Victor Basa and live-in partner Divine Lee defer marriage plans to focus on their respective careers

Kahit mahal nila ang isa’t isa, gusto munang i-enjoy nina Victor Basa at Divine Lee ang kani-kanilang mga karera kaya hindi pa pumasok sa kanilang isipan ang pagpapakasal.


Three years nang nagli-live in sina Victor Basa at Divine Lee, pero hanggang ngayon ay wala pa raw sa plano nila ang pagpapakasal.

Sabi ni Victor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala pang plano.

"Bakit? Well, kasi ako, marami pa rin akong gustong i-prove sa sarili ko at i-achieve.

“Ayoko na kung kailan nag-settle down ka na tsaka mo sasabihin sa sarili mo na parang, ‘Anong nangyari kaya kung, what if…’

“Ayaw mo namang sisihin yung mapapangasawa mo kasi hindi naman niya kasalanan, ikaw naman yung nag-propose.”

Hindi naman isinasantabi ni Victor ang posibilidad na balang-araw ay hahantong din sa simbahan ang relasyon nila ng model-TV host.

Saad niya, “Well, lahat ng tao na pumapasok sa isang relasyon na maayos, iniisip talaga ang end goal.

"And yun naman talaga, sa ngayon, marami pang kailangang gawin.”


GROWTH AS AN ACTOR. Pagdating naman sa kanyang career, kuntento raw si Victor sa mga nagawa niyang proyekto noong nakaraang taon.

Lalong-lalo na raw sa kinabilangan niyang GMA hit primetime series na My Husband’s Lover.

Nakasama rin siya sa U.S. tour nito noong November 22 hanggang December 8, 2013.

Kuwento niya, “Kararating lang namin from the U.S. where we had shows for My Husband’s Lover, limang cities.

“From Los Angeles [California] to Maryland to New York, tapos sa California ulit.

"Napaka-surprising yung recall at yung excitement ng tao, napakainit pa rin.

"Kasi, hindi mo iisipin na a show like [My Husband’s Lover]… kasi siyempre may conservative sa mga kababayan natin sa U.S.

"But, nakita po namin yung audience namin, mixed talaga.”

Ngayong 2014, gusto raw niyang mahasa pa ang kanyang pag-arte.

Saad ni Victor, “I just want to grow as an actor, at mabigyan ng mas mabigat na mga roles.

“Plano ko is to attend some workshops.

"Importante kasi sa amin ‘yan bilang artista, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi natin puwedeng i-take for granted… ang ating instrument, minsan nangangalawang din ’yan. Hindi [dapat] mapabayaan ‘yan.

"So, instead ng gimik nang gimik, ayusin mo dapat yung trabaho mo.

"Importante yun, sa dami ba naman ng artista ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN