Jake Cuenca on Sam Milby courting Jessy Mendiola: "May the best man win."

Bukod sa kagandahang taglay ni Jessy Mendiola, ang personalidad nito ang isa pa raw na nagustuhan ni Jake Cuenca sa dalaga. Kuwento niya, "Pero ang maganda kasi kay Jessy, the times na nag-o-open up siya, the times na nag-uusap kayo na kayong dalawa lang, you see something that’s so special on her."


Inamin ni Jake Cuenca na may gusto siya sa kanyang Maria Mercedes co-star na si Jessy Mendiola.

Handa naman daw ang aktor na ligawan si Jessy kung sangayon dito ang aktres.

“Ano pa, e, tulad naman ng sinabi ni Jess, nandu’n ako para mag-adjust.

"Kung gusto niya talaga ng lalaking nanliligaw, na obviously naman na may gusto ako sa kanya, e, di mag-a-adjust ako.

"Kung kailangang manligaw, kailangan kong matutuhan manligaw.

“Well, marunong naman ako. But, just like I said before, it’s just not my style.

"But I guess, for Jessy, it can work out.”

SAM MILBY. Bukod kay Jake, ang isa pang aktor na nagkakagusto kay Jessy ay si Sam Milby.

Sa katunayan, inamin na ng Fil-Am actor-singer na nililigawan niya ang young actress.

Ngayong inamin na rin ni Jake ang nararamdaman niya para kay Jessy, hindi kaya ito pagsimulan ng away nila ni Sam?

Saad ni Jake, “Magkaibigan naman kami ni Sam, wala namang alitan sa aming dalawa.

"Iba naman, wala pa namang pormal na kahit ano.

"At tulad nga ng sinabi ni Jessy, hindi pa naman talaga siya ready.

"I don’t see anything wrong with that. Wala naman sigurong problema na maging magkaibigan kami, ’di ba? Wala namang problema.”

Dagdag niya, “Alam mo, I’m not competing with Sam. I just really like Jess.

"I’m not really looking at Sam but, honestly, kaibigan ko talaga si Sam. And I don’t want to lose that friendship either.

"Pero may gusto ako kay Jessy.”

Hindi lang daw ang kagandahan ni Jessy ang nagustuhan ni Jake sa dalaga, kundi pati na ang personalidad nito.

“What’s not to like is the question, sobrang ganda niya.

"I think her personality, like I’ve said, nakaka-challenge to go for her.

"Pero ang maganda kasi kay Jessy, the times na nag-o-open up siya, the times na nag-uusap kayo na kayong dalawa lang, you see something that’s so special on her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I enjoy that. Na-e-enjoy kong makita pag kaming dalawa lang nag-uusap.

"Na-e-enjoy ko na makita ang personalidad na yun.

"I think that’s the most I like about her, more than ever.”

"MAY THE BEST MAN WIN." Sa dami ng mga nanliligaw at gustong manligaw kay Jessy, ang motto raw ni Jake ay “May the best man win.”

Tatanggapin daw niya kung sakaling hindi siya ang piliin ng dalaga.

“Like I’ve said, kung maging sila man, that just means na pinili ni Jessy si Sam.

"And whatever makes her happy, will make me happy as well. Kung kayo talaga, kayo talaga e.

"Pero at this moment in time, handa akong makipaglaban para kay Jessy.

"Like I’ve said, even with this project [Maria Mercedes], nandito lang ako para sumuporta rin kay Jessy all the way.

“Siyempre nandun ’yung panghihinayang, but what can you do?

"’Yun naman ang usually na nararamdaman ng isang tao, pero hindi pa tapos yung laban."

Bilang bahagi ng panunuyo ni Jake kay Jessy, naikuwento ng aktor na nagdala siya ng paella sa bahay ng dalaga.

“Yeah, hinatid ko yung paella sa bahay niya. Surprise ’yun.

"So, hindi naman ako pumasok, hinatid ko lang.

"I am taking it slow. At tulad din naman ng sinabi ni Jessy, I don’t think there’s a problem if I’m taking it slow.

"Kasi tulad ng sinabi niya, hindi pa naman siya handa.”

LOVI POE. Sa nakaraang interviews, inamin ni Jake na natapos na kung anuman ang espesyal na namagitan sa kanila ni Lovi Poe.

Hindi rin itinago ng aktor na dumaan siya sa proseso na pagpapahilom ng kanyang puso dahil nasaktan siya sa nangyari sa kanila ni Lovi.

“Totoo naman na naging mahirap sa akin these past few months, pero napadali nga ang proseso nu’n.

"Paano ba naman ’di mapapadali kung katrabaho mo naman si Jessy Mendiola?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like I’ve said, ako naman, I’m ready now for this commitment, especially now with all maturity, with everything that I’ve learned, sa lahat ng natutuhan ko.

"I can say I’m more mature now, and marunong na akong mag-handle ng isang relationship.

"If the right person comes—at sana siya ’yun—ang sarap mag-alaga ng isang tao.

"I’m looking forward to that one.”

Ngayong handa na muling pumasok sa pakikipag-relasyon si Jake, aaminin kaya nito kung sakaling maging sila ni Jessy? May mga nagsasabi kasi na hindi niya naamin ang naging relasyon nila ni Lovi noon.

Sabi ni Jake, “Sa akin kasi, ayokong i-announce na nanliligaw ako. Pero, kailan ko ba hindi ini-announce na girlfriend ko ang isang tao?"

Tungkol kay Lovi, diin niya, “Hindi ko naman siya naging girlfriend. We’re dating. I’ve said it several times.

"There was never a formality na kami na or boyfriend-girlfriend.

"It’s sad... sa totoo lang nakakalungkot ’yun.

"But good thing is, we’re really good friends now. And natutuwa din naman ako para kay Lovi na her projects are doing well.

"We’re friends and I intend to keep that friendship, kasi marami kaming pinagdaanan.

“Magkapitbahay kami, so pag nagkikita kami, okay naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN