Jolo Revilla denies girlfriend Jodi Sta. Maria is pregnant

Idinaan ng actor-politician na si Jolo Revilla sa Twitter ang pagtanggi sa balitang dalawang buwan na raw buntis ang kanyang kasintahang si Jodi Sta. Maria. Sabi niya, "She is not pregnant and we are not yet married."


Ang kanyang Twitter account ang ginamit ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla para pabulaanan ang balitang dalawang buwan na raw buntis ang kanyang actress-girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Itinanggi rin ni Jolo ang balitang kasal na sila ni Jodi.

Narito ang tweet ni Jolo tungkol sa isyu:

"This is my first and final statement regarding Jodi’s pregnancy issue.

"She is not pregnant and we are not yet married.

"What we have right now is something special, and we want to keep it private because I love her so much.

"Kung sakaling totoo man yan, kayo po unang unang makakaalam. Godbless."

Naka-tag sa Twitter account ni Jodi ang paglilinaw ni Jolo, kaya inaasahang mahihinto na ang mga sari-saring espekulasyon tungkol sa tunay na kalagayan ng aktres.

Opisyal na inamin ni Jolo ang relasyon nila ni Jodi noong October 2012.

Sa isang interbyu, sinabi niya na walang masamang magmahal.

Matagal nang hiwalay si Jodi sa asawa nitong si Pampi Lacson, na nakikisama ngayon kay Iwa Moto. May isa nang anak sina Pampi at Iwa.

Single father naman si Jolo na may isang anak kay Grace Adriano, ang anak ni Rosanna Roces.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN