Willie Revillame surprises Joey de Leon on the latter’s birthday celebration on Startalk

Nasorpresa ang mga manonood ng Startalk kanina dahil sa biglang pagsulpot ni Willie Revillame (kaliwa) upang batiin ng maligayang kaarawan ang co-host ng programa na si Joey de Leon (kanan) kaninang hapon, October 13. Hindi inaasahan ng staff ng showbiz talk show ng GMA-7 ang pagdating ng TV5 host-comedian.


Ikinuwento ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime ng TV5 ngayong gabi, October 13, ang pagbisita niya sa studio ng Startalk sa GMA Network kaninang hapon para personal na batiin si Joey de Leon.

Bukas, October 14, ay magdiriwang ng kanyang 66th birthday ang veteran TV host-comedian.

Ikinagulat ng viewers ng Startalk ang paglabas ni Willie sa programa dahil walang announcement na darating siya sa nabanggit na showbiz talk show ng GMA-7.

Apat na taon na hindi nagkikita nang personal sina Joey at Willie, mula nang magkasundo sila sa isang awards night na ginanap sa Embassy Bar, The Fort, noong October 2008. (CLICK HERE to read related story.)

Pero makalipas ang ilang araw, muling nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa.


SURPRISE VISIT. Simula ni Willie, “Nagpunta po ako kanina sa Kapuso, sa Startalk, dahil binati ko po ang henyo ng noontime show, ang henyo ng mga nagbibigay ng patawa.

“Walang iba… Happy birthday, Joey de Leon!

“Mr. Joey de Leon, Pare, happy birthday sa ’yo!”

Maligayang-maligaya si Willie dahil mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga empleyado ng GMA-7 nang bumisita siya kanina sa Startalk.

“Kanina, kay Mr. Ricky Lo, kay Butch Francisco, thank you, and of course, kay Tita Lolit [Solis], at sa staff.

“Ikukuwento ko lang, pagpasok ko sa GMA, ang babait ng mga guwardiya.

“Itinago ako kasi sorpresa. Pinagtago ako sa control booth nila.

“Yung kanilang mga cameraman, yung kanilang mga technical director, at staff.

“Alam n’yo ho, nakakatuwa, nandoon kami sa likod. Wala silang ginawa kundi ang magpa-picture sa akin. Nakaka-appreciate ang ganoon.

“Palakpakan natin ang staff ng GMA, walang competition, walang personalan.

“Yung mga technical nila, yung mga director, yung mga writers.

“At pagpasok ko sa studio ng Startalk, nagulat… parang hindi makapaniwala na ako, e, nandoon sa GMA.”


NO NETWORK WAR. Patuloy ni Willie, “Alam ninyo, minsan sa buhay ng tao, walang gulo, walang kumpetisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nirerespeto at minamahal mo yung babatiin mo.

“So, yung mga network war, wala po ‘yan. Ano lang ’yan, para pasayahin lang kayo.

“Nagmamahalan ho ang lahat sa industriya.

“Pareng Joey, happy birthday at, siyempre, sa Eat Bulaga!... nakakatuwa.

“Tapos ganito, ano kaya pagsamahin natin minsan ang Eat Bulaga! at Wil Time Bigtime?

“Di ba, sobrang saya niyan? Historical ’yan kasi meron na sila sa Indonesia.

“I think paiikutin nila sa lahat ng Asia yung Eat Bulaga!.

“Malay n’yo naman, yung primetime, maging Wil Time Bigtime?”

Ayon kay Willie, may permiso ng mga big boss ng TV5 ang pagpunta niya sa bakuran ng Kapuso network.

“GMA-7, salamat po! Atty. Ray Espinosa, Boss Bobby [Barreiro], salamat pinayagan ninyo ako.

“Siyempre, magpapaalam ka muna sa mga boss mo.

“First time namin ni Joey na nagkita… siguro in fifteen years. Hindi kami nagkikita nun, e.

“Siyempre, nandoon siya sa kabilang istasyon. Nandoon tayo sa dati nating istasyon [ABS-CBN]…”

Pagkatapos ay naalala ni Willie ang pagkikita nila ni Joey noong 2008.

“Hindi, nagkita kami doon sa special awards pala… sa Embassy.

“Nagkabati kami tapos nag-away uli kami, pero ngayon, talagang magkasama na kami!"

Napag-alaman ng PEP na bago pumunta ng GMA Network Studios si Willie ay dumaan muna siya sa Rolex store sa Shangri-La Plaza.

Ang Rolex na relo na binili ni Willie rito ang iniregalo niya kay Joey.

Matatandaang noong isang taon ay niregaluhan naman ni Willie si Joey ng Louis Vuitton bag. (CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN