Rocco Nacino surprises Lovi Poe on her 25th birthday

Rocco Nacino on status of relationship with Lovi Poe: "Nanliligaw ako sa kanya and I just want to keep it slow. But then ano, masayang-masaya ako sa nangyayari ngayon. Ako, very inspired and very happy."


Nag-effort daw talaga si Rocco Nacino para sorpresahin si Lovi Poe sa 25th birthday ng aktres noong February 11.

Natutuwa si Rocco na makitang naging masaya naman ang aktres.

Kuwento ng Kapuso actor, “Hindi kasi siya nagsi-celebrate ng birthday niya.

"So, ang ginawa ko, nung sinundo namin siya ng driver niya sa airport, pagsakay niya ng kotse, may ibinigay akong surprise gift ko for her. Ayoko na lang sabihin kung ano.

“And then, pagdating sa bahay niya, sa may clubhouse nila, may ginawa kami ng mga kaibigan niya na ano… surprise birthday party.

"Parang isang maliit na party lang na lahat ng kaibigan niya, nandun.”

Galing sa isang maikling bakasyon sa Poland si Lovi, kasama ang kanyang ina at kapatid. Dumalo sila sa kasal ng isang kamag-anak nilang nakabase roon.

Nitong nakaraang Valentine’s Day naman, nagkaroon din daw sila ng pagkakataong lumabas na silang dalawa lang ang magkasama.

Lahad ni Rocco, “Masyadong traffic kahit saan, so we got to ano… nakakuha naman ako ng reservation sa isang restaurant. And nag-enjoy naman kami.

“We had a few drinks sa isang bar, ’tapos uwi na.

“Kasi that day, nag-rehearse din kami, e. Medyo pagod na, so chill night lang.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa studio ng Sunday All Stars kahapon, February 16.

COURTING STAGE. Na-miss daw ni Rocco si Lovi, pero itinanggi niyang may namumuo nang relasyon sa pagitan nila.

Sabi niya, “Nanliligaw ako sa kanya and I just want to keep it slow.

“But then ano, masayang-masaya ako sa nangyayari ngayon.

"Ako, very inspired and very happy."

Kahit sinasabi ni Rocco na nasa stage pa lang sila ng ligawan, kapansin-pansin ang sobrang sweetness nila ni Lovi kapag magkasama, na parang sa pagkakaroon na nga ng relasyon papunta ang samahan nila.

Nakangiting reaksiyon ng aktor, “That I don’t know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam, kaya mas nagiging exciting itong nangyayari sa amin.”

Walang ibang ini-entertain na manliligaw sa ngayon si Lovi kundi siya lang. Hindi pa ba masasabing paramdam ito ng aktres na "he’s the one"?

“I’m not sure yet!” natatawang sagot ni Rocco.

“But then, ang maganda kasi, yun nga, like I said, nag-e-enjoy kami.

“So, ayokong pangunahan yung magiging outcome.

"I’m taking it na parang ito yung present. Basta ayokong pangunahan.

“Kumbaga, ang importante, nag-e-enjoy kami. Nagdya-jive kami.

“And we’ll see where will this go.

“Sa ngayon, ako, masaya ako, e.

"Happy ako sa nangyayari sa aming dalawa."

FAMILY AFFAIR. Naipakilala na raw ni Lovi si Rocco sa ina at kapatid nito, at okey naman daw ang pakikiharap sa kanya ng mga ito.

Sabi pa ng StarStruck alumnus, “Masaya silang kasama. I like being with her sister and being with her mother.

“Nakakatuwa nga yung sister niya, kasi ang tawag niya sa akin, ’Kuya Rocco.’

“’Tapos nagpapatulong siya sa assignment niya when it comes to… sa medical side. Kasi nga, Nursing graduate ako.

“So, nakakatuwa. Iyon ang naging bonding namin.

“Her mom also is so nice. Sobrang bait.”

Ang ina ni Lovi ay ang dating aktres at modelo na si Rowena Moran.

Sa pakiramdam ba ni Rocco ay boto ang ina ni Lovi sa kanya?

“Hindi ko alam!” tawa ulit niya.

“Sa tuwing nakikita ko naman siya, naka-smile naman siya.

Nagpupunta na siya sa bahay ni Lovi. Naisama na rin ba niya ang aktres sa bahay nila?

Sagot ni Rocco, “Hindi pa, hindi pa.

“Walang chance kasi marami rin siyang ginagawa.

“Pero na-invite ko na siya sa isang family reunion. So, na-meet na rin siya ng family ko.

“Nag-enjoy naman sila kasi Lovi is a nice person naman to talk to, e.

“Magaling siyang makisama sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nung nando’n siya, nag-enjoy lahat na kausap siya.

“Pati mga cousins ko... yung mga girl cousins ko nga, parang humingi pa ng fashion tips sa kanya.”

So, walang anumang problema sa magkabilang partido ng pamilya nila ni Lovi?

“Wala naman. Very ano… easygoing,” sabi ni Rocco.

VACATION WITH LOVI. Samantala, naghihintay pa raw si Rocco ng bago niyang project sa GMA pagkatapos ng primetime series nila ni Lovi na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Habang wala pa siyang bagong proyekto ay sasamantalahin muna raw ng Kapuso actor ang pagkakataon na makapagpahinga muna.

Sabi niya, “Baka by June pa yung sunod na project para sa akin.

"So I’ll take a short vacation lang, ’tapos pagbalik, sabak ulit ako sa trabaho."

Dagdag pa ni Rocco, “Gusto ko sanang maisamang magbakasyon si Lovi. Pero sa ngayon, pinag-uusapan pa, e.

“Pero hopefully, maisama ko siya on a short vacation.

"Puwede siguro na out of the country, na backpackers lang kami pareho sa isang nearby country lang.

“Pero she’s starting with her new soap, e, so bahala na.

"Baka short trip lang, if ever.

“Kasi may gagawin din akong movie soon. It will be under Viva Films.

“But I can’t give details yet, basta it’s a drama film with a different story na…

"Nice cast kaya excited ako para rito."

BUSINESS IS GOOD. Doing good din sa business si Rocco.

Kabubukas lang kamakailan ng ikalawang branch ng gym na magkasosyo nilang nai-put up ng ilan niyang kaibigan.

Sabi niya, “Masaya ako kasi naging successful nga yung una.

"We’re looking forward for our third branch na rin. Hanggang sa dumami yung branches namin.

"Siyempre, spread the good news about healthy living."

Kita naman sa katawan niya ang magandang epekto ng regular na nagdyi-gym.

“Hindi masyado!” tawa na naman ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo may effect pa nung nakaraang Christmas na napakain ako nang husto.

“Pero tuluy-tuloy naman ang pagwu-workout ko ngayon.

"Kasi siyempre, may pinaghahandaan din akong pictorial, e.

“May pictorial kasi ako para sa facial care center ko.

"Topless ako sa mga shots kaya kailangang fit ako rito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN