TV5 employees threaten general strike after talks end in deadlock

Mahigit sa 600 empleyado ng TV5 ang nagbabalak magkaroon ng tigil-trabaho, matapos ng deadlock sa usapin ng collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng unyon at ng management noong nakaraang buwan.


Mahigit sa 600 na empleyado ng TV5 ang nagbabalak magkaroon ng tigil-trabaho.

Ito ay matapos ng deadlock sa usapin ng collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng unyon ng mga empleyado at ng management ng istasyon noong nakaraang buwan.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin noong Linggo, December 15, nag-file ng notice of strike ang Associated Broadcasting Company Employees Union (ABCEU) noong Biyernes, December 13, sa Department of Labor and Employment (DoLE).

Ito ay dahil hindi raw umusad ang pag-uusap ng unyon at ng management tungkol sa "non-economic provisions" ng kanilang CBA, partikular na sa "job security."

Sa CBA meeting ng unyon at management noong November 11, hindi nagkasundo ang dalawang kampo tungkol sa inihaing plano na baguhin ang pangalan ng ilang departamento at posisyon.

Tingin ng management ay hindi akmang pag-usapan ang tungkol sa naturang plano noong pagpupulong ng araw na yun.

Ngunit iginiit ng unyon na pag-usapan ang bagong patakaran, “since it claimed TV5 could use the provision to indiscriminately source out its manpower needs to third party service providers.”

Pahayag pa ng ABCEU, “They will declare the previous positions within the said departments as redundant and ask them [workers holding the position] to resign later on.

“Our fear is that in the near future, this could eventually lead to massive contractualization.”

Nag-ugat din ang pagkuwestiyon ng grupo sa naturang patakaran nang pito sa kanilang miyembro ang naapektuhan nito.

Naghain sila ng “grievance complaint,” ngunit kalauna’y hindi raw nila ito pinursigi sa layong mapag-usapan ito sa CBA meeting.

Ayon pa sa kanila, “What we are asking to be included in the CBA would be for management to first consult us before changing the name or position… while they were more than willing to talk about wage hike, what good would it be if on the next day you no longer have a job.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinontra naman ito ng TV5 management, na nagsabing ang “non-economic provision” ay hindi raw dapat kasama sa unang bahagi ng limang-taong CBA.

Sa nasabing meeting noong November 11, inihain din daw ng unyon ang usapin tungkol sa late remittance ng union dues at ang hindi pagkasali sa CBA ng ginagawa pang bagong building ng istasyon sa Mandaluyong City.

Noong Lunes, December 16, nagkaroon ng “conciliation and mediation talks” ang magkabilang panig sa opisina ng DoLE, ngunit hindi pa malinaw kung ano ang napagkasunduan ng ABCEU at TV5 management sa harap ng mga opisyales ng ahensiya ng paggawa.


TV5 STATEMENT. Sa statement ng TV5, kinumpirma nitong nagkaroon nga ng deadlock ang usapin tungkol sa CBA ng ABCEU.

"The Union’s focus on ’non-economic’ items on the third year of the current 5-year CBA, when only economic provisions are open for discussion under the CBA and the Labor Code, has resulted in this deadlock.

“The management wants to focus the negotiations on economic items, which include wage increases, signing bonuses and other economic benefits for the rank-and-file employees.”

Umaasa rin ang management ng Kapatid network na hindi matuloy ang binabalak ng ABCEU na tigil-trabaho para maging masaya ang kapaskuhan ng lahat.

“The Management remains optimistic that an agreement could be arrived at soon with the Union so that all stakeholders would enjoy their economic benefits in time for the Christmas season.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN