PEPtalk. Ryzza Mae Dizon talks about what makes her sad

Ryzza Mae Dizon recalled some important events in her life and shared it with PEPtalk. She talked about her humble beginnings before she entered show business.

Watch Ryzza Mae Dizon’s PEPtalk interview now!


Isang “Aling Maliit” ang nakipagkulitan at nakipagtawanan nang dumalaw ang PEPtalk team sa set ng Eat Bulaga! sa Broadway Centrum, Quezon City.

Para sa unang bahagi ng #RyzzaMaeonPEPtalk ay binalikan ni Ryzza ang kanyang pagsisimula sa showbiz.

Marami siguro sa mga tagahanga ni Ryzza ang nagtatanong kung talagang bibo at kuwela siya kahit sa likod ng camera.

Napatunayan naman ito ng PEPtalk team bago pa lang magsimula ang aktuwal na shoot at interview sa kanya.

Habang nakikipagtsikahan pa kasi si Ryzza ay umamin itong chocolate ang nagbibigay sa kanya ng energy.

“Pag kumakain po ako ng chocolate, sobrang hyper ko. Gaya kanina, kumain ako ng chocolate, ’ayun hyper na ako ngayon.”

At humirit pa si Ryzza na kaya niyang sagutin lahat ng itatanong sa kanya, “Oo naman po! Ako pa ba?”

Sa simula ng interview, napag-usapan din ang ilang importanteng detalye sa buhay ni Aling Maliit.

Naikuwento nga na ipinaglihi si Ryzza sa upos ng sigarilyo.

Kaya naman nang tanungin siya tungkol dito, ang nakakatawang kuwento niya, “Kusa lang daw po akong lumabas, umutot lang po ng ’onti, ’tapos labas na, nabahuan nga ako, e.

BAWAL ANG SAD. Sa The Ryzza Mae Show laging paalala ni Ryzza sa kanyang guests na bawal ang sad. Pero ano nga ba ang mga bagay na nagpapalungkot kay Ryzza?

Pag-amin ng bagong child wonder, “Pag po hindi ako masyadong kumakain, pag pagod po ako, pag hindi po ako kinakausap, pag wala akong nagagawa…”

Binalikan rin ni Ryzza ang kanyang pagsisimula sa showbiz na magiliw niyang ikinuwento at ibinahagi sa mga PEPsters.

May isang bahagi ng interview na tawa nang tawa si Aling Maliit.

Ano kaya ang nangyari? Alamin sa #RyzzaMaeonPEPtalk part 1.

Watch Ryzza Mae Dizon’s PEPtalk interview now!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN