Annabelle Rama concedes to Raul del Mar in Cebu

Pagkatapos matalo sa congressional race sa North District ng Ceby ay nag-post ng mga mensahe sa Twitter ang talent manager na si Annabelle Rama kunsaan inihayag niya ang kanyang damdamin sa nakaraang eleksyon. Wala raw siyang pinagsisihan sa ginawa niyang pagtakbo at hindi raw titigil ang pagtulong niya sa kanyang mga kababayan sa Cebu.


Matapos hindi palarin sa kanyang pagtakbo sa First District ng Cebu City, nagbigay ng pahayag ang talent manager na si Annabelle Rama tungkol sa kanyang pagkatalo sa congressional race.

Sa pinakahuling datos na nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakakuha si Annabelle ng 31,886 na boto, habang ang kalaban niyang si Raul del Mar ay may 118,030 votes.

Sa kanyang official Twitter account na @annabellerama2, inulit ni Annabelle ang pamosong linya ni General Douglas MacArthur na "I shall return."

Alas-kuwatro ng hapon ngayong araw, May 14, nag-post ng labing-isang sunud-sunod na tweets ang talent manager kunsaan inihayag niya ang kanyang karanasan sa katatapos lang na eleksyon:

“Hi to all my twitter followers Im back. I missed you all.

“Its been a 6 month journey. At wala akong pinagsisihan.

“Its good experience ang dami kung natutunan.

“Magpasalamat ako sa lahat ng mga supporters ko sa North district of Cebu City.”



Sa mga kasunod niyang posts, sinabi ni Annabelle na hindi pa tapos ang nais niyang makatulong sa kanyang mga kababayan sa Cebu.

Aniya, “Its not the end of my political career.

“Asahan nyo mga kababayan ko sa Cebu. Di pa tapos ang pagtulong ko sa inyo.”

“To my opponent, congratulations sa iyo. Nakita ko ang kahirapan sa ibat ibang parte ng Cebu North District.

“Sana sila ang unahin mong tulungan. Yung pork barrel gamitin mo sa tama. Maawa ka naman sa kanila.

“Im happy nanalo si Mayor Mike. Matutuloy na niya ang mga projects nasinimula niya na mas magpapaunlad sa Cebu City.”

Si Mike Rama ay ang incumbent mayor ng Cebu na pinsan ni Annabelle.

Dagdag pa ng Gutierrez matriarch, “At ngayon ko nakilala ang mga tunay at tapat na kaibigan na nagsupport sa akin.

“I shall return. Di pa tapos ang aking adhikain. Serbisyo dili negosyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN