Lian Paz clears ex-husband Paolo Contis on gambling issue

Lian Paz, a mainstay of the teleserye Prinsesa Ng Buhay Ko, says ex-husband Paolo Contis does not lose his money to gambling but to treating his coterie of friends: “Naniniwala naman talaga ako dun dahil saksi talaga ako na ganun siyang klase talaga na kaibigan. Ano ngang tawag ko dun, one day millionaire? Which is actually sana hindi naman masama, kaya lang hindi niya na-control yung sarili niya, ayun.”


Unang regular show ni Lian Paz bilang aktres ang Prinsesa Ng Buhay Ko.

“Ngayon po, medyo comfortable na po ako, kasi yung cast po e talagang yung bonding namin dito maganda.

“Lahat magaan kasama, at the same time si Direk Dondon Santos e talaga naman pong itinuturo sa amin every detail.

“Like, halimbawa, meron akong hindi maintindihan kung paano ko ide-deliver ang lines ko whatsoever, nandiyan po talaga siya para tulungan ka,” umpisang kuwento ni Lian nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Prinsesa Ng Buhay Ko.


Naganap ang taping ng nasabing GMA Network teleserye sa Wilcon Mall ng Visayas Avenue, Quezon City, nitong Miyerkules, October 23.

Sa Prinsesa Ng Buhay Ko ay kapareha niya si Marco Alcaraz, at pareho silang salbahe rito.

Nang matanong ng PEP, sinabi nito na hindi siya pinagseselosan ng misis ni Marco na si Precious Lara Quigaman, isang beauty queen turned entrepreneur.

“Dati na-meet ko na sila parehas, before pa kami nagkaroon ng teleserye together, so magkaibigan talaga kami, kaibigan talaga siya ni Pao, e.”

Ang Pao na tinutukoy ni Lian ay ang kanyang dating asawa na si Paolo Contis, isang child actor na naging mahusay na character actor, liban pa sa pagiging TV host.

Sa pakikipag-usap pa ng PEP kay Lian, nasabi nitong nagsasayaw pa siya kahit mas nakatutok siya ngayon sa pag-arte.

Matatandaang nagsimula si Lian bilang miyembro ng sikat na dance group na EB Babes, na naging regular mainstay ng long-running noontime show na Eat Bulaga!

“Pag nagsu-show po kami, kapag nagpu-promote po kami ng Prinsesa Ng Buhay Ko, hindi pa rin po nawawala ang pagsasayaw,” sabi niya.

EX-HUSBAND PAOLO CONTIS. Natanong naman ng PEP kung sina Lian at Paolo ay magkaibigan pa rin.

Mabilis niyang sagot, “Opo, magkaibigan po.”

Pero matagal na raw silang hindi nagkikita.

Ang komunikasyon daw nila ngayon ay para lamang sa kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tanong naman kung nagbibigay-sustento si Paolo, tumawa muna si Lian bago sinabing, “Hindi po madalas, pero meron naman po.”

Hindi regular?

“Hindi po.”

Gaano kadalas?

Aniya, “Ano po kasi e, kumbaga, ako na lang po, naghihintay na lang po ako. Kapag meron, thank you. Kapagka wala, iniintindi ko na lang.”

Ano ang pinakamadalas?

“Actually, kaya po ako nagtatrabaho ano,” ang natatawang sagot ni Lian.

Kailan ang huling pagpapadala ni Paolo ng sustento?

“Ano po, two months ago."

Paliwanag naman niya, “Kasi nga po, ngayon lang po ulit yata siya nagkaroon ng teleserye. So, hopefully po, sana po dire-diresto na ulit. Pero iniintindi ko naman.”

PAOLO IS NOT A GAMBLER. Tinanong ng PEP si Lian kung ano ang masasabi niya sa isyu ng pagsusugal diumano ni Paolo.

Naniniwala ba siyang lulong sa sugal si Paolo?

“No,” mabilis niyang pagtanggi.

“Nung time na galit ako sa kanya, siyempre, of course di ba, gusto kong paniwalaan.

“Dahil hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkaroon ng mga financial problems noong mga panahong yun.”

Noong sila pa ni Paolo, wala siyang nahalata kung totoo nga o hindi?

“Hindi ako aware, kasi ang alam ko, nagte-taping lang siya. Hindi ko naman alam after taping kung saan siya nagpupunta, di ba?

"So, ako talaga is benefit of the doubt na lang, di ba?

“Bilang asawa ko naman siya and trust nga di ba, sabi nga nila?”

Noong galit siya kay Paolo, gusto niyang paniwalaang nagsusugal nga ito?

Pag-amin ni Lian, “Oo, pero nung nag-usap kami nang maayos, which is recent lang talaga para sa mga bata, pinag-usapan namin na gusto niyang makita yung mga bata.

"Sige, parang nilunok ko na lang yung pride ko na, ‘Sige, bahala na ito. Ano na lang, para na lang sa mga anak ko.’

“For the sake na hindi nila maalis sa isip nila na meron silang tatay, ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noon daw nila napag-usapan ang isyu ng pagsusugal ni Paolo.

“Oo, tinanong ko siya. Sabi ko, ‘Bakit nagkaganun? Ano ba talaga ang dahilan kung bakit mo ako iniwan?’

“Pero pabiro na lang, parang ayoko namang masyadong maging seryoso kasi naka-get over na ako dun sa pain, e.

“Tapos sabi niya, ’Uy, kung iniisip mo ha, kung naniniwala ka sa mga sabi-sabi na nagsusugal ako, mamatay man!

“’Isinusumpa ko hindi talaga ako nagsusugal.

"Ano lang, talagang hindi proper yung pag-handle ko ng pera, like I treat friends a lot,’" pag-amin daw ni Paolo.

Naniniwala rito si Lian.

“Which is actually true. Naniniwala naman talaga ako dun, dahil saksi talaga ako na ganun siyang klase talaga na kaibigan.

"Ano ngang tawag ko dun? One day millionaire,” at natawa si Lian.

“Which is actually sana hindi naman masama, kaya lang hindi niya na-control yung sarili niya, ayun.”

Ngayon ba, naku-kontrol na ni Paolo ang paggastos?

“Sana, sana, pero dapat, dapat. Yung lifestyle, di ba, parang baguhin din kung nahihirapan, di ba?”

NO CHANCE FOR RECONCILIATION? Wala na bang pag-asang magkabalikan sila?

Wala pa raw boyfriend si Lian, ngunit may tagahanga.

“Manliligaw. Businessman po siya.”

Si Paolo ba ay may girlfriend?

“Alam ko po, yes.”

Sino ang GF ni Paolo?

“Hindi ko kilala, e.”

So wala na ngang chance?

“Wala na. Hindi natin masasabi po, di ba? I mean, pero as of now talagang wala, wala sa isip ko talaga yung ganun.

“Ang nasa isip ko ngayon is mag-focus dito sa ibinigay sa aking opportunity ng GMA, and iyon, yung mga bata, yung mga anak ko,” panghuli niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN