Ogie Alcasid confirms "talks" about possible transfer to TV5

Sa balitang lilipat na siya sa TV5, ito ang sagot ni Ogie Alcasid: “We have been talking to TV5 since last year… probably October of last year. But as we speak, wala pang nalalagdaan and… or the details of that, mas alam ng manager ko.”


Kinumpirma ni Ogie Alcasid na may ongoing talks sa pagitan ng kampo niya at ng pamunuan ng TV5 para sa posibleng paglipat niya sa Kapatid network.

Usap-usapan kasi ngayon na “almost sure” na raw ang paglipat ng singer-comedian sa TV5 this year.

Ang chairman ng Kapatid network na si Manny V. Pangilinan ay ninong sa kasal nina Ogie at Regine Velasquez.

Sabi ni Ogie, “Hindi ko naman po idinidenay na may talks po ang manager ko at TV5.

“But as of this point, medyo premature for me to talk about it. Mas alam ng manager ko po.

“So, hindi pa ako puwedeng makapagsalita kasi wala pa naman talagang final na nangyayari.

“But, it’s true.

“We have been talking to TV5 since last year… probably October of last year.

“But as we speak, wala pang nalalagdaan and… or the details of that, mas alam ng manager ko.”

Ang manager ni Ogie ay si Leo Dominguez, na siya ring humahawak ng career nina Lovi Poe, Paulo Avelino, Solenn Heussaff, Isabelle Daza, at Gloria Diaz.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa presscon ng Valentine concert niya with Regine, Martin Nievera, and Pops Fernandez—ang Foursome—na ginanap kaninang tanghali, February 8, sa C2 Events Place, Greenhills, San Juan City.

Tinanong din ng PEP contributor na si Gorgy Rula si Ogie kung alam ba ng pamunuan ng GMA-7 na nakikipag-usap na ang kampo niya sa TV5.

Sagot ng Party Pilipinas mainstay, “My manager has spoken to our bosses also, so they are very much aware of what’s going on.”

Hanggang June na lang ng taong kasalukuyan ang kontrata ni Ogie sa Kapuso network.

“It’s only Feb [February], maaga pa!” natawang sabi ng singer-songwriter.

Pero dagdag niya, “Kaya lang kasi, we started talking last year.”

SUPPORTIVE WIFE. Habang kausap ng media si Ogie ay katabi nito ang asawa niyang si Regine Velasquez, kaya tinanong din ito kung hindi ba magkakaroon ng conflict sa career ng Asia’s Songbird kung sakaling matuloy ang paglipat ni Ogie sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi naman ni Regine, “Yung contract ko will also expire in July!”

Kaya hirit agad ni Ogie, “Hala, labas ako diyan!”

Pero sabi rin ni Regine, sa seryosong tono, “You know, kung saan magiging masaya ang asawa ko, siyempre dun ako.

“But as far as I am concerned, hindi naman kasi magkasama yung career namin, e. We have our own, e, so…

“Siya din naman, kung ano yung gusto ko, kung saan ako magiging comfortable, sinusuportahan niya rin naman ako.”

Magkasama sina Ogie at Regine sa weekly-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Bukod dito ay may kanya-kanya rin silang shows sa Kapuso network.

Si Ogie ay napapanood sa gag show na Bubble Gang, habang si Regine ay may cooking-talk show na Sarap Diva at showbiz-magazine show na H.O.T. TV.

Halos labinwalong taon na sa GMA-7 si Ogie, simula nang lumipat siya mula sa TV5 noong 1995.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN