PART 2. Regine Velasquez gives take on impact of foreign acts on local concerts

Hindi raw gaanong nakakaramdam ng gaanong pressure si Regine Velasquez sa nalalapit niyang Silver concert sa Mall of Asia Arena sa November 16. Pero inamin niyang, "medyo kinakabahan" daw siya.


Pagdating naman sa nalalapit na Silver anniversary concert ni Regine Velasquez, wala raw itong pressure na nararamdaman.

Kaya lang, “Medyo kinakabahan ako. Pero ano naman, e, may director naman. ’Tapos my sister Cacai, siya naman yung medyo aligaga.

"Pero ako, I’m trying not to think about [it] so much kasi anong point para kabahan ako, di ba?

"So, huwag na, hayaan mo na. Kaya iniisip ko na lang yung birthday ni Nate.”

Sa November 8 ang first birthday ng kanyang baby. (CLICK HERE to read related story)

First time ba niyang mag-concert sa Mall of Asia Arena?

“Well, it’s not my first time kasi nakapag-perform na ako doon. Solo concert yes.”

Bakit napili niya sa pagkakataong ito ang Arena, samantalang madalas kapag may major concert siya sa Smart Araneta Coliseum niya ito ginagawa?

“Ahmm... hindi ko alam sa kapatid ko. Kasi mahirap kumuha nang venue ngayon dahil ang daming kasabay na foreign. So, I guess nahirapan siyang kumuha sa Araneta kaya sa Arena.”

FOREIGN ACTS. Sa kagaya niyang sold-out parati ang mga concerts, nababahala ba siya sa mga foreign artists-performers na dumarating sa Pilipinas para mag-show? Healthy ba sa mga local artists ang ganitong kalakaran sa entertainment industry natin?

“Kung healthy ba yun sa atin?” matamang nag-isip muna si Regine at saka nagsalita, “Maganda rin naman yung pinupuntahan tayo ng mga gano’n, okay rin naman yung mga ganon.

“Kaya lang, huwag naman parati kasi namamatay yung industry natin.

"Kami yung nawawalan ng trabaho. Nahihirapan kaming kumuha ng sponsors. ’Tapos, natatakot rin kami dahil alam naming mas papanoorin nila yung foreign.

"Kasi ang katuwiran naman nila [viewers] lagi, nandito lang kami. Makikita naman nila kami sa TV anytime, parang gano’n ba? So, medyo hindi masyadong maganda for us, sa amin na nasa industriya.

“Siguro kailangan lang nila sigurong i-regulate? Alam mo yun?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, naniniwala si Regine na hindi lang silang mga local singers na nagku-concert sa malalaking venue ang kabado sa magiging outcome ng show nila, kundi, pati na rin ang mga producers ng mga foreign acts or concerts.

May mga balita siyang natatanggap na uma-aray na ang ibang mga Pinoy show promoter-producers dahil ang benta ng tickets ay mas mababa sa expectation.

Ang sabi pa ni Regine, “E, kasi kahit naman foreign naman or local, meron ka laging risk na baka hindi tauhin. Siyempre, [economy], e.

"Though, medyo okay naman tayo. Pero siyempre, magpa-Pasko, iipunin mo na lang yung ano... alam mo naman yung mga Pinoy.

“Saka kung alam mo naman ganun kamahal yung ticket?” na ang tinutukoy niya ay ang higit sa 15,000 pesos na halaga ng ticket para sa mga foreign concerts.

Dugtong ng Songbird, “Parang ayaw naman nilang pabili... ang mahal, e. Panoorin mo lang sa TV.”

Ang nagpapa-kampante lang kay Regine sa magaganap na concert niya ay ang feedback na marami raw gustong manood nito, dahil sabik na ang kanyang mga tagahanga na mapanood siyang muli sa mas malaking venue.

“Sana nga... Kasi di ba sabi ko nga, hindi na gaya dati na halos every year ako nagku-concert.

"Ideally, gusto ko pag major concert, may pagitan ng dalawang taon, two years para hindi naman magsawa yung mga tao.

“I’m positive naman sa mga naririnig ko at sa mga tweets na mga nababasa ko na susuporta naman raw sila.”


CONCERT ABROAD? Hindi ba niya nami-miss mag-concert sa ibang bansa para sa mga OFWs o sa mga kababayan nating matagal nang naninirahan sa iba’t-ibang panig ng mundo?

“Okey lang pero kasi, hindi ko maiiwan ang anak ko, e. Hindi ko naman masasabing madadala ko… Pero kung may chance, why not?”

Nasabi niya sa mga naunang interviews niya na gugustuhin lang niyang mag-concert abroad pag kasama niya sa show ang asawang si Ogie Alcasid, para hindi niya ma-miss ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naman kaming magkasama talaga sa abroad, saka sinasabi ko sa kapatid ko [Cacai]... kasi mahirap, e. Siyempre, ngayon kasama na si Nate.”

Back to her Silver concert, wala raw magiging partisipasyon ang kanyang baby, at press time.

“Manonood lang siya. Pero hindi ko pa alam, e. Hindi ko pa alam kung ano ang gustong gawin pa ni Rowell [Santiago, director ng concert niya]. Siguro naman... bahala na.”

Bukod kay Ogie, kasama rin sa guest line-up ni Regine sina Janno Gibbs at Lani Misalucha.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN