Mayor Jun Jun Binay’s aides bring out guns amid altercation with Dasmariñas Village security guards

Mayor Jun Jun Binay’s camp says his aides brought out their guns because the village guards were getting too close for comfort to the convoy. The CCTV footage, however, showed that the village guards never left their post at the guard house.

Seen in the photo (left) was Mayor Binay, who seemed irate as he kept on pointing his index finger at the village guards, who refused to let him pass by the Banyan Gate of Dasmariñas Vill


Lumikha ng malaking kontrobersiya ang engkwentro sa pagitan ni Makati Mayor Jun Jun Binay at kanyang mga bodyguards laban sa security guards ng Dasmariñas Village na naganap noong November 30.

Ayon sa ulat ng GMA News Online noong Huwebes, December 19, pasado alas onse ng gabi nang mangyari ang insidente, kung saan hindi pinahintulatan ng security guards ang convoy ng alkalde na makalabas ng Banyan Gate ng exclusive village.

Ito ay alinsunod sa security protocol ng Dasmariñas Village na isinasara ang Banyan Gate pagsapit ng 10 ng gabi. Ibig sabihin nito’y ipinagbabawal nang gawing entrance/exit point ang Banyan Gate mula alas-diyes ng gabi pataas.

Naunang mailathala ang ulat tungkol dito sa Philippine Daily Inquirer noong December 19.

Kalakip nito ay ang kopya ng video mula sa closed circuit television camera (CCTV) ng North Forbes Park at Dasmariñas Village, na matatagpuan na rin sa Youtube.

Kung susuriing mabuti, dito ay makikitang bumaba ng kanyang sasakyan si Mayor Binay at, base sa ikinikilos nito, tila naiinis na hinarap ang security guards.

Bagamat may konting distansya sa pagitan nila, ilang beses na pinagtuturo ng alkalde ang security guards, dahil makikitang nanindigan ang mga ito na hindi payagang makadaan ng gate ang convoy ni Mayor Binay.



AGGRESSIVE CLOSE-IN SECURITY OF MAYOR BINAY? Ilang minuto ang lumipas, lumala ang tensyon sa pagitan ng dalawang grupo.

Base pa rin sa kanilang mga ikinikilos, tila mas naging agresibo ang mga kasamang bodyguards ni Mayor Binay.

Isang lalaking naka-polo shirt at may dalang payong, na nakapuwesto sa likod ng unahang sasakyan, ang makikitang naglabas at nagkasa ng baril.

Pagkatapos ay lumapit ang isa pa nitong kasamahan upang abutan siya ng isang mahabang baril, na animo’y anumang oras ay handa itong makipagsagupaan.

Bukod sa lalaking naka-polo shirt, mayroon pa itong isang kasamahan na makikitang naglagay ng bala sa kanyang bitbit na baril.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, mapapanood mula sa video na ang village security guards ay nanatili lamang malapit sa guard house at walang kakaibang ikinilos, liban sa pagharang sa apat na sasakyang lulan ang alkade.

Ilang saglit pa ay dumating ang karagdagang guwardya ng Dasmariñas Village na sakay ng motor.

Marahil ito ay upang alamin ang kalagayan ng iba nilang kasamahang naiipit sa nagbabadyang engkwentro.

Agad namang pinigilan ng bodyguards ni Mayor Binay ang mga bagong dating na village security guards na makalapit sa kanilang mga kasamahan.

Maya-maya pa ay isang babae—na natukoy na kapatid ni Mayor Binay, na si Senator Nancy Binay—ang bumaba mula sa ikaapat na sasakyan ng convoy at saglit na sumilip sa pangyayari.

Makalipas ang ilan pang minuto, dumating na ang Makati police na may bitbit na mahahabang armas, bilang pagresponde umano sa tawag ni Mayor Binay.

Isa sa mga ito ang nag-angat ng bakal na harang sa gate at pagkatapos ay kinausap ang isa sa mga guwardya na nasa guard house.

Makikitang akmang hinila ng pulis ang kausap nitong village security guard. Ngunit hindi kaagad tumalima ang huli at tila nagpapaliwanag pa tungkol sa pangyayari.

Sa huli ay inakay pa rin ng mga pulis ang tatlong security guard na sangkot sa insidente at isinama pabalik ng Makati City Police headquarters.


VILLAGE GUARDS DETAINED FOR "CUSTODIAL QUESTIONING." Ayon sa nailathalang report ng nabanggit na daily broadsheet, pinaaresto ni Mayor Binay ang tatlong security guards na hindi nagpadaan sa kanyang convoy palabas ng Banyan Road ng Dasmariñas Village.

Tumagal umano ng apat na oras ang pagkaka-detain ng mga guwardya sa presinto.

Agad namang pinabulaanan ito ni Makati Police Chief Senior Superintendent Manuel Lukban.

Ayon sa hiwalay na panayam ng 24 Oras kay Lukban, inimbitahan lang ang mga security guards sa presinto para sa isang “custodial questioning.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kadahilanang nilabag umano ng mga ito ang security protocol ng Dasmariñas Village at hindi nakilala ang alkalde ng Makati.

Sabi pa ni Lukban, “Ang nakaka-frustrate, hindi kilala ng security guard si Mayor.”

Bukod dito ay inalam din umano ng pulisya kung nakarehistro ang mga gamit na armas ng security guards na sangkot sa insidente.

Paliwanag ni Lukban, "Yung mga firearms na dala nila, tinake custody ko for verification sa Camp Crame, yun kasi ang procedure natin.


"And right then and there, makuha natin sila, mai-turnover natin sa mga ano nila, supervisor."


FALSE ALLEGATIONS. Nagbigay din ng karagdagang pahayag ang spokesperson ni Mayor Binay na si Joey Salgado kaugnay umano ng “malicious” report ng PDI.

Aniya, “The Inquirer relied too heavily on a source who was conveniently not identified...

"Obviously, the source gave false and malicious information to the PDI.”

Nilinaw ni Salgado na hindi pinaaresto ni Mayor Binay ang tatlong security guards ng Dasmarinas Village.

“The guards volunteered to go with the police. The video bears this out.

“This was also clarified by both the owner of the security agency, Mr. Ram Antonio, and the Makati chief of police in their interviews, but PDI opted to bury their statements," dagdag pa ni Lukban.

Ipinaliwanag din ni Salgado na naglabas ng armas ang close-in security ni Mayor Binay bilang proteksyon sa alkalde at sa kapatid nito na si Senator Binay, na bahagi rin ng convoy na hinarang sa naturang exclusive village.

Naghanda lang umano ang security personnel ng magkapatid na Binay sa maaaring mangyari dahil masyadong napalapit ang village security guards sa kanilang convoy.

Samantala, humingi ng paumanhin si Ram Antonio—ang may-ari ng Right Eight Security Agency na nangangasiwa sa seguridad ng Dasmarinas Village—kaugnay ng nangyaring insidente sa pagitan ng mga tauhan niya at ng grupo ni Mayor Binay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma rin niya na lumabag ang kanyang mga tauhan sa security protocol, kung saan maaaring payagang makadaan sa isang lugar na kanilang ginaguwardyahan ang top government officials tulad ni Mayor Binay.

Paliwanag ni Antonio, “The reason we apologized is that we have an SOP [standard operating procedure] for three government officials.

“We extend courtesy, for security reasons, that goes for the President of the Republic of the Philippines, the Vice President, and the mayor of the area that we are guarding.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN