Charice denies alleged suicide attempt: "Mahal ko po ang buhay ko."

"Mahal ko po ang buhay ko, lalo pa nga’t malaya ko nang naipapahayag ang totoong ako. At mayroon pa rin po akong naitatagong pera," says Charice in an official statement, addressing speculations about her alleged suicide attempt.


Pinabulaanan ni Charice ang kumakalat na balitang nagtangka diumano siyang magpakamatay dahil sa kawalan niya ng pera at ipon sa bangko.

Nag-ugat ang kontrobersiya sa panayam ng kanyang maternal grandmother na si Teresita Relucio sa TV5 showbiz-oriented talk show na Showbiz News Police, noong November 30.

Ito ang naging pahayag ni Lola Teresita nang tanungin siya kung totoo bang naglaslas ng pulso si Charice kamakailan:

“Yun ang sinabi nila sa akin. Hindi kaya tanggapin ni Charice yung wala na siyang pera. Wala siyang pag-aari."

Nagbigay rin ng mensahe si Lola Teresita sa anak niyang si Raquel Pempengco tungkol sa hidwaan sa pagitan ng huli at ni Charice.

Saad nito: “Kinatatakutan ko lang, Raquel, pag ikaw ang nawalan ng anak. Baka magsabi-sabi ka. Ayusin mo."

Matatandaang ikinasama ng loob ni Raquel ang ginawang pag-amin ni Charice tungkol sa kanyang pagiging tomboy at pakikipagrelasyon nito kay Alyssa Quijano.

Read: Raquel Pempengco: "Ang pakiramdam po namin itinakwil na kami ni Charice."

Maging si Lola Teresita ay hindi rin boto kay Alyssa dahil sa panlalait umano ng pamilya ng huli kay Charice.

Read: Charice’s grandmother says their family does not approve of Alyssa Quijano

Ngunit pinanindigan ni Charice ang pagmamahalan nila ni Alyssa, 20.

Sa katunayan, magkasama na silang naninirahan sa ipinagawang bahay ng 21-year-old singer sa Laguna, mula pa noong Setyembre.

Read: Charice and Alyssa Quijano to celebrate first year anniversary in new house

CHARICE APPALLED BY INTRIGUES. Pagkatapos maipalabas ang taped interview ng kanyang Lola Teresita sa Showbiz Police, kapansin-pansing naapektuhan si Charice sa balitang nagtangka siya umanong magpakamatay dahil sa problemang pinansiyal.

Bagamat hindi niya direktang binanggit ang isyu, sunud-sunod ang posts ni Charice sa Twitter tungkol sa kanyang saloobin, sanhi ng patuloy na pambabatikos na natatamo niya.

Ganunpaman, pinilit ni Charice na mag-focus sa mga positibong nangyayari sa buhay niya, base sa sumunod niyang Twitter post:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NOT TRUE. Pero para na rin matigil ang espekulasyon ng publiko tungkol sa maling alegasyong ibinabato sa kanya, nagpasya si Charice na bigyang-linaw ang isyu.

Kahapon, December 10, nakatanggap ang ABS-CBN News online ng official statement ni Charice mula sa manager nito na si Glenn Aldueza.

Bukod sa pinabulaanan niyang nagtangka siyang magpakamatay, iginiit din ng singer na hindi totoong ubos na ang ipon niyang pera sa bangko.

Pahayag ni Charice, "Nitong mga nakaraang araw, pinilit kong manahimik kaysa sagutin ang tanong ng ilan kung totoo nga bang nagtangka ako ng suicide dahil wala na akong pera.

"Ngayon, pabubulaanan ko ang mga bintang.

"Mahal ko po ang buhay ko, lalo pa nga’t malaya ko nang naipapahayag ang totoong ako.

"At mayroon pa rin po akong naitatagong pera."

Dagdag pa ng international singing sensation, darating ang panahon na matatanggap din ng kanyang pamilya ang mga pinili niyang desisyon sa buhay.

Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi pa sila personal na nagkakausap ng kanyang ina na si Raquel Pempengco.

"Patuloy pa rin po akong nagtatrabaho dahil mahal ko ang pamilya ko.

"Maaaring hindi maayos ang sitwasyon namin ngayon, pero umaasa po akong magiging okay kami sa nalalapit na panahon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN