Kris Aquino still reflecting "very carefully" about her next career move

In a previous interview, Kris Aquino said that one of her considerations in deciding about her next career move is her children: “I’ve learned talaga na if I stop working tomorrow, the kids should be alive. Mayroon na akong mapagkukunan na mga negosyo na hindi ito, not entertainment-related. Maybe not as lavish as we are now pero we’ll survive.”


Ilang araw nang usap-usapan ang diumano’y paglipat ni Kris Aquino sa ibang TV network.

Bagamat hindi pa matiyak kung saang maaaring lumipat ang kilalang personalidad ng ABS-CBN, tila nagbigay siya ng kumpirmasyon tungkol sa balitang ito sa kanyang pinakahuling post sa photo-sharing site na Instagram.

Sa caption na isinulat ng tinaguriang Queen of All Media, sinabi niya:

“Good Morning from London... Going to Mass at noon. First Friday, time to bring back my Sacred Heart of Jesus devotion... Time to say THANK YOU, for the blessing of 300 million +++ in the box office for My Little Bossings... Time to ask for GUIDANCE & WISDOM...

"Pls know that whatever decision I make, apart from considering what will be most beneficial for my 2 sons, it’s very important to me to consider what you, my audience, wants... That’s why it’s good for me to be away now, to just be w/ my sons, so that I can reflect very carefully... God bless you all. Happy 1st Friday of 2014! ❤️❤️❤️”

Kasalukuyang nagbabakasyon sa London si Kris kasama ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

KRIS’S CONSIDERATIONS. Naunang lumabas ang espekulasyong lilipat si Kris sa press conference ng pelikulang My Little Bossings noong November 27.

Dito kasi ay umiwas ang kilalang TV host-actress nang tanungin kung mananatili pa rin siyang Kapamilya dahil noong October 2013 pa natapos ang kontrata niya sa ABS-CBN.

Sa halip, sinabi ni Kris na pinag-iisipan pa rin niya kung ano ang magiging desisyon niya.

Nabanggit din ni Kris na isa sa mga kunsiderasyon niya sa pagdedesisyon ay ang kanyang mga anak.

Aniya, "Siguro, nagbago rin talaga ako as a person.

"There’s a part of me also na hindi na kasing-greedy at hindi na kasing-hungry, medyo okay na talaga.

“Si Boy din kasi nagsabi na, ’Make sure you have enough cash na you can walk away from everybody.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, medyo ‘yon talaga, tinone down ko yung luho sa katawan, nag-tone down kami ng property.

“I’ve learned talaga na if I stop working tomorrow, the kids should be alive.

“Mayroon na akong mapagkukunan na mga negosyo na hindi ito—not entertainment-related.

“Maybe not as lavish as we are now pero we’ll survive.”

Nang tanungin kung makikita pa rin si Kris sa telebisyon ngayon taon, sandaling napaisip ang bunsong kapatid ni Presidente Noynoy Aquino.

“Sana both [in front and behind the camera],” sagot niya.

“I don’t make secret of the fact na idol ko si Oprah [Winfrey]. ‘Yon ang career path na gusto ko sana.

“She’s a producer, she has a magazine, and she has her own network.

"Hindi masamang mangarap!”

Bago lumipad patungong London ay nakausap muli ng PEP si Kris.

Dito ay kanyang sinabi na gusto muna niyang umiwas sa mga intriga.

“...kasi para iwas-intriga muna dahil napabalita yung pagre-renew, and magmumuni-muni muna at aalis.”

Sa ngayon, patuloy pa rin ang morning talk show ni Kris sa ABS-CBN, ang Kris TV.



RUMORED OFFER. Bago matapos ang 2013, lumakas ang usap-usapan na lilipat ng network si Kris.

Noong December 30, isinulat ng entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon na si Salve Asis na “90 percent sure” na ang paglipat ng tinaguriang Queen of All Media sa katunggaling istasyon ng ABS-CBN—ang GMA Network.

Ayon sa source ni Salve, “no amount of pressure from anybody” ang makapipigil kay Kris dahil hindi niya matanggihan ang “professional and financial side.”

Kaugnay nito, lumabas din ang balitang nagkaroon umano ng meeting sa pagitan nina Kris at TV5 Chairman Manny V. Pangilinan bago umalis ang TV host papuntang London.

May ilang nagtataka kung bakit GMA ang lumalabas na TV network na posibleng lipatan ni Kris, gayong si MVP ang kanyang naunang kinausap.

Ang posibleng paliwanag dito ay ang usap-usapang pagbili diumano ni MVP sa shares ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP, ang hatian ng shares noon ng private owners na sina Menardo Jimenez, Gilberto Duavit, at Gozon ay 35, 35, 30, respectively.

Subalit noong nagbenta sila ng shares, ang sinasabing "collective stake" ng tatlong pamilya ay "over 68 percent," ayon sa mga lumabas na business reports.

Pero hindi pa raw ito nabibili ni MVP, ayon sa isang top-level executive na kausap ng PEP.

Patuloy pa rin daw ang pag-uusap tungkol dito.

Bago maging isang Kapamilya, unang nakita si Kris sa GMA bilang isa sa hosts ng GMA Supershow at StarTalk.

Nagsimula ang labimpitong taong pagiging Kapamilya ni Kris nang lumipat siya noong 1996.

Ilan sa mga sumikat na show na ginawa niya sa ABS-CBN ay ang The Buzz, Today With Kris Aquino, at Morning Girls with Kris and Korina.

Naging top-rating din ang game shows niya Pilipinas, Game Ka Na Ba?, Deal Or No Deal, at Wheel of Fortune; at dating variety show na Pilipinas, Win Na Win.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN