Jake Ejercito reacts to Georgina Wilson’s snide tweet about Manila Mayor-elect Joseph Estrada

Jake on Georgina’s derogatory tweet: “Ms. Wilson, social media might be a free world but I think it’s quite irresponsible to express such an opinion unless you are well-versed with the current situation of the city of Manila and how the present local administration has failed to handle it.”


Galit ba si Georgina Wilson sa mga pulitiko o sa mismong pulitika?

Saradong pulitiko din kasi ang buong pamilya ng boyfriend niyang si Borgy Manotoc.

Ina nito si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, tiyo nito si Senador Bongbong Marcos, at lola nito si Former First Lady at international celebrity na si Imelda Marcos.

Ang lolo pa ni Borgy ay ang yumaong Ferdinand Edralin Marcos, na umupo bilang pangulo ng Pilipinas sa loob ng dalawampung taon.

Sa loob noon, mula 1972 hanggang 1981, officially "constitutional authoritanism" ang pinanaig ni Marcos—na ang ibig lamang sabihin ay pinatakbo nito ang bansa, hindi mula sa mandato ng electorate, kung hindi mula sa pagpapailalim nito sa bansa sa martial law. Napatalsik si Marcos sa puwesto noong 1986 ng makasaysayang EDSA Revolution.

Kaya marami ang nagtaka nang makapagsalita si Georgina tungkol sa paninindigan niyang ayaw niya talaga sa pulitika.

Mas marami pa ang nagtaka kung bakit tila pinuntirya ni Georgina si Mayor-elect Joseph Estrada sa kanyang tweet kamakailan.

Laman kasi sa kanyang tweet noong election canvassing ang mga salitang, “ugh i hate politics - but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot"

Masasabi kasing insulto sa mga bumoto sa dating presidente bilang mayor ng Maynila ang pagtawag niyang "idiot" o mangmang at walang utak ang mga sumuporta kay Erap.

Kung ang ibig naman niyang sabihan ay "idiot" ang mga botante dahil hinalal nilang muli si Erap, na dati nang presidente ng bansa ngunit napaalis sa puwesto at nakulong sa kaso ng plunder at iba pang krimen laban sa bayan, hindi naman niya ito binanggit.

Binura agad ni Georgina ang kanyang tweet.

JAKE EJERCITO REACTS. Bilang isa sa mga masugid na nangampanya para sa ama, nagsalita si Jake Ejercito—ang London-based son ni Erap sa mistress nitong si Laarni Enriquez—ang pagsagot sa patutsada ng modelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tweet-reply ni Jake noong May 17 kay Georgina: “Ms. Wilson, social media might be a free world but I think it’s quite irresponsible to express such an opinion unless you are well-versed with the current situation of the city of Manila and how the present local administration has failed to handle it.

“Moreover, to call 325,288 Manileños, including the 9.4 million Filipinos who voted for him in 2010, "fucking idiots" is harsh and truly uncalled for. Don’t hate without knowing the facts RT "@ilovegeorgina: ugh i hate politics - but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot"

Bukas ang PEP sa panig ni Georgina tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN