Part 1. Sarah Geronimo will get personally involved in running her showbiz career this 2013

Sarah Geronimo on doing kissing scenes: “Parang half of my heart, ready na. Parang half of my heart, parang hindi pa. Parang hindi ko pa makita ang sarili ko na nakikita ng lahat ng tao na nakikipag-kiss ako."


Isang Thanksgiving party ang inihanda ni Sarah Geronimo para sa entertainment press sa pag-aari nilang restaurant sa may Mindanao Avenue, Quezon City, kahapon, January 3.

Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Pop Princess.

Ang una naming tinanong kay Sarah ay kung paano niya ia-assess ang nakaraang taon ng 2012.

“Siyempre, thankful ako for all the achievements na natanggap ko and all the awards. Sobra pong pinapasalamatan ko yun.

“Sabi ko nga sa last interview ko, hindi ko akalain na mabibigyan pa ako ng award para sa album ko na One Heart, kasi parang two years ago na yata yun.

"Kaya very thankful ako.”

Nanalo ang One Heart bilang Best Selling Album sa Awit Awards last year.

TRIALS. Patuloy niya, “Siyempre, hindi rin naman mawawala ang mga trials, mga pinagdaanan.

“Sana naman matuto na talaga tayo. Parang sabi ni Lord, ‘Anak, matuto ka na talaga.’

“So, yun po!” tawa pa ni Sarah.

Marami pa ba siyang dapat matutunan?

“Marami, marami pa po.

“Like ngayon, magbe-beinte singko na ako ngayon. Magtu-twenty-five na ako!” kunwari’y maiiyak na biro ng Pop Princess.

May nagbiro naman na 25 na nga siya, pero “never been kissed.”



SARAH IN 2013. Ano naman ang expectations niya ngayong 2013, lalo pa’t sa taong ito na rin magdiriwang si Sarah ng kanyang 10th year sa show business?

Nandiyan ang weekly musical show niya sa ABS-CBN na Sarah G Live, at pelikula nila ni John Lloyd Cruz—ang It Takes A Man And A Woman.

Bukod dito, may gagawin din siyang pelikula sa Star Cinema na si Coco Martin naman ang makakatambal niya.

Isang malaking concert din daw, na mas malaki pa sa 24/SG, ang magaganap bilang pagdiriwang ng kanyang ika-sampung taon sa industriya.

Ayon kay Sarah, “Unti-unti, mag-twenty five na talaga ako.

"Hindi lang sa edad, mag-mature ako as a person talaga, as an artist. Sa lahat ng aspeto ng buhay ko, mag-mature ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa gustong magawa ni Sarah ngayong 2013 ay mas malaman ang pasikut-sikot sa kanyang karera.

Aniya, “Gusto ko ho na maging involved na sa pagpapatakbo ng career ko.

“Gusto ko na nakakausap ko yung manager ko, si Boss Vic [del Rosario] para alam ko yung itinatakbo ng career ko.

“For the past years, wala po talaga.

“Ngayon, gusto ko pong mas maging involved para hindi naman po trabaho nang trabaho.

“May mga bagay po, na sana mabigyan ako ng chance na mag-decide para sa career ko, sa movie projects na ginagawa ko, roles na ibinibigay sa akin, gayundin sa mga albums.”

Pati na sa personal na aspeto ng buhay niya?

“Opo naman, opo naman,” tugon ni Sarah.

“Siyempre, may guidance pa rin ng magulang, kasi sobrang importante ang guidance ng magulang at say nila— kasi iba rin po ang instinct nila.”

Handa siyang sundin lahat ng “say” ng mga magulang niya?

Napangiti si Sarah at saka sinabing, “Hindi po, siyempre, hindi rin naman maiiwasan na iba ang opinyon natin sa opinyon ng mga magulang natin.

“Kasi, iba naman ang generation nila, di ba po?

“Pero as long as nakikita ko na may tama rin naman ako, importante na ipaglaban ko nang maayos.”

INSECURITIES. Sa kabila ng edad at estado niya ngayon, aminado si Sarah na may insecurities pa rin siya sa sarili.

“Napakaraming insecurities po,” sambit niya.

“Siyempre, at twenty-five, hindi pa rin po ako college graduate.

“Alam ninyo, yung sa academic, parang nahuhuli talaga ako.

“Pero sobrang pinasasalamatan ko kasi may trabaho po ako. Maganda naman po yung trabaho na meron ako.

“Lalung-lalo na, nae-enjoy ko… passion ko po talaga yung trabaho ko.

“Pero, unti-unti po, makakatapos din po ako ng pag-aaral ko.”

Dugtong pa niya, “Insecurities sa physical, siyempre lahat naman tayong mga babae, may mga insecurities po, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VALENTINE MOVIE. Dapat sana’y pang-Valentine offering ng Star Cinema ang It Takes A Man And A Woman nina Sarah at John Lloyd Cruz, pero mauurong na raw ang showing nito sa Black Saturday.

Kumusta naman ang shooting nila?

“Okay naman,” matipid na sagot ng singer-actress.

Magsu-shooting din daw sila ni John Lloyd sa New York ngayong katapusan ng Enero.

Natawa naman si Sarah nang tanungin ng PEP kung dito ba sa third and last installment ng pelikula nila ni John Lloyd ay may kissing scene nang magaganap.

Aniya, “Yun po, e, hindi ko masasagot. Basta, abangan na lang po natin.”

Okay na ba sa kanya kung sakali?

“Kailangan pong pag-usapan. Kailangang ikonsulta ko sa mga magulang ko, sa manager ko, kung ito na ba talaga ang time para dun.

“Kung ready na ba ang mga supporters ko para dun. Kung ready na ba ako.”

Personally, handa na ba siya?

Sagot ni Sarah, “Parang half of my heart, ready na. Parang half of my heart, parang hindi pa.

“Parang hindi ko pa makita ang sarili ko na nakikita ng lahat ng tao na nakikipag-kiss ako.

“Pero naniniwala naman po ako sa galing ng director namin—si Direk Cathy [Garcia Molina].”

WORKING WITH JOHN LLOYD. Kumusta naman sila ni John Lloyd, lalo ngayon at bukas na sa publiko ang relasyon ng aktor kay Angelica Panganiban? Napagkukuwentuhan ba nila ang tungkol dito?

“Hindi naman, hindi naman,” nakangiti niyang sabi.

“Yun lang, masaya ako na nakikita kong iba ang glow niya.

“At saka, iba ang working relationship namin ngayon.”

Paanong iba?

“Mas kumportable.

“Siyempre, matagal din po kaming hindi nagkatrabaho. Pero, wala, para po kaming magkakabarkada sa set.”

Kinukumusta rin ba siya ni John Lloyd?

“Nangangamusta po yun. Minsan, tinatanong niya ako, ‘O, bakit tulala ka?’

“I think, mahilig lang akong tumulalang tao… I think, ganoon talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At lahat naman ng taong makakatrabaho niya can attest kung gaano siya ka-thoughtful sa mga kaibigan niya.”

SARAH’S LOVELIFE. Hindi maiiwasan na kapag si Sarah ang kausap, ang aspeto ng lovelife niya ang madalas naitatanong at nakukumusta sa kanya.

Hindi rin maitatanggi na marami ang tila nasasabik na makitang masaya na siya sa departamentong ito.

Sabi naman ni Sarah tungkol dito, “Yung lovelife, ako, talagang… kailan ko ba hindi ipinaglaban ang mahal ko?

“Sana nga, matagpuan ko na ang Edward ko. Yung talagang ipaglalaban ka, di ba?”

Ang tinutukoy ni Sarah ay ang karakter na ginampanan ng British actor na si Robert Pattinson sa movie series na Twilight—si Edward Cullen na isang vampire.

Dito naman na tinanong si Sarah kung may komunikasyon pa sila ni Gerald Anderson, ang ABS-CBN young actor na napabalitang huling nanligaw sa kanya noong nakaraang taon.

“Ayun, yun na nga po yung as much as possible, hindi ko na gugustuhing pag-usapan pa.

“Baka two years from now, puwede na nating pag-usapan!” iwas niya sa topic.

Bakit ayaw na niya itong pag-usapan?

“Hindi lang po ako kumportableng pag-usapan siya,” sagot ni Sarah.

Ano ang masasabi niya sa sinabi ni Gerald sa isang interview na “special” pa rin siya sa young actor?

“Basta po, huwag na lang natin siyang pag-usapan,” iwas niyang muli.

Napansin namin na tila nangingilid na ang luha ni Sarah kaya tinanong namin sa kanya kung malungkot ba siya ngayon.

“Hindi naman… hindi naman po.

“Kasi, maganda po ang career, kumpleto naman po ang pamilya ko.

“Although yung sister ko, nasa abroad, nasa Paris. May kulang talaga. Hindi nabubuo.”

TRIP TO BRAZIL. Nabanggit ni Sarah na ngayong 2013 ay mas gusto niyang makapagdesisyon sa career niya at maging independent.

Gaano ba kalawak yung nais niyang mangyari sa pagiging independent niya?

“Unti-unti, unti-unti po,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung trip po namin sa Brazil, big step po yun.

“Siyempre, may takot sa mga magulang ko. Ako rin po, may takot din po.

“Siyempre, foreign country yun. Tapos, nabalitaan namin na medyo delikado dahil wala pong visa dun.

“Pero talagang wala, nilakasan ko ang loob ko dahil alam ko na kailangan ko.

“Kailangan kong maramdaman na ako lang. Kailangan kong matutunang bumiyahe na kahit hindi ako lang, kahit wala yung mga magulang ko sa tabi ko.”

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Sarah na nakapagbiyahe siya sa ibang bansa na hindi kasama ang isa man sa mga magulang niya.

Sa halip, ang nakasama niya sina ay si KC Concepcion at ang choreographer na si Georcelle Dapat-Sy.

Ano ang highlights ng pagpunta nila sa Brazil?

“Yung kuwentuhan namin sa Ipanema Beach. Bawat kuwentuhan namin, mga sharing namin sa isa’t isa.

“Although, ayun… pero sana magkaroon pa ng part two para marami pa kaming kuwento sa isa’t isa.”

Anim na araw lang daw silang nakapagbakasyon.

Hindi ba siya nahirapang kumbinsihin ang mga magulang niya na payagan siyang bumiyahe mag-isa?

“Medyo, medyo nahirapan,” pag-amin ni Sarah.

Paano niya ito nakumbinsi?

“Kasi ano po yun, plano na bago pa ako mag-birthday [July 25].

“Sabi ko, ‘Mommy, pupunta ako.’

“Pero sabi nila, ‘Sige, papayagan ka namin pero dapat may kasama ka.’

“Yung ate ko na nasa Paris po. Pero unfortunately, hindi na po siya.

“Kasi, darating siya ng Tuesday, aalis na kami ng Wednesday.

“Kaya sabi ko, ‘Sayang, huwag na lang.’

“Yun… muntik pa akong hindi matuloy kasi ayaw akong payagan na aalis na ako lang.

“E, siyempre po, mahabang diskusyunan, pero nakita rin nila na kailangan din naman.

“At saka, wala namang masama. Wala naman kaming gagawing masama.

“Maayos na tao naman sila KC, sila Teacher Georcelle, walang dapat ika-worry.”

Nakaramdam ba siya ng freedom sa pagbabakasyon na mag-isa lang at walang kasamang pamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo,” nakangiti niyang sabi.

“Pero, medyo natakot din.

“Palakad-lakad lang kami dun. Kapag may lumalapit na hindi masyadong ano, nakaayos, na feeling mo, iisnatsan ka…”

Wala bang lumapit sa kanyang mga guwapong Brazilian?

“Naku, sana nga meron!” natatawang sabi niya.

Bagamat nakapagbiyahe na siyang mag-isa, at kahit sinasabi niyang gusto na niyang maging independent, aminado si Sarah na sa edad na 25 ay hindi pa rin niya kayang mamuhay mag-isa.

“Yun po ang hindi ko pa yata kaya. Parang hindi ko po ma-imagine.

“Pero eventually naman po, makakarating din tayo diyan.

“Slowly… may tamang proseso naman po.

“Ayoko lang ipilit dahil baka ako ang mapahamak bandang huli.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN