Claudine Barretto’s bruised face on Instagram causes stir among her followers

Marami ang naintriga sa larawang ito ni Claudine Barretto kunsaan kapansin-pansin ang tila pasa sa kanyang kanang pisngi. Ilang sandali matapos mai-post ang larawang ito sa Instragram account ni Claudine ay binura rin ito ng aktres.


Isang linggong tahimik sa photo-sharing website na Instagram ang aktres na si Claudine Barretto.

Huli nitong post ay ang litrato nila ng anak na si Sabina, kung saan may caption itong: “Good morning. 2ndDay of Sabina’s school.”

Ngayong araw, June 21, muling nag-post si Claudine ng apat na sunud-sunod na litrato sa Instagram at lumikha ito ng ingay sa kanyang followers.

Una niyang post ay ang litrato kunsaan kasama niya si Sabina at dalawa pang batang babae.

Dito ay kapansin-pansin ang tila maga niyang kanang pisngi na parang may pasa. Puso lang ang caption nito.

Burado na ang naturang litrato sa ngayon, pero na-screenshot ito ng News5 reporter na si MJ Marforie bago pa man ito nabura.

Ayon sa ulat ni Marforie na lumabas sa InterAksyon.com, isang follower na may IG name na “claudinebarretto” ang nag-comment ng: “OMG what happened to your right cheek? may bruise! OMG .”

Ayon naman kay @honeybella18: “i hope you didnt get beat up…”

Sabi ni @paopaojoliepitt: “Wahh abuse ata. Bat me sapak.”

Kasunod pang post ni Claudine ay litrato niya kasama sina Sabina at Santino at mababanaag pa rin dito ang tila pasa sa kanyang kanang pisngi.

May caption ito na: “In school celebrating Sabina’s birthday! Happy bday princess we luv u.”

Isa pang post ni Claudine ay litrato nina Sabina, Santino, at mga kaklase nito na may caption na: “Happy birthday Sabina I luv u.”

Huling post ni Claudine ay litrato ng cake na may nakalagay na candle na number 9 at ang nakasulat sa cake ay “Happy 9th birthday Princess.”

Nasa Instagram pa ni Caludine na "claubarretto" ang tatlong huling litratong ipinost niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN