Mark Bautista stricken by love at first sight; sets stage to woo dream girl

This is the first time Mark Bautista is venturing as a producer of his own concert: "At this point kasi ng career ko, parang dumating na rin ako sa stage na kailangan kong mag-decide para sa sarili ko."


Nakatago sa initials na "AR" ang babaeng gustong ligawan ngayon ng singer-actor na si Mark Bautista.

Nakita niya raw ang dalaga sa isang palabas ng Iglesia Ni Cristo sa TV kung saan iniinterbyu raw ito.

Sa unang tingin pa lang daw ni Mark ay may kakaiba na siyang naramdaman para sa babaeng sa palagay niya ay isang commercial model.

Pagkatapos niyang mapanood ang babae, kaagad gumawa ng paraan si Mark upang makilala ang pumukaw sa kanyang matagal nang natutulog na damdamin.

Kuwento ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nakakatawa, nanonood lang ako ng TV at may nakita lang akong isang girl on TV na, wow, feeling ko ay siya na talaga.

"Na-caught niya ang atensiyon ko at hinanap ko siya sa Twitter. Wala siyang Twitter.

"Nung nahanap ko siya sa Instagram, finollow [followed] ko siya.

"Sabi ko sa sarili ko, ’Sana i-follow niya ako, sana i-follow niya ako.’

"Hanggang dumating yung araw na finollow niya ako... sobrang private niya, e.

"’Tapos, lahat ng pose ay puro family, ganyan-ganyan.

"’Tapos nung finollow na niya ako, sobrang kinabahan na ako.

"Sabi ko, ’Shucks, paano ba ito?’

"So, dinilete [delete] ko muna lahat ng selfies ko sa Instagram ko. Kailangan lahat ay maayos."

Nakausap ng PEP at ilang miyembro ng press si Mark sa presscon ng kanyang dinner concert kahapon, Martes, June 10, sa Crowne Plaza, sa Ortigas, Pasig City.



CONTACT. Inamin ng Kapuso artist na gumawa siya ng paraan para makilala ang modelong pumukaw ng kanyang interes at atensiyon.

Natatawang saad ni Mark, "Ang unang move na ginawa ko, na parang nagpakapal ako ng mukha, pero matagal ito, ha, finallow niya after several months.

"Nagme-message na ako sa kanya, lahat ’ata ng pictures niya sa Instagram ay ni-like ko.

"Hindi siya madalas mag-Instagram, sobrang private niya talaga, e.

"Sabi ko, ’Paano ko siya mami-meet?’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Mark, "Well, kung talagang ibibigay ito sa akin, ibibigay siya sa akin ni Lord, magagawan ng paraan.

"Hindi ko nga alam kung puwede kong sabihin ang name, pero may TV commercials siya.

"’Tapos yun nga, nag-message ako sa kanya na, ’Puwede ba kitang kunin... puwede ka bang may appearance sa music video ko?’

"Alam mo naman tayo, sa paraan-paraan, pero nagbakasakali lang ako."

Sobrang ikinatuwa nga raw ng balladeer ang naging response ni "AR."

Pagmamalaki ni Mark, "Sabi niya, ’Okay, here’s the contact number.’

"’Tapos tinext ko yung number na akala ko handler niya, ’tapos natawa siya dahil number pala niya yun.

"Medyo awkward yun, sabi ko, ’Okay.’

"Pero hanggang dun lang muna.

"Sabi ko sa sarili ko na, ’Mark, dahan-dahan lang, huwag kang masyadong ma-excite.’"

CONCERT. Saang level na ba ang kanilang friendship sa ngayon?

Tugon ni Mark, "Gagawin ko ang music video ko, from there, tingnan natin kung ano ang mangyayari.

"Sana ay magkaroon ako ng guts and courage na sana, alam mo yun, na ako ay maging kalmado kapag kaharap siya."

Inimbitahan din daw ni Mark si "AR" sa kanyang upcoming concert, ang The Best of Me, na gaganapin sa June 21, sa Grand Ballroom ng Crowne Plaza.

Guest performers niya sina Rochelle Pangilinan, Sitti, at Kyla.

Pag-amin ni Mark, "Actually, before yung invitation ko sa kanya sa music video ay inimbita ko na siya sa concert ko.

"Pati yung family niya.

"Hindi pa kami nagkikita nang personal, pero ’pag nag-meet na kami, sabi ko...

"Kasi ayaw ko namang pilitin, e. Ayaw ko namang mapilitan para lang magkaroon ng girlfriend, kasi ganyan-ganyan.

"Ayaw kong pilitin, e."

Sa kabilang banda, unang karanasan daw ni Mark ang maging isang show producer ng kanyang concert kaya ganun na lang siya ka-excited.

Saad niya, "Lahat ng kakilala ko ay hiningan ko talaga ng tulong, maging yung friends ko na artists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At this point kasi ng career ko, parang dumating na rin ako sa stage na kailangan kong mag-decide para sa sarili ko.

"This will be a different show.

"Siyempre, andun pa rin yung popular songs na kinanta noon at sa bagong album ko na Sounds of Love.

"Pero dito, may kakaibang excitement akong gagawin.

"Lalo na dun sa number namin ni Rochelle na medyo sexy."






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN