Sam Milby confirms asking permission from John Prats to court Shaina Magdayao

Nasa “getting to know you” stage pa sina Sam Milby at Shaina Magdayao at patuloy pa ang hanging out nilang dalawa. Kuwento ni Sam: “Wala pa kaming something sa ngayon… Gusto ko siyang makilala at malaman kung liligawan ko siya o hindi.”


After ma-link ni Shaina Magdayao kay Piolo Pascual, bali-balita na madalas naman daw nakikita ang young actress na ka-date si Sam Milby.

Kahit pareho silang single, ikinagulat ito ng marami dahil hindi nababalitang naging magkaibigan o close sina Sam at Shaina.

Sa presscon ng Kahit Konting Pagtingin kahapon, January 8, nilinaw agad ni Sam ang relasyon niya kay Shaina.

Sabi niya, “Hindi totoo na kami na.

"Honest ako sa mga kaibigan ko... Sa ibang tao na may crush daw ako sa kanya, may paghanga ako.

"But in terms of kung item kami or kami na, wala namang ganyan.

“Friends lang kami ngayon. Nagha-hang out kami kasama ang mga kaibigan niya.

"Never kaming nag-date na kami... ganoon."

Dugtong pa ni Sam, “Never kong sasabihin kung ano ang mangyayari kasi hindi pa namin alam—basta friends pa lang kami muna.

“Gusto ko siyang makilala nang mabuti kasi hindi pa kami nag-uusap na masyado.”



HANGING OUT. Inisa-isa ni Sam ang mga katangian na nagustuhan niya kay Shaina.

“Yung mga hang-outs namin, we didn’t talk as much, so gusto ko lang siya makilala mabuti.

“Ang gusto ko nga kay Shaina, maliban sa maganda siya, maganda ang puso niya.

“Lahat ng katrabaho niya, lahat ng non-showbiz, yun ang palaging words tungkol kay Shaina—she’s a good-hearted person."

Pero giit ni Sam, “Wala pa kaming something sa ngayon.

"Hindi ko pa naman nililigawan, nagte-text kami.

“Gusto ko siyang makilala at malaman kung liligawan ko siya o hindi.”

Kailan ba nagsimula ang paglabas nila ni Shaina at ilang beses na ba silang nag-hang out?

“Kasama ang mga kaibigan niya, siguro three or four times.

“Siyempre matagal nang nag-a-ASAP every Sunday, tapos nakikita ko siya.

"Charming talaga si Shaina… we have common friends.

“End of December, that’s the first time… kasama ang mga kaibigan niya.

“Never kaming nag-date or anything na kami lang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never kaming sweet, friends lang talaga.

“Wala pa naman, kasi pag alam mong date na kaming dalawa, may expectations na ayoko naman sa ganoon.

“Gusto kong makilala nang mabuti si Shaina… tingnan natin.”



BEST FRIEND JOHN. Best friend ni Sam si John Prats, na dating boyfriend ni Shaina.

At ayon kay Sam, humingi muna siya ng permiso kay John tungkol sa balak niya sa aktres.

“Siyempre best friend ko yun. I wanna make sure, ‘Kung sakali bang manliligaw ako kay Shaina, okay lang ba?’

“Sabi niya, okay daw. Best friend ko si John.

"Kahit noong dati na may paghanga ako kay Shaina, sinabi ko sa kanya.

"I’m a very honest person, ayokong maglihim.

“Ayoko ng ganoon kaya nagtapat ako sa kanya at nagpaalam na kung sakaling liligawan ko si Shaina, okay sa kanya.

“Kung sinabi niyang ayaw niya, hindi ko itutuloy… ganoon akong kaibigan."

Giit ulit ni Sam, “Wala pa kaming anything ngayon ni Shaina.

“Gusto kong siguraduhin kung hindi okay sa kanya, hindi ko itutuloy kasi wala pa naman kaming anything sa ngayon.”

JOHN LLOYD AND PIOLO. Tinanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam kung nagpaalam din ba siya kay John Lloyd Cruz na nakatrabaho rin niya sa ilang projects.

Sagot ni Sam, “Magkaibigan kami, pero hindi kami close."

Nagsabi rin ba siya kay Piolo Pascual na kamakailan naman ay may mga lumabas na pictures na sweet na sweet with Shaina sa Singapore?

“Kay Piolo? Marami namang nanligaw kay Shaina. She’s a great person, maganda ang puso niya kaya marami ang nanliligaw sa kanya.

“She understands and it’s expected so I won’t be surprised.

“May karapatan ba akong magselos? Hindi ko siya natanong.”



VALENTINE’S DAY. Ngayong nalalapit na naman ang Valentine’s Day, may plano na ba si Sam for Shaina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa rin. Ayun, friends lang talaga kami ngayon.”

Galing sa isang close na pamilya si Sam, naipakilala na kaya niya si Shaina sa kanyang pamilya?

“Hindi pa,” mabilis niyang tugon.



BALIK-SERYE. Samantala, excited naman si Sam sa pagbabalik-teleserye niya sa Kahit Konting Pagtingin.

Makakatrabaho niya rito sina Paulo Avelino at Angeline Quinto.

Sabi ni Sam, “Very excited!

"Siyempre, lampas dalawang taon na wala akong serye and I’m working with Angeline and Paulo for the first time.

“So I’m very excited working with these people, siyempre.

“Maganda rin kasi light siya, very blessed.

“Happy ako to work with Paulo… hindi pa kami masyadong nagkakasama kasi kai-start pa lang ng taping namin.

“After the success of Walang Hanggan, magaling talaga siya and alam ko mag-e-enjoy naman kami working together.

“With Angeline, magkaibigan kami, matagal na. Siguro mas madali sa amin, kumportable na kami.”

Ikinuwento rin ni Sam sa PEP ang kanyang role bilang Adam sa istorya.

“Si Adam, kapatid ko si Paulo. Yung family namin owns chains of hotels and resorts.

“Ako yung medyo istriktong tao—mahirap magtiwala sa ibang tao, very black and white ako, very professional.

“Medyo cold ako sa mga tao—work, work, work.

"Nakikipag-compete ako sa sarili, sa kuya ko.”



ON HOLD. Naka-hold naman ang isa pang teleserye ni Sam, ang Against All Odds na dapat ay unang gagawin niya.

Pero tiniyak ng actor-singer na tuloy pa rin ang teleserye nila nina Judy Ann Santos, KC Concepcion, at Jericho Rosales.

Aniya, “Tuloy pa rin ang Against All Odds, na-move lang ng kaunti pero magre-resume na kami ng taping next week.

“Siyempre mas masaya na may trabaho kaysa wala rin so kahit nagpupuyat ako.

“Hindi puwedeng magreklamo ’coz it’s a blessing talaga na may nagbibigay pa rin ng tiwala sa akin, ng mga projects so I’m happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre na-miss ko, iba yung movie and TV.

“Pag movie, unang-una yung mga kasama mo sa taping, mas malapit kayo sa isa’t isa kasi maraming oras kayo magkakasama.

“Of course, yun talaga ang exposure mo, ang nakikita ka ng mga Kapamilya araw-araw sa TV."

Siguradong mali-link din si Sam kay Angeline dahil sa pagtatambal nila sa Kahit Konting Pagtingin, bagay na alam naman ng aktor.

Sabi niya, “Ready naman kami. Kung wala, ayoko namang i-mislead ang mga tao pero wala.

“Magkaibigan talaga kami at sobrang kumportable kaming dalawa.

"Hindi kami romantic... basta wala.

“Totoo ‘yan, wala naman talagang nakakaalam—open book siya, gusto ko ganoon.

“Kung ano ang pinapakita niya sa ibang tao, yun na siya. Makulit talaga.

"Hindi nakikita ng mga tao na makulit talaga siya, very honest.”



HOLLYWOOD. Last year, iniwanan panandalian ni Sam ang local showbiz dati para subukan ang career sa Hollywood.

Inamin niya na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya gini-give up ang pangarap niyang maka-penetrate sa Hollywood.

Saad niya, “Hindi naman sa nag-try tapos bumalik ako dito, hindi naman ganoon.

“Nag-stay ako doon ng three months, hindi naman ganoon puwedeng ganoon kabilis ako mag-stay.

“Dapat pabalik-balik, so habang may ginagawa akong projects dito, pag tapos na, saka ako puwedeng bumalik doon.

“May Against All Odds, may Kahit Kaunting Pagtingin, hindi ako puwedeng bumalik doon.

"Depende, pero babalik pa rin ako.

“Daming projects dito, ayoko namang maging ungrateful.

“Sobrang blessed na ang dami kong trabaho dito so I wanted to do the work I can for my career.

“Pabalik-balik, starting over pa lang doon so back and forth dapat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN