Malacañang admits shortcomings in preparing for and responding to super typhoon Yolanda

Bahagi ng pahayag ni Presidential Communications Operations Office head Herminio "Sonny" Coloma Jr. kaugnay ng pagkukulang ng administrasyong Aquino sa paghahanda at pagresponde noong bagyong Yolanda: "Dahil po nakakapulot tayo ng mga mahahalagang aral, gagamitin po natin ang aral na napulot natin para mas maging mahusay po ang ating pagtugon sa susunod na pagkakataon."


Sa gitna ng mga batikos na natatanggap ngayon ng pamahalaan—mula sa mga Pilipino at sa international media—ay inamin ng Malacañang na nagkaroon sila ng pagkukulang sa paghahanda at pagresponde sa bagyong Yolanda.

Napakalaking pinsala ang iniwan ng tinaguriang "one of the strongest typhoons in history" sa ilang bahagi ng Visayas region noong nakaraang linggo.

Sa isang press conference na isinagawa kahapon, November 14, inamin ni Presidential Communications Operations Office head Herminio "Sonny" Coloma Jr. na may pagkukulang sila at tinatanggap nila ang mga puna laban sa administrasyong Aquino.

Pahayag niya, "Kung meron pong mga pumupuna, tinatanggap naman po natin iyong kanilang pagpuna.

"Hindi po natin itinatanggi na maaaring nagkaroon ng mga pagkukulang.

"Pero iyon po ay bunga na rin ng mga severe constraints.

"Hindi naman po sinasadyang huwag pagtuunan [iyon] ng pansin."

Ayon pa sa ulat ng GMA News, sa kabila ng pag-amin ni Coloma sa pagkukulang ng gobyerno, nanindigan siya sa pahayag ni President Noynoy Aquino sa televised speech nito noong November 7.

Sinubukan din daw nilang paghandaan ang "possible eventualities."

Sabi ni Coloma, "If we review the transcript, the President warned of storm surge na maaaring umabot ng up to six meters.

"Kaya, in terms of the framework that is prescribed by law, na-anticipate naman po ng ating pamahalaan iyong mga possible scenarios, katulad din po nung mga nakaraang pagkakataon, especially in the case of Typhoon Pablo [December 2012]."

Dagdag niya, "So in terms of preparation, in terms of emergency alert, masasabi po natin na ginawa po ang nararapat at naaayon sa batas na tungkulin ng pamahalaan."

Ngunit, sabi rin ni Coloma, may ilang pangyayari na wala na silang kontrol.

"Sa isang malaking organisasyon, any complex organization will involve many permutations, many nuances of operations.

"At mahirap mag-imagine ng totally perfect world na lahat na lang will fall in machine-like precision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At dahil po nakakapulot tayo ng mga mahahalagang aral, gagamitin po natin ang aral na napulot natin para mas maging mahusay po ang ating pagtugon sa susunod na pagkakataon," saad ni Coloma.

GOVERNMENT MOVES. Inisa-isa rin ni Coloma ang mga nagawa na ng pamahalaan mula nang manalasa ang bagyong Yolanda.

Sa unang araw ay nakapag-establish daw sila ng contacts sa local government units (LGUs).

Noong ikalawang araw ay nakapag-reestablish sila ng connectivity.

Sa ikatlong araw ay nakumpleto na raw nila ang mapping ng mga pinaka-tinamaang lugar gamit ang storm-tracking systems, at nadetermina nila ang priority areas—na kinabibilangan ng Regions IV-B (MIMAROPA), V (Bicol), VI (Western Visayas), VII (Central Visayas), at VIII (Eastern Visayas).

Sa ika-apat na araw, nabuksan muli ang lahat ng national highways, habang ang ibang transport operations ay nag-resume noong ika-limang araw.

Sinabi rin ni Coloma na ang mga prayoridad ngayon ng pamahalaan ay agarang pamamahagi ng pagkain, tubig, at medical assistance sa mga biktima; at ang pagbibigay ng pansamantalang matutuluyan sa mga residenteng nawalan ng tirahan.

Iniuuna rin daw nila ang pagbabalik ng kuryente at serbisyong pangkomunikasyon, ang lahat ng serbisyong pangtransportasyon, at ang "normalcy" ng mga mahahalagang government services sa hardest-hit areas.

NUMBERS. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na raw sa 2,357 ang bilang ng mga namatay na konektado sa pagsalanta ng bagyong Yolanda.

Mga 3,853 naman daw ang nasaktan, at 77 pa ang nawawala.

Ngunit ayon na rin sa ilang opisyales, inaasahan nilang ang bilang ng mga namatay ay tataas pa sa 10,000.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN