Ruffa Gutierrez on ex-boyfriend John Lloyd Cruz: “Isa siya sa mga kaibigan ko ngayon and walang awkwardness at all.”

Inilarawan ni Ruffa Gutierrez kung gaano kaalaga si John Lloyd Cruz bilang katrabaho: “Masarap katrabaho si JL, pinapakain ka lagi ng chicharon. Pinapataba niya lagi ang mga leading ladies niya.” Kamakailan ay nag-guest si Ruffa sa sitcom ni John Lloyd na Home Sweetie Home.


“We’re good friends.”

Ito ang paglalarawan ni Ruffa Gutierrez sa relasyon nila ngayon ng dating nakarelasyong si John Lloyd Cruz.

Noong nakaraang linggo, sinabi rin ni Ruffa sa isang panayam na nagkaroon na sila ng closure ng Kapamilya actor, dalawang taon na ang nakalilipas.

Read: Ruffa Gutierrez admits closure with John Lloyd Cruz: “Noon pa, two years ago pa. Pero siyempre, hindi lang namin ina-announce yun.”

Kamakailan ay naging guest pa nga si Ruffa sa Sunday sitcom na pinagbibidahan nina John Lloyd at Toni Gonzaga sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home.

Ani Ruffa, naging maganda ang reception ng manonood sa nasabing episode.

“I’m very happy, the other day tumawag uli ang ABS-CBN… kung puwede raw ba akong mag-taping sa Boracay for Home Sweetie Home.

"Bubuhayin daw nila ang character ko, so it’s a recurring character.

“So for them to believe that John Lloyd and I can work together, that’s good.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Ruffa sa press conference ng kanyang bagong endorsement, ang Cosmo Skin Immaculate White, na ginanap sa Luxent Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City, ngayong Biyernes, March 14.

“MASARAP KATRABAHO SI JOHN LLOYD.” Paglilinaw pa ng 1993 Miss World 2nd Princess, tanging pagkakaibigan lang ang meron sila ngayon ni John Lloyd.

“Nagbabalik lang si John Lloyd bilang katrabaho, hindi bilang love interest, dahil alam naman natin he’s in a relationship right now.”

Ang kasintahan ngayon ni John Lloyd ay ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Pagpapatuloy ni Ruffa, “And hindi naman ako ganung klaseng babae, I respect relationships.

“Ayoko naman gawin ‘yon sa iba, kasi ayoko ring gawin ’yon sa akin.

“Kasi mataray ako, nanunugod ako, lumalabas ang pagiging Annabelle Rama ko pag nagseselos ako,” pagkukumpara ni Ruffa sa sarili at sa kanyang ina, na kilala sa pagiging mataray at panunugod ng mga nakakaaway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nagbabalik siya [John Lloyd] bilang katrabaho and, of course, wala namang gustong hindi makatrabaho si JL.

“Actually, natutuwa ako, kasi ever since we did Home Sweetie Home, nakikita ng mga fans, nakikita ng mga tao, ‘Ay, eto pala sila, cute pala, puwede pala!’

"Yung nangyari kasi sa amin dati, puro speculations ang lumabas lahat sa news, pero they never saw us na magka-teamup kami.

"So, nung lumabas ‘yon, bongga daw ang ratings kaya kinukuha daw nila ako ulit."

Dagdag pa niya, “Masarap katrabaho si JL, pinapakain ka lagi ng chicharon.

"Pinapataba niya lagi ang mga leading ladies niya."

Ibinahagi naman ni Ruffa sa PEP na gusto man niyang mag-guest muli sa sitcom ni John Lloyd ay malabong mangyari ito sa ngayon dahil sa conflict of schedules.

“I said yes, pero hindi ko puwedeng tanggapin because I’ll be on the cruise.”

Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang kanilang family cruise para sa reality show na It Takes Gutz To Be a Gutierrez.

“Pero wala namang problema, if ever available ang schedule ko, I can do it.”

OPEN COMMUNICATION. Naitanong din ng PEP kay Ruffa kung may komunikasyon pa ba sila ni John Lloyd ngayon.

Pag-amin ng 39-year-old actress-TV host, “Oo naman, pero hindi naman every day o gabi-gabi.

“Yes, we communicate once in a while, pero hindi naman every day.”

Inusisa rin si Ruffa kung paano ang pakikitungo nila ni John Lloyd sa isa’t isa kapag nasa set sila.

Sagot niya, “Magkaibigan kami.

“Seriously, masasabi ko, isa siya sa mga kaibigan ko ngayon and walang awkwardness at all.

"And it’s a joy working with him, kasi siyempre mahusay siyang artista.”

So, nag-uusap din sila tungkol sa mga personal na paksa?

“Oo naman, nagkukumustahan naman kami.

“We’ve reached that point we ask each other how we are, pero hanggang dun lang,” paglilinaw ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STILL BEAUTIFUL. Sa June 24 ay magdiriwang na si Ruffa ng kanyang 40th birthday.

Nagsimula si Ruffa sa showbiz noong ’90s.

Sa mga kasabayan niya sa showbiz, isa si Ruffa sa mga naalagaan ang sarili at napanatili ang pagiging maganda.

Ano ang sikreto niya?

“I feel that beauty can be at any age.

“Hindi naman ibig sabihin when you’re young, you’re beautiful.

“You can be beautiful when you’re in you 20s, 30s, 40s, and even in 50s.

“It’s how you carry yourself and aging gracefully.

“At this point in my life, masasabi ko naman na there’s so many ways to feel beautiful, kaya siguro lumalabas ‘yon sa mga tao.

“Nakikita nila that I’m happy, that I take care of myself.

"I’m very blessed that marami pa rin ang naniniwala sa akin that I can sell products and they can get me as the leading lady of Coco Martin or leading lady of someone younger.”

Gumagawa ngayon ng pelikula si Ruffa kasama sina Coco at Sarah Geronimo para sa isang pelikula under Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN