FIRST READ ON PEP. Jolina Magdangal two months pregnant with first baby with Mark Escueta

Kinumpirma ni Jolina Magdangal na nagdadalang-tao na siya sa unang anak nila ng kanyang mister na si Mark Escueta. Ayon sa multi-media artist, dalawang buwan na ang kanyang dinadala.


"Yes, I am pregnant."

Ito ang announcement ni Jolina Magdangal nang makausap siya at ang kanyang mister na si Mark Escueta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News sa tahanan ng mga Escueta sa Parañaque kaninang hapon, July 16.

Eight weeks and five days na ang ipinagbubuntis ni Jolina.

Dalawang beses ikinasal ang dalawa—una ay ang kanilang church wedding noong November 19, 2011 at pangalawa ay ang garden wedding nila sa Tagaytay noong November 21, 2011.



THE ANNOUNCEMENT. Masayang-masaya ang mag-asawa nang makumpirma nilang buntis na nga si Jolina, 34, sa kanilang unang anak.

Saad ng actress/singer/TV host, "Gusto ko na ngang i-announce agad, magpa-party… alam mo yun?

"Kaya lang, medyo maselan. Medyo maselan yung mga nangyayari sa akin ngayon.

“And yung mga friends ko, wala muna akong nasasagot.

"Kung alam n’yo lang, talagang gustung-gusto ko na, pero medyo pigil muna ako ngayon dahil hinihintay lang namin na super-super safe siya."

Habang ini-interview namin si Jolina ay dumating ang kanyang OB-Gyne na si Dr. Madeline Florendo, ng Asian Hospital, upang tingnan siya.

Pagkatapos kasi ng apat na araw na wala siyang spotting, nagkaroon na naman siya ngayong araw na ito.

Ayon kay Jolina, ang doktora niya mismo ang nag-advise na huwag muna niyang i-announce ang pagbubuntis niya.

“Siya talaga ang nagsasabi. Sabi nga niya, ang kulit ko nga raw.

“Pero ganun daw talaga yun. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Huwag ma-excite masyado.

"May spotting kasi.

“Ang nangyayari, titigil, then mae-excite na naman ako.

“Parang gusto ko nang ikuwento, tapos magkakaroon ulit.

"Parang kanina, after four days na wala na, hindi na nag-i-spotting, biglang meron ulit.

“Parang nae-excite yata ako!" natatawa niyang sabi.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Dr. Florendo, sinabi nitong pinayuhan nga niya si Jolina na huwag munang i-announce ang kanyang pagbubuntis hangga’t hindi pa stable ang kundisyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Also, I ordered her a complete bed rest because from the start of the pregnancy, parang maselan siyang magbuntis.

"Palagi siyang nagkakaroon ng vaginal discharge, vaginal spotting.

"And when you say vaginal spotting, vaginal bleeding pa rin yun.

"So, she has been having vaginal spotting on and off that’s why I ordered her a complete bed rest."

Si Dr. Florendo rin ang OB nina Gladys Reyes at Judy Ann Santos.

Si Juday raw ang nagrekomenda kay Jolina rito.



FINALLY… Si Mark naman, noong araw raw na malaman niyang buntis si Jolina ay parang kinumpirma na niya sa kanyang sarili na tatay na siya.

Lahad ng musikero, "Matagal na naming hinihintay ’to.

“Nakakatuwa noong mag-pregnancy test kami, na-confirm.

“Patapos na ang Father’s Day nun, tapos recently lang, humabol pa ako sa Father’s Day!

"Binibiro ko pa siya [Jolina] noong umaga na sama na rin ako sa Father’s Day. Kini-claim ko na yun na yun.

“E, kasi, few days before Father’s Day, na-delay na siya, so yun."

Dalawang pregnancy kits daw ang ginamit nila para siguradong-sigurado na positive nga si Jolina.

Ayon kay Jolina, ang sabi sa kanila ng kanyang doktor ay one week pa sana bago sila mag-pregnancy test.

Pero dahil nag-spotting siya kaya hindi na nila hinintay umabot ng isang linggo.

July 1 nang unang ma-ultrasound si Jolina at doon daw ay nagpi-flicker na ang heartbeat ng baby, kaya gusto na sana nilang mag-announce at itaon sa pagbabalik niya sa Sunday All Stars.

Pero yun nga lang, nag-spotting siya ulit.

Pahayag ni Jolina, "Sabi ni Doc, huwag na muna ulit.

“Kaya yun, naghintay-hintay muna kami na wala nang spotting.

“At yung second ultrasound namin na dapat sa July 25 pa, pero yun, ’eto, sinabi na rin namin."



GOOD NEWS. Masaya raw ang pamilya at mga kaibigan nina Jolina at Mark na nakaalam na magkakaanak na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jolina, "Happy, very happy. Siguro hindi lang din sa family namin kung hindi maging sa friends namin.

"Nagugulat nga ako, yung mga super-super close na sinabihan ko lang, matagal na pala nilang pinagpi-pray yun sa amin.

"At sana, tuloy lang yung prayer sa amin.

“Kasi, bukas [July 17] yung second ultrasound namin at sana, okay ulit, healthy, at yung heartbeat ganun agad kaagad.

"Kailangan ko pa rin ng prayers kasi hindi pa rin ako tapos sa first trimester.

“And I’m sure, maraming nakakaintinding mommy diyan. Mahirap yung nasa unang trimester talaga."



MORNING SICKNESS. Nakakaranas ba si Jolina ng tinatawag na paglilihi o “morning sickness”?

Sagot niya, "Hindi ko nga alam kung morning sickness ba yun, kasi kahit madaling-araw, nahihilo ako.

“Hindi naman ako nasusuka… parang naduduwal.

“At kapag sinabi kong nahihilo ako, ibibigay niya [Mark] agad yung inhaler para mag-stabilize yung body ko."

May pinaglilihian na ba siya?

"Ngayon na ba yun? " natatawa niyang sabi.

Pero natatawang dagdag ni Jolina, "Palagi akong nanonood ng My Husband’s Lover at saka talagang tini-text ko si Direk Dom [Dominic Zapata] na, ‘Direk Dom, kinikilig naman ako dito!’

"Pero alam n’yo, ang emosyun pala, iba-iba.

“Kapag sa isang araw na walang nagti-text sa akin, nalulungkot ako.

"Minsan, makikipagkuwentuhan lang ako kala Mark, naiiyak-iyak ako.

"Minsan may makain lang ako, ang saya-saya ko, e, nakain ko na nga yun dati."

Ayon naman kay Mark, wala pang hinihingi o pinapabili sa kanya si Jolina na “out of this world.”



“Wala pa namang out of this world. Pero ako, nakabantay lang ako kung ano ang gusto niya."

Ano ang natatandaan niyang palaging hinihingi o pinapabili sa kanya ni Jolina?

Sabi ni Mark, "Sa totoo lang, gusto na niyang mag-work. Nami-miss na niyang mag-work."

Dugtong naman ni Jolina, "Ay, yun ang sabi ko sa kanya na nami-miss ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, buong buhay ko, ngayon lang ako napahinga nang ganito. Wala akong magawa.

"Pero sabi niya, ‘Yung nangyayari sa ’yo ngayon…’

“Eto yung sobrang nata-touch ako kapag sinasabi niya sa akin. Sinasabi niya na, ‘Yung nangyayari sa ’yo, nagwo-work ka. May nangyayari sa loob mo at yun ang isipin mong work ngayon.’

“Pero hindi maiwasan.

"Pero palagi niyang sinasabi sa akin na, ‘Yung pagkakaroon mo ng baby sa loob, work din ’yan. ’Yan ang time para ’yan lang ang isipin mo ngayon.’



"Yun ang ano ko sa kanya na kahit madaling-araw, makikipag-usap ako sa kanya.

“Kasi, gusto kong ma-relax at kapag nakikipag-usap ako sa kanya, nare-relax ako."



COMPLETE BED REST. Nang ianunsiyo ni Jolina sa Sunday All Stars na magli-leave muna siya, totoong “health reason” daw yun dahil nai-stress siyang talaga.

At noong panahon na yun, hindi pa raw nila sigurado kung buntis nga siya dahil hindi pa siya nakakapagpa-ultrasound.

Ngayon, complete bed rest ang kailangan niya.

Sabi ni Joliona, "Ang tayo ko lang talaga, wee-wee [ihi] lang.

“After my ultrasound tomorrow, feeling ko, baka ipag-bed rest pa rin niya [her doctror] ako.

“Pero ako, kung ano ang makabubuti kay baby.

"At saka, ito naman ang hinihintay naming mag-asawa at nasa part na rin ako ng buhay ko na ito ang kailangan ko."



FUTURE PARENTS. Tinanong din ng PEP si Jolina kung nararamdaman na niya ang pagiging isang ina ngayon pa lamang.

Sagot niya, "Hindi ko pa masyadong nararamdaman, pero gusto ko nang namnamin.

“Nagbabasa na ako ng mga books.

"May mga application ang binasa ko na nae-excite ako.

“May mga videos doon na nae-excite ako kaya nagugustuhan ko ang ‘work’ na ito."


Si Mark, ano ang preparations niya?

Sagot niya, "Actually, ’eto, konting kuwento lang…

“Three years ago, bago pa lang kami nun, nagpunta kami sa bookstore. Puro mga second-hand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nakabili ka ng certain number of books, may libre kang isa.

"Three years ago pa ito, ha… ang kinuha kong book, yung tungkol sa pagiging daddy.

“So ngayon, binabasa ko na siya."

Ang title daw ng libro ay So You Wanna Be A Dad?.

Masayang sabi naman ni Jolina, "Siya pa nga ang may sabi ng mga dapat at hindi ko dapat gawin.

“Kasi ako minsan, kapag sobra akong nagbabasa, nahihilo ako.

“Siya ang nagsasabi sa akin na, ‘O, yung mga spotting na ganyan…’

“Siya talaga ang nagsasabi sa akin para di ako masyadong mag-worry.

"Siya talaga ang kama kong malambot."



GIRL OR BOY? Ang gusto raw ni Jolina na maging panganay nila ay lalaki, samantalang si Mark naman ay babae ang gusto.

Pero sabi rin nila, "Kahit ano, basta healthy."

Sa mga kaibigan daw ni Jolina na mommy na rin madalas siyang manghingi ng payo. Ilan sa mga ito ay sina Jaya, Kyla, at Suzi Entrata-Abrera.

"At lahat sila, ang sinasabi lang nila, ‘Huwag kang magpapa-stress. Manoood ka ng magagandang bagay, huwag kang mag-iintindi.’”



Ayon naman kay Mark, "Nagpapasalamat ako sa mga friends namin na nagpi-pray sa amin at saka sa mga tao rin na sana, isama nila kami sa mga dasal nila.

"Although, okay naman lahat, pero siyempre, medyo maselan.

“Hopefully tomorrow, maganda naman ang makita sa ultrasound."

Nagpapasalamat din si Jolina sa mga nakaunawa kung bakit hindi sila nagsalita kaagad at nagbigay ng kumpirmasyon sa kalagayan niya ngayon.

"Sobrang thankful kami sa mga nagmamahal sa amin.

“Yung management ko, ang PPL, kapag nagwo-worry ako, tinatawagan ko rin, kasi sobrang nagpapa-relax sa akin.

"Sobrang pag-aalaga rin ang ginawa nila sa akin.

"At yung mga friends na ka-text ko, siyempre alam n’yo na ’yan.

"At ang network [GMA-7], ang SAS, na nagpadala pa ng flowers.

“Ang Mundo Mo’y Akin na hindi nagde-demand at sobrang thankful ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sa mga fans na nagtatanong, ’eto na, sa atin ’to.

“Pero dahil sa pagmamahal ninyo, alam kong malalagpasan natin ’to," nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN