Claudine Barretto says being with Raymart Santiago is like "sleeping with the enemy"

Claudine Barretto on forgiving Raymart Santiago: "Hindi, hindi. Masyadong malalim. Mahirap patawarin ang isang taong traydor. Mahirap patawarin ang isang tao na parang sinasabi mo, yung sleeping with the enemy."

Patutsada pa niya, "...yung mga kasambahay sinusuportahan niya, at siya pa yung nagbabayad ng mga abogado. Hindi para lang sirain ang pagkatao ko, na nakalimutan niya na ako ang nanay ng mga anak niya. I think sumobra siya dun, he was out of


Dalawampu’t isang taon na si Claudine Barretto sa showbiz.

Nagsimula siya bilang isa sa young talents noon ng ABS-CBN, sa palabas na Ang TV, na nagsimulang umere noong 1992.

Noong Biyernes ng gabi, November 15, nagdaos ng isang mini-fans day ang mga tagahanga ng actress kaugnay ng kanyang ika-21st anniversary.

Dapat daw sana ay sorpresa ito, pero nabuko raw ni Claudine.

Kuwento ni Claudine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng entertainment press, “Actually, hindi ko alam na 21st year ko in showbiz. Actually, it was just more… Actually, surprise ’to ng fans. Nabuko ko lang.

“So hindi ko talaga alam kung anong mangyayari tonight, kung ano yung inihanda nila, pero I’m sure na it’s something na mai-enjoy ko at mai-enjoy kasama nila.”

Ginanap ang pagtitipon sa Centerstage Timog, at dinaluhan ng iba’t ibang fans club ng dating Kapamilya star.

Kasamang dumalo ni Claudine sa selebrasyon ang dalawang anak nila ni Raymart Santiago, ilang mga kaibigan, at ang legal counsel niyang si Ferdinand Topacio.

MORE PROJECTS, GOOD MOVIES. Ngayong lagpas dalawang dekada na siya sa industriya, ano ang inaasahan niya pagdating sa career, na pansamantalang lumamlam dahil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya?

Saad ni Claudine, “More projects, more of… I think yung masasabi mong teleseryes, good movies, and yun, work, work, work na pagkatapos nitong taong ito, siguro.”

Matutuloy na nga ba ang pagbabalik-showbiz niya sa 2014?

Paliwanag ng aktres na minsa’y namayagpag bilang A-list talent ng Kapamilya network, “Uhm, that’s not… we’re not sure, hindi ko alam kung makaka-start ako ng December or whatever, pero according to my lawyers, mabilis na lang yung proseso ng mga kaso ko.

"Patapos na, last leg na ng VAWC, last ano na rin ng PPO, at yung iba pang mga kaso.”

Ang VAWC ay ang Violence Against Women and Children (RA 9262), ang kasong isinampa ni Claudine laban sa estranged husband nitong si Raymart, noong August 29, sa Marikina Regional Trial Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang PPO naman o Permanent Protection Order ay isinampa ni Claudine laban kay Raymart matapos ihain ng korte noong August 5, 2013, ang nauna nang kasong Temporary Protection Order (TPO) na isinampa ni Claudine sa asawa.

PERMANENT PROTECTION ORDER HEARING. Nitong Martes, November 12, nagkaroon muli ng hearing kaugnay ng isinampa niyang PPO sa Marikina Regional Court, pero hindi dumalo si Claudine.

Ang kanyang abugadong si Atty. Topacio lang ang dumalo, samantalang um-attend naman si Raymart kasama ang abogado nito.

Bakit hindi siya nagpakita sa pagdinig?

Kuwento niya, “Ay, hindi naman ako kailangan nandun, at hindi ko rin ginusto na nandun ako.

"So, parang kaya nga ako humingi ng PPO, permanent protection order, para maiwasan ko siya.

“So, it’s not as if hindi ako sumisipot dahil ayoko lang sumipot, pero its more of, uhm, its always ano, e... traumatic, kapag nandun ka at nakikita mo yung tao.

“Kaya nga ako humingi ng permanent protection order e para hindi ko na makita yung tao.”

PEACE OF MIND. Sa patuloy na pag-usad ng mga kasong isinampa niya laban sa dating asawa, ano ang hinangad niyang kahihinatnan ng mga ito?

Tugon ni Claudine, “Of course, justice, justice. Na yun naman ang ipinaglalaban ko, to protect also my children para hindi na sila ma-traumatize pa.

“And I guess, yung ano, magkaroon na ng peace of mind uli. Talaga.

"Yung kasi sa bahay namin ngayon, there’s so much peace, and even my children, they’re doing very well in school, and, uhm, they’re really…

"They’re coping well dahil, sabi nga nung psychiatrist nila, its because nakikita nila na mas safe sila ngayon.”

Dahil sa hidwaan nila ng ama ng kanyang mga anak, nakikita ba niyang mag-isa niyang itataguyod ang pagpapalaki ng mga bata?

Tugon ni Claudine, “A, sa pagkakaalam ko naman, noon pa.

"Although meron namang tulong galing sa kanya, uhm, nagagawa naman niya kahit papa’no yung role niya, kahit papa’no, kahit konti, bilang ama noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa pagkakatanda ko, lahat naman nun ako e, lahat naman nang kinaya ng ako lang.

"So, wala naman talagang pagbabago ngayon, it’s just more peaceful.”

WILLING TO FORGIVE RAYMART? Banggit din ng 34-year old actress, malayo raw ang problema ng kanilang pamilya sa matinding pinagdaraanan ng bansang sinalanta ng super typhoon Yolanda.

Mas ninanais ba niya ngayong muli silang magkaayos ng asawa?

Lahad nitong may diin, “Hindi! Ang akin nga was, sinasabi ko nga e, habang kami ng mga anak ko e humahanap ng paraan para makatulong sa mga nasalanta, pa-interview pa rin sila nang pa-interview nang laging may pasaring.

"So parang, ang akin, tama na.

“Tama na kasi lalaki ka! Hindi maganda kasi may anak kang babae, tapos may anak ka ring lalaki. Sana, at siya naman siguro, hindi niya magugustuhan na matularan yun.”

Tinanong ng PEP contributor na si Gorgy Rula, “So, willing ka rin naman na kalimutan or masasabi nating pinatawad mo na siya?”

Diin ni Claudine: “Hindi, hindi. Masyadong malalim.

"Mahirap patawarin ang isang taong traydor.

"Mahirap patawarin ang isang tao na parang sinasabi mo, yung sleeping with the enemy."

Ang Sleeping with the Enemy ay ang 1991 movie na psychological thriller, kung saan ang isang battered wife (Julia Roberts) ay pilit kumakawala sa kanyang abusive husband (Patrick Bergin). Idinirehe ni Joseph Reuben, base ito sa 1987 novel ni Nancy Price na may parehong pamagat.

Dagdag ni Claudine, “Mahirap yun e, yung down to, yung sa loob, yung mga kasambahay sinusuportahan niya, at siya pa yung nagbabayad ng mga abogado.

“Hindi para lang sirain ang pagkatao ko, na nakalimutan niya na ako ang nanay ng mga anak niya.

"I think sumobra siya dun, he was out of line!

"And for that, nakita kasi ng mga anak ko yung mga interviews niya, e.

“Yung about nung drug addiction, and I… and mula nun, nag-harden yung hearts ng mga anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Claudine na iniyakan ng mga anak ang panayam sa kanilang ama kung saan sinabi nitong “drug user” ang kanilang ina. Napanood daw ito sa telebisyon ng dalawa.

Noong Setyembre 24 ay nagsumite ng kanyang counter-affidavit si Raymart, bilang sagot sa kasong Violence Against Women and Children na isinampa laban sa kanya ni Claudine.

May kalakip ang counter-affidavit na mga larawang nagpapakita ng pagtuturok diumano ng aktres ng bawal na droga.

Paano niya ito ipinaliwanag sa mga anak?

Saad ni Claudine, “Through ano, through counseling also, through the help of my friends, and family, church, yun.”

Kahit daw ganoon ang mga sinabi ni Raymart, hindi raw niya binuyo ang mga anak na magtanim ng galit sa ama.

Sabi pa niya, “No, of course not. No, of course not. Uhm, but he’s already done a good job in putting that in the hearts and minds of the children.”

PUT A WALL NA LANG AND STAY AWAY.” Aminado si Claudine na mahirap silang magkaayos ni Raymart ngayon.

Buwelta pa nito, “Kung ordinaryong kami lang ang may problema, okay lang.

“Pero yung damayan nang ganito, damayan nang ganito, alam mo yun… yung hindi na siya… mahirap nang pagkatiwalaan yung ganung klaseng tao.

“So, therefore, I’d just, you know, I’d rather put a wall na lang and stay away.”

Naisip ba niyang ang pagbuo muli ng pamilya ay maaaring magbigay ng totoong katahimikan?

Saad niya, “Uhm, mahirap, kasi as much as gusto ko para tahimik na lang at para sa mga anak ko—kasi ayoko naman sila lumaki ng walang tatay, e—pero ayoko rin na lumaki sila na, uhm, na nakakarinig ng hindi maganda galing sa kabila.”

Muling inusisa ng PEP kung ano ang pakahulugan niya sa pahayag na “put a wall and stay away”? At masasabi ba niyang “time will heal” iyong sakit sa pagitan nilang mag-asawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalmadong tugon niya, “Uhm, only time can tell talaga. You know, that’s something that I really pray hard for talaga.

“I pray for na… na bigyan sana ako ng Diyos ng grace to forgive coz it’s not easy, kasi hindi naman niya… hindi naman niya pinapakita na, uhm, na gusto niya ng peace, e.

“Even in his interviews, although nag-mellow down na, laging may hirit, laging may patama, laging may ganun na, kaya mahirap magtiwala ulit.

“I think it’s gonna take a lot of effort—a lot, a lot of effort. And I don’t think he’s willing to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN