Ervic Vijandre on real score with Ariella Arida: "Exclusively dating."

Susuportahan daw ni Ervic Vijandre si Ariella Arida kung sakaling magdesisyon itong pasukin din ang mundo ng showbiz. "All the way ang magiging support ko sa kanya," sabi pa niya.


Matipid ang mga sagot ni Ervic Vijandre kapag ang napag-uusapan ay si Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida.

Hindi rin niya direktang masabi kung ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa.

“Basta ako, masaya ako na nakauwi na siya. Iyon na ‘yon,” nakangiting sabi ni Ervic nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal.

Ayon kay Ervic, mula nang makauwi sa bansa si Ariella galing Moscow, Russia, kung saan ginanap ang Miss Universe, hindi sila gaanong nagkikita dahil madalas ay pareho silang busy.

Pero nagkakausap naman daw sila sa pamamagitan ng telepono.

“Birthday nga niya last week [November 20].

“Hindi ko siya nasamahan sa celebration niya kasi may taping ako para sa Genesis, e.

“Pero bago ako dumiretso sa taping, nag-hangout muna ako dun. Kasama namin yung ibang friends niya.

“Simple lang yung naging birthday celebration niya. Nakigulo lang ako doon!” sabay tawa niya.

Patuloy ng model turned actor, “Mahirap kaming magkaroon ng time for each other ngayon.

“Siyempre, may mga schedules din siya sa Binibining Pilipinas, e.

“Hindi siya basta-basta puwedeng gumawa ng sarili niyang mga lakad. At naiintindihan ko naman ‘yon.”

"PERFECT COUPLE." Marami ang nagsasabing bagay sila ni Ariella at maaari silang maging “perfect couple.”

Ano ang reaksiyon dito ni Ervic?

“A, talaga? Thank you naman! Sana!” tawa niya.

“Basta masaya kami. Ayun, masaya kami.”

May mutual understanding na ba sila?

“Basta, parehas kaming masaya. Yun lang—masaya,” matipid niyang sagot.

More than friends na ba ang samahan nila ngayon?

“We’re friends… or exclusively dating.

“Siguro ‘yon—exclusively dating,” pag-amin ni Ervic.

Mahirap bang maugnay sa isang beauty queen?

Sabi ni Ervic, “Kasi si Ara [palayaw ni Ariella], sobrang simple niya.

“Napakasimple niya, sobrang down to earth. At ‘yon ang nagustuhan ko sa kanya.

"Hindi mo mapi-feel na beauty queen siya.

“Sobrang bait. Wala siyang ere…. walang kahit ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang ang masasasabi ko, na kapag nakilala mo siya, napakasimple lang niya.”

Balitang nagkakainteres daw pumasok sa showbiz si Ariella. May nabanggit ba ito sa kanya na ganitong plano?

Ayon kay Ervic, “Yung manager ko [Jonas Gaffud], tinatanong siya kung gusto niya.

“Ang sagot naman ni Ara, pag-iisipan muna raw niya.

“Ako naman, susuportahan ko siya kung anuman ang gustuhin niyang gawin.

“All the way ang magiging support ko sa kanya.”

Magkasama sina Ervic at Ariella sa Mercator Model and Talent Management.



WORKING WITH DINGDONG. Nabanggit ni Ervic na kasama siya sa cast ng GMA primetime series na Genesis.

Bida rito ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ang boyfriend ngayon ng dating kasintahan ni Ervic na si Marian Rivera.

Kumusta katrabaho Dingdong?

“Sobrang bait niya,” sambit ni Ervic.

“At saka yung lahat ng tao sa production, nakakatuwa yung very warm na pag-welcome nilang lahat sa akin nang magsimula akong mag-taping para sa Genesis. Sobrang okey.

“Tapos, nandun pa si TJ Trinidad, na nakasama ko na rin dati sa iba pang shows.

“So, yun! Mentor ko ‘yon pagdating sa acting. Tinuturuan niya ako hanggang ngayon,” pagtukoy niya kay TJ.

Patuloy ni Ervic, “Yung role ko sa Genesis, medyo kontrabida na naman, na kasama nga ni TJ.

“Isa ako sa mga galamay niya na magpapahirap kay Dingdong.”

Hindi naman sila naging awkward ni Dingdong sa isa’t isa noong unang beses na magkaeksena sila?

Sagot ni Ervic, “Hindi naman, sobrang bait niya kasi, e.

“At saka sobrang tagal na nun. Nakalimutan ko na nga yun, e,” pagtukoy niya sa mga naging isyu sa kanila ni Marian pagkatapos nilang mag-break.

Dagdag pa ni Ervic, “Naka-move on na, kumbaga. Okey na, happy na!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN