Maja Salvador defends Gerald Anderson; says she has been a true friend to Kim Chiu

Umaasa pa rin daw si Maja Salvador na manumbalik ang pagiging magkaibigan nina ni Kim Chiu. Pahayag ni Maja, “Naghihintay lang ako. Naghihintay lang ako kasi kailan lang naman ako tumigil mag-effort. Kahit na ano’ng mangyari, kaibigan niya pa rin ako. Ang pagkakaibigan, nagkakaintindihan. Pero nandito lang kami sa lugar ngayon, sa sitwasyon ngayon kung saan kailangan naming pagdaanan. Hindi ko man maibalik yung friendship na meron kami, pero sana in time, ma-realize


Nagkasama ang rumored couple na sina Maja Salvador at Gerald Anderson sa isang sports tournament sa La Union na inorganisa ng young actor para sa kanyang mga kaibigan.

Ito na rin ang naging selebrasyon ni Gerald sa kanyang kaarawan noong March 7.

Sa mga larawan na ipinost mismo ng mga kaibigan nila sa Instagram mula sa naturang trip, hindi maikakaila ang closeness nina Gerald at Maja na sa bawat larawan ay magkatabi sila.

Kahapon, March 10, ay may taped interview ang The Buzz kay Maja.

Ang unang itinanong sa kanya ay kung sila na ba ni Gerald.

Sagot ni Maja, “Agad-agad? Nagmamadali?

“Sinagot naman niya, di ba? Sinabi naman niya na parang kinikilala namin ang isa’t isa.”

DEFENDING GERALD. Pero hindi maikakaila na kung papaganda nang papaganda ang samahan nila ni Gerald, hindi naman nawawala ang patuloy na pagbatikos sa kanila.

Isa na rito ang akusasyon na “playboy” at “heartbreaker” daw si Gerald.

Pero ipinagtanggol ni Maja si Gerald.

Sabi ng young actress, “Kasi, ganoon din naman ang tingin ko sa kanya dati. Noong mga panahon na hindi ko pa siya kilala.

“Pero siguro, once talaga na makilala mo kasi, dati naman, hindi natin maiiwasan na makapagsalita ka o kaya makapag-isip ka ng hindi maganda sa isang tao.

“Lalo na kung may mga nagsasabi sa ‘yo.

“Kung sa akin kasi manggagaling na ipagtanggol ko siya, siyempre, sasabihin niya na siyempre, ‘Nililigawan ka niyan kaya ipinagtatanggol mo.’

“Pero sa nakikita ko, si Ge [palayaw ni Gerald], napaka-gentleman na tao.

“Sabi ko sa kanya, sabi ko, ‘Kaya maraming nagagalit sa ‘yo, e, napakabait mo. Sobrang gentleman.”

Nararamdaman ba ni Maja na talagang magkakampi sila ngayon ni Gerald against all odds?

“Parang oo naman,” sagot niya.

“Hindi ko yun hiniling sa kanya, pero nandiyan siya. Nandiyan siya lagi.”



STILL FRIENDS. Katulad ni Gerald, sunud-sunod din ang mga pangba-bash na natatanggap ni Maja, lalo na ang may kaugnayan sa nasirang pagkakaibigan nila ni Kim Chiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kim ang ex-girlfriend ni Gerald.

Kumusta na ba sila ni Kim?

Tugon ni Maja, “Tulad po ng sinabi ko, mas pinipili ko ang peace, tahimik na lang.

“Kesa magsalita ako at ipagtanggol ko at sabihin yung side ko, yung mga totoong bagay na dapat malaman ng mga tao, pero hindi na rin.

“Kasi, hahaba. Lalong gugulo, iingay.

“Paano ba? Baka mas lalong grumabe ang mga isyu, di ba?

“Kasi, ano, e, ang daming may alam ng istorya.

“May version ko, version niya [Kim], version ni Gerald, version ninyo, version ng ibang tao.

“Kung dadagdag pa ang version ko, maguguluhan kayong lahat.”

Sa kabila daw ng gap ngayon sa kanila ni Kim, nananatili pa rin daw kay Maja ang pagpapahalaga sa “friendship” nila ng co-star niya sa Ina Kapatid Anak.

“Ayoko nang i-defend ang sarili ko.

“Basta ako, alam ko na alam niya na naging totoo akong kaibigan.

“At hanggang ngayon, nandito pa rin ako.”

Ayon pa kay Maja, sinubukan naman niyang ayusin ang sitwasyon nila ni Kim, pero mukhang hindi pa raw ito posibleng mangyari ngayon.

“Naghihintay lang ako. Naghihintay lang ako kasi kailan lang naman ako tumigil mag-effort.

“Kahit na ano’ng mangyari, kaibigan niya pa rin ako.

“Ang pagkakaibigan, nagkakaintindihan.

“Pero nandito lang kami sa lugar ngayon, sa sitwasyon ngayon kung saan kailangan naming pagdaanan.

“Hindi ko man maibalik yung friendship na meron kami, pero sana in time, ma-realize niya, ng lahat, na nandito ako bilang totoong kaibigan.”

Tinanong din si Maja tungkol sa isyung diumano’y tinototoo nila ni Kim ang mga eksenang sakitan nila sa Ina Kapatid Anak, at diumano’y nag-walkout si Kim sa isa sa taping nila.

Sabi ng young actress, “Ayoko na lang palakihin. Ayoko.

“Hindi siya karapat-dapat siraan dahil kaibigan ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN