Rosanna Roces slams Cristy Fermin for report about her alleged imprisonment due to drug use

Galit na galit si Rosanna Roces (kanan) sa manunulat at TV host na si Cristy Fermin (kaliwa) sa natanggap nitong balita na diumano’y nakulong siya dahil sa pagdo-droga. Laman ang naturang ulat sa panulat ni Cristy sa kolum nito sa isang tabloid ngayong araw, February 19.


Headline sa isang tabloid ngayong araw, February 19, ang balitang hinuli diumano ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aktres na si Rosanna Roces.

Ito ay nakasulat sa kolum ng batikang entertaimment columnist na si Cristy Fermin, ang "Most Wanted," sa Bulgar.

Ayon kay Cristy, kasama raw ni Rosanna ang ilang kaibigan nang mahuli ng mga operatiba dahil sa “paulit-ulit nang report na nakararating sa kanilang opisina tungkol sa pagdodroga ng magaling pa namang aktres.”

Dagdag pang impormasyon ng impormante ni Cristy, kasalukuyan daw nakakulong si Osang at mga kasama nito, at “no bail recommended” sa kanila.



PDEA: “NOT TRUE.” Upang kumpirmahin ang report na ito, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng PDEA ngayong umaga, February 19.

Isang top-ranking official ng ahensiya, na ayaw magpabanggit ng pangalan, ang nakausap ng PEP.

Saad nito, “Yes, I have been receiving similar queries about this thing po.

"And I would like to clarify that as far as our end is concerned, I did not receive any reports—either in writing or in any other forms—of such development.

"So, wala, wala po sa amin."

Diin pa ng nakausap ng PEP, “Wala po. I have no information whatsoever regarding this.

"Wala, wala po kami natatanggap.

"I have been receiving queries since about two days ago, pero wala rin po."



ROSANNA RANTS ON FACEBOOK. Nagpaabot din ang PEP ng mensahe kay Rosanna tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang Facebook account at sa telepono.

Pero bago pa niya kami sagutin sa private messaging, nag-status update ito sa kanyang Facebook account ngayong araw.

Narito ang mga mensahe ni Osang, published as is:

“just woke up to a friends call ..naka headline daw sa BULGAR na nakakulong ako nahuli daw ako ng PDEA at no Bail daw... huh?! duh?! mukhang me madedemandang publisher/ writer at PDEA mismo ang pag iisyuhin ko ng statement sa malisyosong issue na ito. hayyyyy CRISTY FERMIN ...............anu ba talaga kasalanan ko sa yo??? ayaw ni dale joson ng ganyan !!!saan ba daw ako nahuli at saan ako nakakulong?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“BAKIT DI ETO IBALITA MO...BUONG ANGKAN NG REVILLA NAGPUNTA SA PINUNO NG IGLESIA AT DUON NAGIIYAK NA PARANG MGA BATA AT SINUSUMBONG SI PNOY ..NAKIKIUSAP PA NA IPITIN NG IGLESIA ANG PRESIDENTE!”

“sila ba makukulong o ako???? kailangan bang isakripisyo nyo pagkatao ko para pagtakpan ang mga pagnanakaw nyo???? tang*** nyo!!!”

“KUNG ANG MGA SENATOR DI SINI SINO NG BATAS AKO PA KAYA? KUNG TOTOO YAN MA PI PICK UP YAN NG MGA POLICE REPORTER MUNA...MA TI TV AKO TYAK..AT MEDALYA ANG KATAPAT NG PANGALAN KO KUNG TOTOO YAN ..TSK TSK ANU BA TOH DIOS KO?!!”

Matapos nito, tatlong quotes naman ang ibinahagi ni Osang sa kanyang mga followers.

Panghuli niyang post, as of this writing, ay isang photo message patungkol kay Cristy na may caption na ganito:

“NATURINGANG NINANG KITA SA KASAL IKAW PA SUMISIRA PAG ME MAGANDA AKONG GINAGAWA! PARANG DI KA NANG ESTAFA AH!!!!! WAG MO DIN KALIMUTAN YUNG MGA PAGTATAGO MO SA BATAS...KUNG TOTOO YAN AMININ KO..EH IKAW ME INAMIN KA BA? SIGE PA PAG AKO NAGSULAT TA TUMBLING KA”

Ito naman ang sagot ni Rosanna sa PEP:

“WALA AKONG ALAM NGA.

“TSAKA KUNG TOTOO YAN NA MEDIA NA AKO SA TV UNANG UNA.

“TSAKA MA PI PICK UP YAN NG MGA POLICE REPORTER.”

CRISTY’S REACTION. Sa pamamagitan ng text messaging, nagpaabot naman ng mensahe si Cristy sa PEP.

Aniya, “Hindi na bago ang pamemersonal ni Rosanna.

"GMA 7, Lolit Solis, nagbigay ng oportunidad at nakatulong nang malaki sa kanya, pero sinuwag din niya at pinatikim ng apdo.

"Ako pa kaya ang hindi niya kayang bastusin?

"Nakakaawa si Osang, ’yan ang nararamdaman ko sa kanya ngayon at hindi galit.

"Nakakapanghinayang siya. Biniyayaan na ng kapalaran, hindi pa iningatan.

"Pati tuloy anak niyang si Onyok na galing sa sinapupunan niya, siya mismo ang nagbulgar na sinuntok siya. Haay, naku!:)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN