Pero pag sinabi kong huwag muna, respeto na lang sa trabaho ko.”

Okey lang ba sa kanya kung makipag-date si Carl sa ibang babae o manligaw sa iba?

Nag-isip muna saglit si Kris at saka sinabing, “Okey lang. Okey lang naman sa akin.

“Pero siguro, ipaalam niya sa akin para alam ko rin.

“Kasi siyempre, gulat naman ako nun. Nanliligaw siya sa akin tapos biglang may nililigawan siyang iba.

“Sabihin lang niya sa akin, wala namang kaso yun.”

Kung may iba namang manligaw sa kanya, okey lang kaya ito kay Carl? Ipapaalam ba niya ito sa kanya?

“Alam na ni Carl na ano, e… hindi ako open sa ngayon, e. Alam ni Carl yun.

“Kaya… well, kung meron siguro, ikuwento ko sa kanya. Pero wala rin siyang right para magpigil sa akin.”

Hindi kaya si Aljur talaga ang nakatakdang makatuluyan niya?

“Hindi ko rin alam, e. Ewan ko… malay natin. Single ba siya?” balik-tanong ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN