John Estrada and Willie Revillame bury the hatchet

Matapos ang halos dalawang taon, nagkabati na sina John Estrada (in photo) at Willie Revillame. Nagkayakapang muli ang magkaibigan sa burol ng ama ni John noong November 8.


Nagkabati na sina John Estrada at Willie Revillame.

Naganap daw ito noong Huwebes, November 8, sa huling gabi ng lamay para sa ama ni John na si Vicente Estrada, sa The Heritage Park Mortuary and Crematory sa Taguig City.

Ayon sa kuwento ni Cristy Fermin sa radio show nitong Cristy Ferminute, sa Radyo Singko, kahapon, November 9, dumating ang Wil Time Bigtime host sa burol at doon nito nayakap muli ang A Beautiful Affair actor.

Matatandaang halos dalawang taon ding hindi kinausap ni Willie si John simula noong bumalik ang huli sa ABS-CBN para maging host ng noontime show na Happy Yipee Yehey!

Sumama ang loob ni Willie sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan na si Randy Santiago, dahil ang Happy Yipee Yehey! ang siyang ipinalit sa noontime show ni Willie na Wowowee.

Nasabi noon ni Willie sa dalawang kaibigan: "Pag hindi kayo nag-rate, tatanggalin na naman kayo, mag-isip kayong mabuti. Tama? Sa akin kayo maniwala, ako ang kasama niyo sa hirap at ginhawa. Maniwala kayo sa akin. Okay. Nasa inyo ’yan. Okay? Pag tumanda tayo, tayo-tayo pa rin ang magkakasama."


(CLICK HERE to read story)

Dapat pa nga, best man si Willie sa kasal nina John at Priscilla noong February 2011, subalit hindi dumalo si Willie.


JOHN’S KIDS WITH JANICE. Samantala, nasa lamay din ang lahat ng mga anak ni John sa ex-wife nitong si Janice de Belen.

Aniya, malapit din daw sina Yuan, Moira, Kaila, at Inah sa kanyang ama.

“Oh yes, definitely... They’re very close to their lolo. I have to give that to Janice because maganda naman yung pagpapalaki niya sa mga anak ko.”

A LAST MESSAGE TO DAD. Sa huli, may pabaong mensahe si John para sa namayapang ama.

Saad ng aktor na mapapanood ngayon sa ABS-CBN primetime show na A Beautiful Affair:


I’m gonna miss you for sure. I even jokingly tell you this before you were sick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, e, kahit na mabuhay man ako ulit sa mundong ’to, ilang beses pa, kung papipiliin ako ng Diyos na kung sinong gusto kong maging tatay, si Bill Gates ba o ikaw, ikaw talaga pipiliin ko, walang kaduda-duda.

“I love you, I’m gonna miss you, and I know I’m gonna see you one of these days. And the first thing I wanna do is hug you and say ’I love you’ again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN