Tom Rodriguez on real score with Kaye Rivera: "I’m happy. Let’s just put it that way."

Tom Rodriguez explains why he remains tight-lipped about matters of the heart: "Kahit noong high school pa ako, nung nag-umpisa ako magka-girlfriend, I’ve never done PDA [public display of affection]. Kung ano lang ang normal, kung ano ang natural. I usually keep it to myself,” says the Kapuso actor, who won PEPsters’ Choice Awards’ Breakout Star for 2013.


“I am happy. Let’s just put it that way."

Ito ang pahayag ni Tom Rodriguez, 26, tungkol sa estado ng relasyon nila ng bagong Kapuso star na si Kaye Rivera, 22.

Hangga’t maaari ay nais panatilihing pribado ng aktor ang kanyang lovelife upang maiwasang mahaluan ito ng intriga.

Ito rin ang naisip niyang paraan upang mas ma-handle nang maayos ang priorities niya sa buhay.

Paliwanag ni Tom, “Mahirap yung pinagsasama mo yung personal at meron ka sa trabaho.

"Mas okay na merong iko-compartmentalize ka.

“Yun na rin ang napag-usapan namin with my family and loved ones in life.

“I will choose to keep it separate na lang, whatever I have personally na ganoon, para meron na rin ako para sa sarili ko.”

Kahit noong wala pa siya sa showbiz ay hindi raw si Tom yung tipo ng lalaki na masyadong open pagdating sa pakikipagrelasyon

Sabi pa ng Kapuso actor, “Kung iisipin mo, wala namang tao na, ‘Mahal ko ‘to!’ kahit saan dinadala mo.

“Mula noon, kahit noong high school pa ako, nung nag-umpisa ako magka-girlfriend, I’ve never done PDA [public display of affection].

“Kung ano lang ang normal, kung ano ang natural.

“I don’t deny anything naman, e. I would just rather keep it to myself.”



WILLING TO WORK WITH KAYE. Si Kaye—na dating kilala bilang K-La Rivera—ay naging finalist sa ABS-CBN singing competition na Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar (2010-2011).

Pagkatapos ay napanood siya bilang guest VJ sa MYX Channel at performer sa ABS-CBN weekly musical-variety show na ASAP.

Nito lang nakaraang Pebrero ay opisyal na inilunsad si Kaye bilang bagong mainstay ng GMA Network weekly musical-variety show na Sunday All Stars (SAS). Kasama na rin siya sa cast ng primetime series na Carmela.

Matatandaang parehong nagbida sina Tom at Kaye sa musical play na Aladdin ng Atlantis Productions noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung saka-sakali ay bukas ba si Tom na makatrabaho ulit si Kaye ngayong pareho na silang nasa Kapuso network?

Nakangiting sagot ni Tom, “I am open to it. I had such great time working with her in Aladdin.

“Before pa sa ASAP, we would always work together. I would love to.”



BREAKOUT STAR OF 2013. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa press conference para sa announcement of winners ng PEPsters’ Choice Awards ng The PEP List kahapon, March 27, sa Mango Tree Bistro, Bonifacio Global City, Taguig.

Dalawang awards ang napanalunan ni Tom—Breakout Star of the Year at Celebrity Pair of the Year, kung saan katuwang niya ang kanyang co-star sa My Husband’s Lover na si Dennis Trillo.

Reaksiyon niya sa kanyang double victory, “It’s so flattering. Hindi ko ide-deny.

"Mas masarap din kasi PEPsters ang bumoto, e.

“Alam mo na yung pinapasaya mo sa trabaho mo, talagang naa-appreciate yung ginagawa mo.

"Napakasarap sa pakiramdam.”

Ipinaabot din ni Tom ang pasasalamat niya sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa kanila ni Dennis, kahit ilang buwan nang tapos ang kanilang programa.

Saad niya, “Sa totoo lang, sila talaga ang gumagawa nito para sa amin.

"Kami, ginagawa lang namin ang trabaho namin.

"All these recognitions are because of them. Salamat sa kanila.”

Bagamat wala pang detalye kung kailan magkakaroon ng My Husband’s Lover Book 2, bukas si Tom na makatrabaho ulit sa Dennis sa ibang proyekto, lalo pa’t maraming Kapuso viewers ang nag-aabang dito.

“Kahit Magpakailanman. Kahit ibang role naman. Game ako lagi,” dagdag pa ni Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN