Dennis Trillo clarifies "bro code" with Rafael Rosell about Bianca King

Dennis Trillo on phenomenal success of My Husband’s Lover: “Napaka-humbling ng experience dahil parang ngayon lang ako pinagkaguluhan ng ganito ulit—kung kailan ako pinartner sa lalaki, e.”


Inamin ni Dennis Trillo na isa sa ginawa niyang peg para sa kanyang gay role sa GMA-7 primetime series na My Husband’s Lover ay ang talent manager niya na si Popoy Caritativo.

“Dito sa ganitong klase ng role, hindi puwedeng isa lang yung peg mo, e, kasi napaka-diverse ng puwedeng mangyari.

“Si Popoy, oo, Aishite Imasu [2004 movie] pa lang, nakakuha na ako sa kanya ng mga ano,” sabi ng aktor sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Wala naman daw siyang ininterbyung gays para sa kanyang role bilang Eric.

Paliwanag ni Dennis, “Sa tingin ko, hindi ko na kailangang mag-interbyu dahil, ako, napaka-observant ko na tao.

“Yung pagkatahimik ko, bumawi dun sa pagiging observant ko.

“So siyempre, dito sa showbiz , marami kang makakahalubilo na mga bading, so makikita mo yung iba’t ibang klase kaya nakakakuha ako, nakakapulot ako ng mga nuances.

“Tapos ang ginagawa ko, pinaghahalo ko siya sa isang charater.

“Or halimbawa may napanood ako na pelikula, ayun, kumukuha rin ako dun, idinadagdag ko rin [sa character as Eric].”

Pagkatapos ng My Husband’s Lover, tatanggap pa ba ulit siya ng gay role?

Sagot ng aktor, “Hindi ko masabi. Kasi sabi ko dati, tama na.

“Pero siguro, pahinga muna.

"Pero alam mo yun, mas lumawak na yung pang-unawa ko sa ganitong klaseng roles.

“Ang nakakatuwa dito sa show namin, tungkol sa kabadingan at relasyon ng mga bading, pero wala ni isang character na kinast na totoong bading—na napaka-ironic at nakakamangha.

“Nakakatuwa lang na napaka-believable lang ng lahat ng gumaganap, hindi lang yung mga bading dito sa kuwento , kundi pati yung pamilya, lahat.”

WATCHING HIMSELF. Pinapanood din daw ni Dennis ang sarili niya sa My Husband’s Lover.

“Dahil kailangan,” sambit niya.

“Pag ganitong maraming nanonood, parang feeling ko, kailangang alagaan talaga yung role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So pinapanood ko yung sarili ko pag may nakita akong maling ginagawa, kinu-correct ko sa mga susunod na tapings.”

At kahit isa na siyang award-winning actor, inamin ni Dennis na nahihirapan pa rin siya sa kanyang pagganap bilang Eric.

“Sa totoo lang, nakakapagod mag-bading talaga.

“Pag-uwi ko sa bahay, pagud na pagod ako.

“Pag inaabot kami ng umaga o madaling-araw na, medyo… nakakapagod, sobra.

“Siyempre iisipin mo yung mga tao [sa set], nakakailang, lahat nanonood.

“Nakakailang din, e.”

Sa palagay niya ba ay naging “lesser man” siya dahil sa pagganap niyang bading?

Sagot ni Dennis, “Hindi naman, kasi nakikita ko naman yung resulta nung mga ginagawa ko.

“Natutuwa naman yung mga tao kaya naman nakakatuwa.”

At dahil dito, marami ang lalong humanga sa husay ni Dennis bilang aktor.

Sabi naman niya tungkol dito, “Napaka-humbling ng experience dahil parang ngayon lang ako pinagkaguluhan ng ganito ulit—kung kailan ako pinartner sa lalaki, e.”

Sa mall shows kasi ng My Husband’s Lover ay dinudumog talaga sila ng mga tao. At sikat na rin ang “loveteam” nila ni Tom Rodriguez na TomDen.

Sa pananaw ni Dennis, posible bang mag-ibigan ang dalawang lalaki?

Tugon niya, “Puwede, puwede talaga, nangyayari talaga ‘yan.

“Posible ‘yan talagang mangyari dahil yung pagmamahal sa isang tao, nararamdaman ’yan ng lahat, e—lalaki, babae, tomboy, bading.”



LOVELESS. Nang kumustahin naman ng PEP ang personal life ni Dennis, sinabi niyang wala siyang girlfriend ngayon.

“Matagal na… siguro baka magwa-one year na.”

Ang huling naging girlfriend ni Dennis ay ang Kapuso actress na si Bianca King.

Sabi pa ng Kapuso actor, “Pero ewan ko, mas okay yata ako pag wala akong girlfriend, e, dahil mas nakaka-focus ako.

“Or siguro timing lang talaga na magaganda yung mga projects na nakukuha ko.

“Pero para sa akin, ayokong apurahin na magkaroon ng relasyon ulit dahil baka makagulo lang ito sa magandang nangyayari sa buhay ko at sa career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti at nakakaya niya na walang karelasyon? Hindi ba mahirap?

“Hindi naman, pero siyempre hindi naman zero talaga, siyempre meron naman akong…”

Ang ibig sabihin ni Dennis ay nakikipag-date siya.

“Meron din. Hindi showbiz.

“Hindi naman date talaga, may mga kaibigan lang ako.”



BRO CODE. Kapatid ni Dennis sa Luminary Talent Management si Rafael Rosell, na katambal ngayon ni Bianca sa afternoon soap na Maghihintay Pa Rin.

May kasunduan o “bro code” daw sina Dennis at Rafael na kung sakaling magkagusto si Rafael kay Bianca ay magpapaalam muna ito kay Dennis bago manligaw.

Ayon kay Dennis, “Napag-usapan namin yun, pero ako naman, wala naman yun.

“Ako naman, kahit hindi naman siya magpaalam, okay lang kasi tapos na naman kami.

“Kung girlfriend ko, maa-appreciate ko yung pagpapaalam.

“Pero hindi na naman ano, e… hindi na naman isyu sa akin yun.

“Hindi naman talaga napag-usapan nang matagal, nabanggit lang niya [Rafael] na, ‘Bro, ganyan-ganyan.’

“Kasi si Raf, mabait siyang tao, e, magkaibigan kami, kaya ayaw niyang magkakaroon kami ng problema pag tungkol sa ganyan.

“So nung sinabi niya, sabi ko, ‘Walang problema, ‘tol, wala.’

“Ano naman, tapos na ‘yan, matagal na.

“So, kung sakali man, walang problema yun sa akin.”

Kung sakaling magkaroon ng relasyon sina Rafael at Bianca, okay lang sa kanya? Hindi ba iyon magiging awkward para sa kanya?

“Hindi naman siguro, hindi naman siguro,” sagot ni Dennis.

MARIAN RIVERA. Dati namang kasamahan ni Dennis sa Luminary si Marian Rivera, na naging katambal niya sa Temptation of Wife.

Nami-miss niya ba ang aktres?

Saad ni Dennis, “Siyempre nami-miss din.

“Matagal kaming magkasama sa manager, at marami rin kaming mga projects na ginawa.”

Sa tingin ba niya ay may chance na magkasama pa silang muli sa trabaho?

“Oo naman,” mabilis na tugon ni Dennis.

“Hindi naman porke’t magkahiwalay na kami ng manager e pagbabawalan na kaming magtrabaho sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magaganda naman yung mga projects na nagawa namin noon so, sa tingin ko, kung meron maganda ulit na project, hindi magiging problema na makatrabaho siya.”



BARBIE FORTEZA. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Dennis sa pag-amin ni Barbie Forteza na crush na crush siya nito. Na gusto pa diumano ni Barbie na makuha ang cell phone number ni Dennis.

“Kanino ko ibibigay, sa inyo ba?” ang tumatawang reaksiyon ni Dennis.

Dagdag niya, “Nakakatuwa kasi consistent, e. Noong una pa talaga, parang hindi nawala, so nakakatuwa.

“Pag nakikita ko naman siya… nakakatuwa naman talaga.”

Kung may project na pagsasamahin sila ni Barbie sa isang mala-May-December love affair?

“Puwede rin naman yun. Maganda, maganda yun kung sakaling maisipan ng GMA na magkaroon,” sabi ni Dennis.

Open ba si Dennis na magkaroon ng relasyon sa isang babaeng malaki ang agwat ng kanyang edad?

Sabi niya, “Naku, hindi yata, hindi yata. Baka maraming magalit sa akin.

“Tsaka ano, lovelife, wala muna ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN