Gina Alajar confirms son Geoff Eigenmann received "fat memo" from GMA-7 management

Masaya at kontento sa pagiging director ng mga teleserye ang batikang artista na si Ms. Gina Alajar. Kuwento niya: “Sa ngayon, okay naman ako—maganda ang nangyayari—maganda ang binibigay. At saka, walang stress na, ‘Mag-ayos ka, magpapayat.’”


Ilan sa magagaling nating mga artista ay pagdidirek na ng teleserye ang madalas na pinagkakaabalahan ngayon.

Kasama rito si Ricky Davao na direktor ng GMA-7 afternoon soap na Mga Basang Sisiw, at si Gina Alajar na director naman ngayon ng Kapuso primetime series na Anna KareNina.

Nag-pilot noong Lunes, June 3, ang dalawang bagong programa ng GMA-7.

Sa presscon ng Anna KareNina last week ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina kung bakit tila puro pagdidirek na ang ginagawa nila ngayon ni Ricky gayong kilala silang mga batikang artista.

Paglilinaw ng actress-director, “Nagkaroon din naman ako ng short stint sa Luna Blanca, pero sandali lang din yun—siguro mga two months.”

Bago ang Anna KareNina, katatapos lang idirek ni Gina ang afternoon soap na Unforgettable.

NO CONTRACT WITH GMA-7. Sunud-sunod ngayon ang mga proyekto ni Gina sa Kapuso network—bilang aktres at bilang direktor.

Pero ayon sa kanya, wala siyang kontrata sa GMA-7 at nagkataon lang na nagkasunud-sunod ang mga proyektong ginagawa niya.

“In terms of contract, wala rin. Wala naman din verbal.

"Pero kada matatapos ang isang proyekto at malapit na, magpapasabi na sila agad na, ‘Huwag na po kayong tumanggap, kasi meron na po kayong kasunod or anything.’

“Hindi naman ako nagrereklamo, happy naman ako,” sabi ng award-winning actress.

Mas gusto ba niya talagang maging direktor muna kaysa umarte?

“Sa ngayon, okay naman ako—maganda ang nangyayari, maganda ang ibinibigay.

“At saka, walang stress na, ‘Mag-ayos ka, magpapayat!’” natatawang sabi ni Gina.

Dagdag niya, “Pero given na ‘yan… sanay na.

“Whenever I do something, alam ko na kailangang meron akong tulungan… okay lang yun sa akin.”



REMAKE. Masasabing “fresh” pa rin sa karamihan ang orihinal series na Anna KareNina, ang dating weekly soap ng GMA-7 na umere mula 1996 hanggang 2002.

Pinagbidahan ito noon nina Antoinette Taus, Kim delos Santos, at Sunshine Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa bagong version naman, ang gumaganap sa mga pangunahin tauhan ay sina Barbie Forteza, Joyce Ching, at Krystal Reyes.

Ano ang reaksiyon ni Gina nang ipaalam sa kanya na remake ng Anna KareNina ang kanyang gagawin?

Aniya, “Noong malaman ko na Anna KareNina… well, iba kasi talaga dapat ang project ko. Yung Hindi Kita Iiwanan, an afternoon [soap]…

"I don’t want to go primetime—yet.

“Kasi gusto nilang mag-primetime ako, pero sabi ko, ayoko na muna… isang afternoon muna. Kasi, ninenerbiyos pa ’ko.

"E, nag-rigodon and they wanted me to direct it [Anna KareNina]… ninerbiyos ako!”

Ang pinanggagalingan ba ng nerbiyos niya ay ang magiging ratings ng telserye, lalo pa’t malakas ang primetime programs ng kabilang network?

Pag-amin ni Gina, “Yes, oo, malakas ang primetime ng kabila [ABS-CBN]. Siyempre, di ba?

"Pero naniniwala naman ako na with the cast that I have, magiging interesado ang mga tao.

“At saka ang maganda, tuwing may nagtatanong sa akin about Anna KareNina, meron kaagad recall.

“Ang nangyayari kasi, ang 30s, 40s ngayon are the fans of Anna Karenina way back.

“So, alam nila ang cast, alam nila kung sino ang mga bata.

“So, with that, nagiging kampante ako na, ‘Uy, alam pa ng mga tao, kilala pa ng mga tao.’”



CORRECTIONS. Aminado si Gina na hindi niya nasubaybayan ang orihinal na Anna KareNina, pero nakapanood daw siya ng ilang episodes at kilala rin niya kung sino ang mga bida noon.

“Ang tagal kasi niyan. At ang tendency mo, kapag mahaba, ‘A, nandiyan pa ‘yan, hindi pa matatapos.’”

Naka-peg daw na 16 weeks tatakbo ang bagong Anna KareNina para sa gabi-gabing pag-ere nito kumpara noon na once a week lang.

Magiging loyal ba sila sa orihinal na kuwento ng Anna KareNina?

Sabi ni Gina, “Well, since RJ [Nuevas] is still the one writing it, it’s his project, may mga surprises, may mga twist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron na rin siyang itinama, kasi during that time, hindi mo pa maiisip yung DNA…

“Sabi nga niya, madali pang makapanloko noong araw dahil hindi mo pa maiisip ang DNA.

“Pero ngayon, meron nang cell phone at saka kung mayaman ang Monteclaro, hindi magpapaloko yun.

“Ang una nilang gagawin, check it… check the record… have DNA.

“But the thing is, siyempre maraming pasikut-sikot...

"Nawala si Maggie [Yasmien Kurdi], yung tunay na nanay. And this time, ampon si Maggie; dati, anak talaga.

“So, nagkaroon ng mas maraming problema doon.

“Dahil ampon siya, hindi puwedeng kunan ng DNA yung grandparents.

“So, nag-twist siya ng konti for the now generation.”



REMAKE VS. RECHARGE. Obserbasyon din na kadalasan ay remake ng teleserye o pelikula na naipalabas na ang mga ginagawa ngayon.

Reaksiyon ni Gina, “Well, let’s face it, there are only 23 plots, not more than 30.

“Palit-palit ang mga serye… paulit-ulit na ‘yan. So you don’t know what will work at hindi.

“Minsan, akala natin with the good cast, good lead, yun pala, hindi rin naman pumapatok.

“Itong Anna KareNina, actually, ayaw nila ng remake. It’s Anna Karenina recharge.

“So, tried and tested na kasi ‘yan… so meron nang audience.

“So, I think, they will still be curious sa unang-una, ‘Sino ang lalabas? Sino ang papalit sa mga artistang yun?

“’Will they be as charismatic as the original? Mas may pressure ba na gumawa ng remake?’

“Of course, especially if the remake is a successful one.

“So, kung successful, everybody’s expecting na meron nang recall, tapos naging successful.

“So, ang expectation, mataas. Kaya nakakakaba.”



GEOFF EIGENMANN. Naitanong at kinumusta rin kay Gina ang pangalawa sa tatlong anak niya na si Geoff Eigenmann, na isa sa mga leading men ng Kapuso network.

“Mabuti naman, mataba!” natatawang sabi naman niya.

Kinumpirma ni Gina ang lumabas na balitang binigyan ng GMA Network ng "fat memo" si Geoff. Ang ibig sabihin ay kinuha ang atensiyon ng aktor dahil sa paglaki ng timbang niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gina, “Yes, it’s true and I don’t find it negative naman. I think it’s for his own welfare.

“Of course, he has a big responsibility sa trabahong ito at sa istasyong pinagtatrabahuhan niya.

“Lalo na, malaking responsibility sa sarili niya.”

Ngayon naman daw ay nagdyi-gym at nagpapayat na nang husto si Geoff.

“Kanina lang, kausap ko siya and sabi niya, he lost 12 lbs. already,” pagmamalaki ng aktres.

Bakit nga ba nag-gain nang ganun kalaki si Geoff?

Sabi ni Gina, “Well, alam ninyo kasi ang tao, hindi mo napapansin na kapag nagge-gain ka ng age, hindi na kagaya dati na kapag nag-diet ka ng two days, payat na agad.

“Which I told him when he turned 27 yata. So, I told him, ‘Hindi ka bumabata at nag-iiba ang metabolism.’

“Siguro, masaya siyang masyado sa buhay niya at iniisip niya na he could shed it off right away—yun ang nasa isip niya…

"But we’ll see.”



AJ EIGENMANN. Ang bunsong anak naman niyang si AJ Eigenmann ay ikakasal na sa Las Vegas, Nevada sa August 10.

Sigurado na raw na pupunta si Gina sa kasal ng anak.

Ang panganay na si Ryan Eigenmann daw ay hindi pa siguradong makakapunta, ganun din si Geoff.

Sa tatlong anak niya, si Geoff na lang ang bachelor.

Hindi kaya maiyak si Gina kapag si Geoff na ang ikakasal, lalo pa nga’t kasama niya ito sa bahay?

Sabi ng actress-director, “Noong ikinasal si Ryan, umiyak ako."

"Pero noong nagsabi si Ryan na ikakasal na siya, hindi ako umiyak. I felt happy kasi… finally. Nagli-live-in na sila noon.

"But with AJ, I cried noong sinabi pa lang.”

Sa tatlo niyang anak, si AJ ang hindi nakakasama ni Gina dahil sa Las Vegas na ito nag-aral.

“Baby ko yun, e, bunso yun,” nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, siya yung kahit na bihira kaming magkita at nagkikita kami doon, bonding talaga.

“You know, we go anywhere… dalawa kami… ‘J, we go shopping. J, we go here, Ma, let’s go here.’

“So, yung konting time na ano namin, kami ang magkasama at kuwentuhan lang nang kuwentuhan yun.

“Minsan, nag-long trip kami from Las Vegas to L.A. [Los Angeles] to Vegas, kaming dalawa lang.

“Kuwentuhan lang nang kuwentuhan… kakain. So, there’s bonding moment.

“So, noong sinabi na mag-aasawa na siya, para bang, ‘O, di hindi na ako ang priority niya, awww!’”

Kay Geoff kaya, ganoon din ang magiging reaksiyon niya?

“Hindi natin alam, hindi natin ma-foresee!” natatawa niyang sabi.



GEOFF AND CARLA. Matagal na rin ang relasyon ni Geoff sa aktres na si Carla Abellana.

Si Carla na nga ba ang gusto niyang makatuluyan ni Geoff?

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Gina.

“If there’s any girl na gusto kong makatuluyan ni Geoff o maka-settle down, siyempre si Carla na lang.

“At least, nandiyan na siya. Ilang taon na rin silang magkasama—alam na nila ang isa’t isa, alam na nila ang ugali nila.

“I just hope na pareho sila. It’s not just Geoff, but pareho sila na hindi magsawa sa isa’t isa.

“Kasi, may saturation point, di ba?

"So, sana sila. Sana sila ang meant for each other.

“Ako, hindi ko pa masabi. Pero pinu-push ko na nga si Geoff na, ‘Uy, Geoff, bumili ka na ng singsing…

“’Uy, Geoff, I saw a ring…blah, blah, blah!’” natatawa niyang kuwento.



DIREK GINA’S HAPPINESS. Tila masaya na sa kani-kanilang personal na buhay ang mga anak ni Gina, pero kumusta naman ang lovelife ng actress-director?

“Ha? Ano ba yun?” natawang sabi niya.

“Ang lovelife ko, mga apo ko. No… wala, wala talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya naghahanap?

“No, if it comes, it comes. If it doesn’t come, wala naman akong problema doon.

“Happy lang ako, nandiyan ang mga apo ko.

"I’m happy with my work. I’m happy with my grandchildren—happiness ko yun.

“Lalo na kapag walang trabaho, tapos they would come to the house to visit me.

“And the kids are excited… ang sarap, ang sarap ng pakiramdam!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN