Bea Binene and Jake Vargas back in each other’s arms

Bea Binene on reconciliation with Jake Vargas: “Ayoko po siyang baguhin. Gusto ko lang po siyang maging better person. Saka ayoko pong ako yung magsabi sa kanya na gusto ko siyang baguhin. Gusto ko po, magulat na lang ako na nagbabago na siya.”


Maluwag sa pusong tinanggap muli ni Bea Binene ang kasintahang si Jake Vargas matapos silang maghiwalay ng ilang buwan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bea—sa 16th birthday celebration niya noong November 13, Miyerkules, sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas—sinabi niyang hindi naging mahirap para sa kanya na balikan si Jake.

Kahit daw noong break sila ay hindi naman niya isinara ang puso niya para sa binata.

Saad ni Bea, “Palagi ko naman pong sinasabi na open arms ako.

“Kasi, nag-usap kami nung birthday ko.

“Tapos, nung after nung birthday ko, sinurprise niya ako uli sa taping ng Vampire Ang Daddy Ko.”

Noong November 4 ang aktuwal na kaarawan ni Bea.

THE PROMISE. Ano ang dahilan at ibinigay uli ni Bea ang tiwala niya kay Jake?

“Basta!” iwas na sagot ni Bea saka tumawa.

May mga pangako ba si Jake sa kanya?

“Meron po,” sagot ng Kapuso tween star.

May mga gusto ba siyang baguhin kay Jake?

Sabi ni Bea, “Ayoko po siyang baguhin. Gusto ko lang po siyang maging better person.

“Saka ayoko pong ako yung magsabi sa kanya na gusto ko siyang baguhin.

“Gusto ko po, magulat na lang ako na nagbabago na siya.”

Kasama ba sa pangako ni Jake ang huwag dumikit nang husto sa mga babae para maiwasan ang selosan?

“Basta, sabi niya, ang promise niya sa akin, he’ll be a better person.”

Nagseselos ba siya kapag mayroong lumalapit na ibang babae kay Jake?

Sagot ni Bea, “Ako, kapag alam kong dapat akong maging jealous, nagseselos ako.

“Pero kapag mababaw lang, hindi naman.

“Before ako maniwala sa mga sabi-sabi, I always ask him first.”

Isa rin ba sa mga pangako ni Jake ay hindi na siya magkakaroon ng attachment nang husto sa ibang babae?

“Oo naman.”

Paano kung mabigyan sila ng ibang ka-love eam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro po nasa trust ninyo na lang yun sa isa’t isa,” sagot ni Bea.



THE RECONCILIATION. Ayon kay Bea, hindi sila nag-usap nang masinsinan ni Jake matapos ang kanilang breakup.

Read: Bea Binene admits breakup with Jake Vargas

“Nung three months after ng breakup namin, hindi kami masyadong nag-uusap.

“Pero nung birthday ko, doon kami mismo nag-usap uli.

“Hindi kami nagkabalikan agad nung birthday ko, November 4.

“Eto lang, three days ago kami nagkabalikan.”

November 10 ang petsa ng pagbabalikan nina Bea at Jake.

Paano naman siya nai-inspire ngayon sa balikan nilang ito ni Jake?

Sagot ni Bea, “Ang sarap! Na-miss ko.

“Parang ang sarap ng feeling, nakakatuwa. Parang inspirasyon... ganyan.”

Nadagdagan ba ang pagmamahal niya kay Jake?

“Oo naman! Kasi siyempre… yun!” medyo nahiya pang sabi ni Bea.

Handa na ba siya mga darating pang mga problema sa relasyon nila ng 21-year-old actor?

Tugon ni Bea, “Opo, kasi po na-realize namin pareho yung worth ng isa’t isa, at kung ano ang dapat gawin.

“Kasi yung before po namin, parang we learned a lot from that.

“We know what to do this time. Puwede naming i-apply yung natutunan namin dito sa amin ngayon.”

Paano na yung mga tao sa paligid nila na ayaw silang magkabalikan dahil naging magulo ang relasyon nila dati?

Pahayag ni Bea, “Siguro kasi, parang ang relationship, hindi naman po mawawala yung may ayaw at may gusto sa iyo.

“So, siguro, you need to accept all the things na sasabihin nila, as long as alam mong hindi naman totoo.

“Basta, sa akin, kung alam mong hindi totoo, bakit ka magpapaapekto?”

Gaano kahirap i-maintain ang relasyon sa isang kapwa-artista?

Sabi ni Bea, “Actually, sa akin, hindi mahirap.

“Kung alam mo naman na okey kayo, kung alam ninyo naman na pareho kayong nagwu-work hard para maayos yung relationship ninyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SWEET SIXTEEN. Ngayong 16 years old na si Bea, ano ang mga pagbabago sa kanyang sarili?

“So far, wala pa naman. Siguro hindi ko pa alam.

“Tingnan natin sa mga darating na araw.”

Mayroon ba siyang gustong gawin ngayon 16 na siya?

“Siyempre gusto ko, yung dreams ko, gusto kong matupad.

“Gusto kong makatulong sa maraming tao… ang dami ko pang gustong gawing sports, mga shows...

“So, yun.”



FUTURE LEAD STAR? Tatlo ang regular shows ngayon ni Bea sa GMA ngunit weekly lamang ang mga ito: Vampire Ang Daddy Ko, Pepito Manaloto, at Sunday All Stars.

May balitang kaya hindi muna binibigyan ng teleserye si Bea ay dahil gusto muna siyang pahinugin ng management bilang paghahanda sa napipintong pagbibida niya.

Totoo ba ito?

Sabi niya, “Parang ganun po. Parang nile-level up nila ako.

“Parang ini-step up na rin po yung styling ko, binibigyan nila ako ng workshops... mga ganun.”

Ano ang pakiramdam niya dito?

“Siyempre po, happy.

“Medyo kinakabahan din, at sana may patunguhan at sana maging effective.

“Sana ma-recognize ng mga tao at sana maging effective nga yung transformation.”

Ano ang mga ginagawa niya para maiba at maging angat siya?

“Of course, workshops, styling, nagpapayat ako, nagdyi-gym ako… hindi pa rin po nawawala yung sports.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN