Lian Paz says rumor between husband Paolo Contis and Jennylyn Mercado is "closed book"

Ikinuwento ni Lian Paz na tumawag sa kanya si Luis Manzano upang alamin ang katotohanan sa lumabas na balitang nag-uugnay sa mister ni Lian na si Paolo Contis at sa girlfriend ni Luis na si Jennylyn Mercado. “Well, sabi ko nga kay Luis, ‘It’s not about Jen anymore. Problema namin ito ni Pao. Huwag na tayong sumali.’”


“Closed book” na para kay Lian Paz ang pagkaka-link ng kanyang nakahiwalayang mister na si Paolo Contis sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

Sa taped interview ng Ang Latest kay Lian na lumabas noong October 9, sinabi niyang: “Actually, matagal nang issue ‘yon. As in talagang closed book na ‘yon. Nakakatawa nga, e.”

Inamin ni Lian na tinawagan siya mismo ng boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano upang linawin ang mga bali-balitang lumabas.

Kuwento ng dating miyembro ng EB Babes, “Nakakatuwa rin si Luis kasi tumawag siya sa akin and then kinonfirm niya talaga yung bagay na yun—if it’s true.

“Well, sabi ko nga kay Luis, ‘It’s not about Jen anymore. Problema namin ito ni Pao. Huwag na tayong sumali.’”

Dagdag pa ni Lian, pinayuhan na lang niya si Luis na huwag nang makinig sa mga lumulutang na intriga sa pagitan nina Jennylyn at Paolo.

Payo raw niya sa anak ni Governor Vilma Santos: “Don’t waste your relationship. You have a very good relationship with her so huwag na, sayang.”



THE THIRD PARTY. Muling inusisa ng Ang Latest kay Lian ang tungkol sa balitang may third party raw sa parte niya kaya sila naghiwalay ni Paolo.

Sabi ni Lian, nasaktan siya sa balitang yun.

“Oo naman, siyempre kasi parang nakakagulat na nga yung mga pangyayari tapos gano’n pa ang lalabas, di ba?

“Unfair on my part yun… sa lahat.

“Ayokong lumalabas na gano’n kasi siyempre, may anak na ako. I have two kids—both girls, parehas—gano’n.”

Sa ngayon daw ay todo-kayod si Lian para masuportahan ang kanyang mga anak.

Sabi niya, “You have to work every day to support your kids.

“Pagkatapos mo sa trabaho, may time ka pa rin sa mga kids pag-uwi mo.

“So nagpapaka-busy talaga ako para hindi ko maramdaman yung pain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN