Manny Pacquiao says sorry to BIR Chief; pays P32M out of his alleged P2.2-billion tax liability

Sa ginawang pag-uusap nina BIR Commissioner Kim Henares at Congressman Manny Pacquiao noong Disyembre, pinayuhan daw ni Henares ang Pambansang Kamao na alagaan nito ang kanyang yaman para na rin sa mga anak nito. Sinabi rin niyang humingi raw ng paumanhin si Manny dahil sa nangyaring sagutan nilang dalawa sa media.


Nagbayad na raw ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ng buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR) pero kapiranggot lang daw ito sa kabuuang utang niya sa kagawaran.

P32 million lang daw ang ibinayad nito mula sa unpaid tax liabilities na sinasabi ng BIR na umabot sa halagang P2.2 billion.

Ayon sa exclusive report ni Henry Omaga-Diaz kagabi, January 17, 2014, sa Bandila, ang late-night newscast ng ABS-CBN, humingi rin daw ng tawad ang fighting congressman ng Saranggani Province kay BIR Commisioner Kim Henares.

Nangyari raw ang pag-uusap noong Disyembre 2013, sa tulong ng isang mambabatas na malapit kay Pacquiao.

Lumapit daw ang mambabatas na ito kay Henares upang magkausap sila ni Pacquiao.

Nag-meeting daw ang dalawang nagkaalitang personalidad sa opisina mismo ni Henares sa BIR.

Saad ni Henares sa report, “Ang office namin is open for request for meeting. So pumunta ho siya dito, so nag-usap po kami.”

Kamakailan ay nagkaroon ng mainitang word war sina Pacquiao at Henares matapos maglabas ang ahensiya ng pagbubuwis ng order of garnishment sa lahat ng ari-arian ni Manny at freeze order naman sa kanyang mga bank accounts.

Read: Manny Pacquiao rues sudden move of gov’t to freeze his bank deposits: "Nagpabugbog ako, kumita ako, kinuha ng gobyerno."

Pero matapos ang matinding bangayan ng dalawa, sinabi naman ni Manny na handa siyang makipag-negotiate sa BIR.

Read: Manny Pacquiao willing to negotiate with BIR

NO COMPROMISE YET. Nilinaw naman ni Henares na walang compromise agreement na napagkasunduan ang magkabilang kampo sa nasabing meeting.

Binigyan daw ng BIR commissioner ng ilang options ang congressman kung paano nito mabayaran ang utang na buwis sa gobyerno.

Saad pa Henares, "Isa siyang taxpayer, puwede siyang humingi na babayaran lang niya ang 40 percent or 10 percent nung ina-asses namin.

"Kailangan, aside from request mo, kailangan papakita ka na talagang wala kang pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangang ilista mo lahat ng assets mo, kailangang ilista mo liability mo, iko-compute ho natin, ’tapos itsi-check namin kung talagang ‘yan lang ba ang pera mo."

Hindi naman naging malinaw sa report kung inaamin na ni Manny Pacquiao na may P2.2 billion na utang siya sa gobyerno.

Ito ang kinuwestiyon ng boksingero na naging sanhi ng alitan nila at ng BIR commissioner.

Sa bandang huli raw ng kanilang pag-uusap nitong Disyembre, pinayuhan ni Henares si Pacquiao na pangalagaan nitong mabuti ang sariling finances para na rin sa mga anak nito.

Sabi ni Henares, “You have children, you should think about them. Ayaw mo naman na bumalik sa… you know from rags to riches and back to rags.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN