Martin Nievera’s late-night talk show ends after one season; posts shout out to Party Pilipinas

Pagkatapos ng isang season o 13 episodes ay magtatapos na ang late-night talk show ni Martin Nievera sa ABS-CBN. Ngunit nilinaw ng singer-TV host na hindi kakanselahin ang kanyang programa kundi talaga raw pang-isang season lamang ito.


Tanggap na ni Martin Nievera na two episodes to go na lang ang kanyang late-night talkshow sa ABS-CBN na Martin Late @ Night.

Sa kanyang official Twitter account na @4eversinging4u, sinabi nito last May 5 na:

“To team late@night! Thank u so very much for a taste of a near flawless 13 episodes! I will miss u all! My prayer is more seasons w/u. =(“

Dagdag pa niya, “After the 13 I hope to god they don’t show repeats of late@night. We can always tape more. I would do it for nothing. For free”

Kinabukasan, May 6, ganito naman ang tweet ng Concert King:

“Late@night is NOT being axed or cancelled. My 13 week season is ending. Then why the big fuss? Cause I need more time for all kapamilya.”

“My goal is to guest every kapamilya on my show. Each of them with their own special episode. I need more than 1 season for that.”



PARTY PILIPINAS. Samantala, kahit taga-ASAP 18 ng ABS-CBN si Martin, nakisimpatiya pa ang singer siya sa pagtatapos ng katapat nilang programa sa GMA-7, ang Party Pilipinas, noong May 19.

Kilala kasing malapit si Martin sa main hosts ng Party Pilipinas na sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Janno Gibbs, at Jaya.

Nakasama rin noon ni Martin sa ASAP ang ilang batang singers ng Party Pilipinas na sina Rachelle Anne Go, Mark Bautista, at Christian Bautista.

Tweets ni Martin noong May 18:

“In this world of Showbiz&competition we r gladiators. But when the curtain closes we r family. 2our brothers&sisters on PP a new day begins!”

“Our hearts&hugs to our kapuso kapamilya on PP who start a new chapter. Look back in sweet memory &look forward w/pride&passion. Mabuhay PP!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN