Melissa Mendez and Alma Concepcion exchange tirades on Instagram over business-related feud

Umuusok ang parehong Instagram accounts ng mga aktres na sina Alma Concepcion (kaliwa) at Melissa Mendez (kanan) dahil sa patutsadahan nila na may kinalaman sa kani-kanilang online business. Inakusahan ni Melissa si Alma na pinalitan daw nito ang bilang ng kanyang followers sa Instagram para makapanloko ng online sellers.


Marami ang nagulat at nagtaka kung bakit nag-post ang character actress na si Melissa Mendez ng mensahe, sa pamamagitan ng Instagram, laban sa kapwa niya aktres na si Alma Concepcion.

Via her Instagram account na "realmelissamendez"—na mayroon nang 12,000 followers—isang tila galit na galit na Melissa ang may gustong ipaabot kay Alma:

“Pakisabi ke Alma Concepcion tawaga[n] ako at wag gumamit ng tao para ako galitin dahil pag nagalit na ko ibubuko ko sya sa public sa ginagawa nyang panloloko sa mga online sellers. I will go to the media and prove the veracity of my statement that she altered her number of followers just to deceive online sellers.”

Naglagay rin ng caption si Melissa sa kanyang nai-post na mensahe para sa former beauty queen:

“Alma Concepcion, I am not envious of you. What is it to be envious about? Your BIG DECEPTION? You have no shame that you altered your number of followers to 57k just so you can get sponsors. You have no pity to online sellers who work so hard just to make a living. You have no patience to wait for them to follow you and you follow them yourself and they, newbies as they are got deceived by your tremendous number of ghost followers. Now you use ‎#hashtags just so you can a bit add the number of your likers. I can even go media and prove the veracity of your altering of number of followers. I told you, no sin will be left unseen. I became patient with you but you even posting about integrity??? Where is your integrity? SHAME ON YOU. I WILL ONE BY ONE EXPOSÉ THAT YOU ALTERED YOUR NUMBER OF FOLLOWERS JUST TO VICTIMIZE ONLINE SELLERS. Beware and don’t keep pushing me coz I will expose your SIN."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang puntahan naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Instagram account ni Alma Concepcion na "almaconcepcion" ngayong araw, July 3, nakita namin na meron din siyang mga mensaheng tila may kaugnayan sa mga mensahe ni Melissa.

Narito ang Instagram posts ni Alma:

“ENVY: Blowing out the other person’s candle will not make yours brighter...”

“If people are trying to bring you DOWN it only means that you arew above them.”

“Pay no mind to those who talk behind your back, it simply means that you are two steps ahead.”

“Your perception is your mirror...”

“A tiger doesn’t lose sleep over the opinion of sheep.”

“Great minds discuss ideas; Average minds discuss events; Small minds discuss people.”

May kinalaman ang alitan na ito sa pagitan nina Melissa at Alma sa kanilang mga online business gamit ang Instagram.

Nauuso ang ganitong klaseng business dahil marami na ang gumagamit ng naturang photo-sharing networking service.

Bukas ang PEP sa panig nina Melissa at Alma kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN