Mark Herras on girlfriend Ynna Asistio: "Mas nag-mature ako dahil kay Ynna, mas naging responsible ako."

Sampung taon na si Mark Herras sa bakuran ng GMA-7, at hindi-hindi raw siya lilipat ng ibang network. Saad ng first StarStruck Ulitmate Male Survivor, “Hindi ako lilipat. Hindi ako lilipat. Malaki ang utang na loob ko sa GMA. sobra! Ang sabi ko lang naman, lilipat lang ako ng ibang network kapag pinabayaan na ako ng GMA. E, hindi naman nila ako pinapabayaan.”


Kamakailan ay nagkaroon ng balitang nagkakalabuan na si Mark Herras at ang girlfriend niyang si Ynna Asistio. Ngunit naayos naman agad ang sitwasyon nila.

Paglilinaw ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi naman, hindi naman siya sobrang away.

“Siyempre hindi naiiwasan na magtampuhan talaga, di ba? Pero we’re going strong.

“Ano lang naman, nagkataon lang na sobrang naging busy kasi, di ba, nagsimula kaming mag-taping, as in almost nag-every day kami mag-taping, e, so nawalan kami ng oras.

“Iyon lang naman.”

Nakausap ng PEP si Mark sa taping ng Unforgettable sa Tagaytay City noong Martes, April 16.

Aniya pa, wala silang matinding pinag-awayan.

Paano niya inayos? Kinausap ba niya agad si Ynna?

Sagot ni Mark, “Pag nagkikita kami, kasi once na nagkita kami, okay na kami, yun lang.

“Ganun lang yun, ganun kasimple lang.”

Hindi rin daw sila umabot sa cool-off.

“Wala, pahinga lang, ganun lang.”



THE ONLY WOMAN IN HIS LIFE. Nadamay pa nga sa tampuhan nila ang pangalan ni Kylie Padila, na leading lady ni Mark sa Unforgettable.

Pero ayon kay Mark, “Hindi, hindi. Kasi si Kylie, kaibigan ni Ynna; si Aljur, kaibigan ko.

“So walang problema, walang ilangan.”

Boyfriend ni Kylie si Aljur Abrenica.

Ano ang assurance na ibinigay ni Mark kay Ynna na ito lang ang babae sa buhay niya?

“Wala akong sinabi sa kanya, parang after ng lahat ng nangyari before sa mga ex ko, ano… siya yung nagpabago sa akin.”

Ano ang pinakamalaking binago sa kanya ni Ynna?

“Mas nag-mature ako dahil kay Ynna, mas naging responsible ako.

“Tapos tinuturuan niya akong humawak ng pera, tapos magbubukas na kami ng sarili naming bank account, yung sa aming dalawa lang.”

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa kasal?

“Hindi pa kasi bata pa si Ynna, e.

“Basta sabi ko sa kanya, ayoko kasing makahadlang sa career niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako nagmamadali.”

Twenty-six years old si Mark, twenty-one naman si Ynna.

Ano ang ideal age ni Mark ng pagpapakasal?

Tugon niya, “Kung stable na si Ynna, kung okay na siya, tapos kung talagang nakapag-ipon na ako, stable na ako, why not, di ba?

“Sa ngayon, hindi pa naman.”

Pero si Ynna na ba ang gustong mapangasawa ni Mark.

“Oo naman!” mabilis niyang sagot.



ROCCO NACINO. Samantala, may isyung hindi nagustuhan ni Mark ang pagpasok ni Rocco Nacino sa Unforgettable; na nagtatanong daw si Mark kung hindi pa ba sapat na siya ang leading man ni Kylie Padilla sa naturang soap opera along with Benjamin Alves.

Paliwanag ni Mark dito, “Hindi, kasi ganito ang istorya niyan, di ba, maaga akong namatay sa show, di ba?

“Kaya ipinasok si Rocco kasi naudlot yung kilig factor namin ni Kylie, kasi namatay agad ako.

“So, kailangan si Rocco para may kilig na naman... plus Ben.

“Kasi hindi na ako mabubuhay, e. Parang, ghost talaga ako, e.”

Hindi raw totoong nainis siya sa pagkakasali ni Rocco sa show nila.

“Hindi, hindi… nung sinabi sa akin na papasok si Rocco, natuwa ako, e.

“Siyempre kaibigan ko siya, tapos si Direk Gina, sinasabihan siya, ‘O, gawin mo yung mga ginagawa ni Mark before, yung mga magpapa-cute ka.’ Yung mga ganun-ganun.

“So okay naman, wala namang problema sa akin yun.”



MONEY MATTERS. Naitanong naman ng PEP kay Mark kung ano ang pinakamalaking investment niya mula sa mga kinita niya sa showbiz.

“Yung bahay ko!” mabilis niyang sagot.

Masinop daw sa pera si Mark.

“Actually, nung dumating ako ng mga twenty-five, twenty-six, dun na ako natutong maghawak ng pera.”

Siya na totally ang may hawak ng pera niya?

“Hindi, sila pa rin ang may hawak, pero tatapusin lang namin yung this year, tapos ite-turnover sa akin yung pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi before, pinahawak sa akin yung pera, nagalit sa akin yung tito ko kasi inubos ko agad!” ang natatawang kuwento ni Mark.

Saan niya inubos ang kanyang pera?

“Shopping! Kaya binawi sa akin kasi naubos ko.”

Ngayon daw ay napakaingat na ni Mark sa pera.

LOYAL KAPUSO. Tatlong taon pa ang kontrata ni Mark sa GMA-7, at hindi raw mangyayaring lilipat siya sa ibang TV network.

“Hindi ako lilipat. Hindi ako lilipat. Malaki ang utang na loob ko sa GMA. sobra!

“Ang sabi ko lang naman, lilipat lang ako ng ibang network kapag pinabayaan na ako ng GMA.

“E, hindi naman nila ako pinapabayaan,” sabi ng kauna-unahang male winner ng StarStruck.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN