LJ Reyes insists JC de Vera never became her boyfriend; works with Star Cinema for the first time

Matipid pa rin si LJ Reyes sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino. Nang tanungin kung nagkikita pa sila, sagot ni LJ: "Due to circumstances."


Sa press conference ng bagong early primetime series ng GMA-7 na Prinsesa Ng Buhay Ko noong September 12 ay biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si LJ Reyes tungkol sa balitang madalas siyang makitang nakikipag-date nitong mga nakaraang araw.

“Date? Date nang date?” gulat namang reaksiyon ng Kapuso actress.

Paliwanag pa niya, “E, nagtatrabaho nga ako, may Sunday All Stars pa.

“Mabigat lang talaga ang Sunday All Stars para sa aming lahat dahil kami ang gumagawa ng concept, kami lahat.

"Pati costumes, lahat ng details, pati props sa stage, kami talaga.

"Kaya para buong isang linggo talaga ang kinakain sa amin.”

Nag-leader na ba si LJ sa Sunday All Stars, ang weekly musical-variety show ng GMA-7?

“Hindi pa ako nagli-leader, nakakatakot mag-leader!” natatawa niyang tugon.

“Noong si AJ [Aljur Abrenica] nag-leader, parang ang nangyari, parang ako ang sumalo.

“Hindi naman lahat, pero siyempre kailangan naming magtulungan.

“E, noong time na yun, ako ang medyo free, so tulungan natin si AJ.”



FRIENDLY DATES. Sa patuloy na kantiyawan ng press at ni LJ, kinulit namin siya sa balitang may mga nakakakita sa kanila ni JC de Vera na nagde-date.

Natatawang apela naman ng aktres: “Hindi nga yun date, grabe naman, group kami, ang dami namin!”

Itinanggi rin ni LJ na naging boyfriend niya si JC bago naging sila ni Paulo Avelino.

“Ay, grabe! Hindi kami! Hindi naging kami. Ever since, friends lang kami,” sabi niya.

Pero nililigawan nga ba siya ni JC ngayon?

“Hindi po,” mabilis niyang sagot. “Hindi po talaga. Tanungin natin siya, pero hindi po talaga.”

Kung yayain siya muli ni JC na lumabas ngayong naiintriga na sila, sasama pa rin ba siya?

“E, kaibigan ko naman yun,” pakli niya.

“At saka, naniniwala naman ako sa platonic friendship. Hindi ba kayo naniniwala doon?

“Ako, may mga kaibigan akong lalaki at lumalabas ako kasama ng mga kaibigan kong lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ninyo lang napapansin, kasi mga non-showbiz yun.”

Paano kung may gusto pang manligaw sa kanya?

“Wala namang nanliligaw sa akin… e, di lumapit sila… pambihira!” natatawang sabi niya.

Pero bawi niya, “Joke lang! Joke lang!”

Dugtong ni LJ, “Wala rin naman po akong time talaga.”



PRIVACY. Bakit kung kailan nabalitang wala na sila ni Paulo, saka naman tila ang saya ng aura niya?

Natatawang sabi naman niya, “Uy, grabe! Siyempre may mga bagay naman talaga na ibigay ninyo na sa amin.

“Na hindi naman talaga namin puwedeng sabihin sa lahat ng tao, di ba?

“Siyempre, may mga part ng buhay namin na mas magandang hindi na lang namin ikuwento sa mga tao dahil yun ang mas nakakabuti para sa lahat.

“At saka, basta ang importante naman, e, masaya ako ngayon.”

Sa seryosohang tanong: Kumusta na sila ni Paulo ngayon?

“Okay… okay lang,” maikli niyang tugon.

Nagkikita pa rin sila?

“Due to circumstances!” natatawang sagot niya.



NEW MOVIE. Bukod sa Prinsesa Ng Buhay Ko at SAS, kasama rin si LJ sa She’s The One, ang Star Cinema movie na nagtatampok kina Dingdong Dantes at Bea Alonzo.

Kuwento niya, “Actually, biglaan na lang ito.

“Last week yata, binanggit ni Kuya Perry [Lansigan, her manager], kasama nga raw ako sa movie.

“Pero parang hindi ko sineryoso na totoo, kasi wala pa namang script.

“Tapos, yun na. Pinagpaalam na ako sa Prinsesa taping, hiniram muna ako for the movie.

“Timing naman, pack-up yung taping ng Prinsesa kasi malakas ang ulan."

Dagdag ni LJ, “First time ko sa Star Cinema kaya talagang kinakabahan pa ko.

“Pero masaya ako na nagkaroon ako ng chance na makasama sa movie, maka-work yung iba naman sa industry, lalo na sa Star Cinema.”

Hindi pa raw alam ni LJ kung gaano kaliit o kahaba ang magiging partisipasyon niya sa She’s The One.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang alam niya ay ex-girlfriend ni Dingdong ang magiging role niya, pero kahit ano pang role ay masaya raw siya na nakasama sa pelikula.

“At saka, sabi ko nga, at least ngayon, magkakasama kami ni Kuya Dong na pareho naman kaming tao ang role!” natatawa niyang sabi.

Sa muling pakikipag-usap ng PEP kay LJ kagabi, September 16, binanggit namin ang Instagram post niya mula sa shooting kunsaan kasama niya si Dingdong.

Bakit sa Instagram post niya ay nagpasalamat siya kay Marian Rivera, ang girlfriend ni Dingdong?

Paliwanag ni LJ, “A, kasi, noong malaman ko yung role ko na parang ex- nga yata ni Kuya Dong [ang role ko], hindi ko alam kung paano ba.

“E, kasi, di ba? Kuya ko yun, e, so paano ko iisipin na may something kami?

“Tapos si Marian, ka-text ko... actually ang tagal naming magka-text.

“E, friend ko naman talaga si Yan [palayaw ni Marian].

“So nakakatuwa naman, siya yung nagsasabi na, ‘Kaya mo ‘yan.’

“Tapos, galingan ko nga raw, baka raw yun ang mag-open ng mas maraming opportunity for me, di ba?

“Very thankful naman ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN