Jeric Gonzales says goodbye to loveteam partner Thea Tolentino

Jeric Gonzales on former loveteam partner Thea Tolentino being paired with another Kapuso tween star for The Half Sisters: “Bukod sa nalungkot ang mga fans namin noong nalaman nila, wala kaming magagawa dahil management decision yun, so susundin na lang namin.”



Very vocal si Jeric Gonzales sa pag-amin na nalungkot siya nang ipinareha sa ibang aktor ang kanyang ka-loveteam na si Thea Tolentino para sa bagong Kapuso afternoon serye, The Half Sisters.

Pero masaya naman daw ang aktor para kay Thea dahil sunud-sunod ang mga proyektong dumarating sa kanya.

Sabi nga ni Jeric nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA gazebo kamakailan, “Honestly speaking, at first nalungkot ako kasi kami talaga yung magkapareha at nasanay na ako na siya yung lagi kong kasama.

“Bukod sa nalungkot ang mga fans namin noong nalaman nila, wala kaming magagawa dahil management decision yun, so susundin na lang namin.

“’Tsaka pareho naming nasabi noon na willing naman kaming makipag-partner sa iba para mag-grow and ito na siguro yung time.

“Pero alam naman namin na darating din yung time na magkakasama kami ulit.”

HAPPY FOR THEA. Bagamat ipinaghiwalay sila ni Thea, inamin ni Jeric na masaya siya para sa dating ka-loveteam.

Sabi niya, “Happy ako para sa kanya kasi may new show siya at magkakaroon na rin siya ng chance na makatrabaho yung iba naming teen actors ng GMA.

"Maganda yung role niya; ibang-iba sa mga role na ginampanan na niya noon nung magkasama kami.

“Alam ko naman na nalungkot din siya, at the same time happy kasi may new project siya at lead siya ulit kasama si Barbie Forteza.”

INDIE FILM. Kahit naudlot ang loveteam nila ni Thea, masaya pa rin si Jeric dahil busy naman siya sa kanyang indie film.

Kuwento niya, “May ginagawa akong indie film, yung Hustisya with Ms. Nora Aunor.

“Para ito sa Cinemalaya. Hindi pa ako nagsu-shooting pero nagsu-shooting na sila.

“Sobrang excited na ako to shoot, dahil makakasama ko ulit si Ms. Nora. Dati kasi konti lang yung eksenang magkasama kami.

“Pero sana this time, mas mahaba na yung pagsasama namin at sana mas marami yung magka-eksena kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKSHOPS. Maliban sa indie film, abala rin si Jeric sa kanyang mga workshops.

“Bukod sa ginagawa kong indie film, busy din ako sa pagwu-workshop ng one-on-one for English accent dahil may gagawin kaming project for YouTube.

“Ang concept nito, magpu-post ako ng mga songs ng mga babae na kakantahin sa sarili kong version.

“If ever na magiging maganda yung resulta, like marami ang manonood at tataas ang hits nito, susundan namin ng iba pang mga songs,” dagdag pa niya.

INTERNATIONAL BREAK. Detalye pang kuwento ni Jeric, “Actually yung projects na ’yan (YouTube), matagal nang sinasabi ng GMA Artist Center sa akin na gusto nilang ma-tap ko yung AB crowd kaya kailangan magaling akong mag-English.

“Preparation ko na rin yun if ever na may mga auditions na role abroad, puwede kong magamit yun.

“Bukod kasi sa career dito sa bansa, gusto ko rin ma-try maka-penetrate sa international showbiz industry kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Kaya naman 100 percent yung binibigay kong oras sa English accent workshops ko.”

KEEPING FIT. Kahit busy siya sa kanyang mga showbiz-related activities, hindi nakakalimot si Jeric na pangalagaan ang kanyang pangangatawan.

Aniya, “Almost every time na may oras ako, pumupunta ako sa gym para mas gumanda yung katawan ko.

“Kasi nagpi-prepare ako for Cosmo Bachelor Bash this September na ang pictorial ay ngayong June na.

“Gusto ko kasi if makakarampa ako ngayong taon, maganda na yung katawan ko at hindi ako mapapahiya.

“Kailangan ko din, kasi mabilis akong tumaba.

“Kapag ’di ako nag-effort baka magising ako sobrang taba ko na.

“Of course, diet at basketball din.”

Bilang pangwakas, tinanong namin si Jeric kung sinong mga aktor ang iniidolo niya pagdating sa ganda ng pangangatawan.

“Ang peg kong actor sa pagpapaganda ng katawan, ang gusto ko si Captain America [Chris Evans],” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN