Carla Abellana denies secret relationship with Tom Rodriguez

Pagkatapos nilang magsama sa tatlong proyekto, sinabi ni Carla Abellana na mas gamay na nila ni Tom Rodriguez ang isa’t isa. Pahayag ng aktres, "I would say mas kabisado na namin yung isa’t isa sa pag-arte. Kung nahihirapan man siya sa isang eksena, alam ko kung paano siya tutulungan. Ganun din, same din with me. ’Tsaka yung techniques namin pagdating sa acting, alam na namin."


Sa pagtatambal muli nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa primetime series ng GMA na My Destiny, tiyak na lalong iinit ang balitang nag-uugnay sa kanila.

Sabi ni Carla tungkol dito, “Puwede... we’ll see.”

Paano niya ito iha-handle?

“Okay lang. Sabi nga ni Tom, e, it’s expected, ‘di ba?

“Na hindi maiiwasan na ang mga tao, magbibigay ng meaning or magwi-wish sila, magdadasal pa sila, ‘di ba, na magkatuluyan kami.

“Okay lang yun, they are entitled to their own wishes.

“Pero sabi niya na parang, ‘Just because the fans want us to end up together doesn’t mean pipilitin natin just to please them.’

“’Di ba? Parang ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa grand launch ng My Destiny sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City, kagabi, June 24.



CHANGES. Unang nagkasama sina Carla at Tom sa phenomenal hit primetime series na My Husband’s Lover noong 2013, at nasundan ito ng pelikulang So It’s You ngayong 2014.

Ano na ang pagbabago sa closeness nila ni Tom ngayon?

“Mas makulit ngayon! Mas magaan ngayon,” sabi ni Carla.

Lumalabas na ba sila?

“No, no… never, never kami umalis together.

“‘Tapos, I would say mas kabisado na namin yung isa’t isa sa pag-arte.

“Kung nahihirapan man siya sa isang eksena, alam ko kung paano siya tutulungan.

“Ganun din, same din with me.

“’Tsaka yung techniques namin pagdating sa acting, alam na namin.”

So, walang Carla-Tom in real life?

“Walang Carla-Tom in real life. Unang-una, wala tayong time,” diin ng aktres.



NO SECRET RELATIONSHIP. Wala silang inililihim na relasyon?

“Wala, wala kaming inililihim na relasyon,” mabilis na sagot ni Carla.

May mga nag-iisip na baka may relasyon nga sila, pero masyadong maaga para ipaalam sa publiko.

Sabi ng Kapuso actress tungkol dito, “Hindi naman, I wouldn’t say…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ini-enjoy namin yung company ng isa’t isa and wala kaming pinipilit, ayaw naming pilitin.

“Parang, ‘O, kailangan gusto natin ang isa’t isa! Kailangan we end up together dahil tayo pa rin ang magkatrabaho. O gusto nila tayo na, so pilitin natin, tayo na nga!’”

Hindi pa rin daw niya naiisip ang posibilidad na si Tom ay magiging karelasyon niya.

“Hindi pa! Hindi pa, malayo.

“Sana… ewan ko, sana ibigay na sa akin ni Lord yung whoever is destined for me.

“Pero iyon yung isa sa mga natutunan ko, na hindi mo puwedeng pilitin. Hayaan mo lang na dumating na lang.”

Mariin namang pinabulaanan ni Carla ang haka-haka na tinapos nila ni Tom ang kani-kanilang relasyon—si Carla sa aktor na si Geoff Eigenmann at si Tom sa singer-actress na si Kaye (dating K-La Rivera)—dahil nahulog na ang loob nila sa isa’t isa.

“Ay no, not at all!” bulalas ni Carla.

“I think, ang nangyari lang kasi is people put two and two together.

“They assumed na just because of the timing, na kung tutuusin, mas nauna akong nag-end sa relationship ko, months before yung sa kanya nangyari.

“Iyon, magkalayung-magkalayo.

“Ang hindi lang alam ng tao, kung ano yung totoong istorya.

“Hindi nila alam kung ano’ng pinagdaanan ko, kung ano din yung pinagdaanan niya in his own relationship.

“Sila lang yung nag-one plus one equals two, sila lang yung gumawa ng story, sila lang yung nag-assume.

“Pero timing pa lang, unang-una, magkalayo na…”

So, hindi totoo na nakipag-break si Tom kay Kaye dahil sa kanya?

Sabi ni Carla, “Ako, honestly, hindi ko siya tinatanong kung ano’ng naging reason.

“Nasa sa kanila na yun kasi hindi ako yung type na nagingialam or tsismosa.

“Siya din naman, hindi ganun. He never asked me naman, ‘O, ano’ng nangyari sa inyo ni Geoff? May maitutulong ba ako?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala siyang pinipilit na ganun, pareho kaming distansiya.

“Pakiramdaman, ganun.”

Pero posible kayang iyon ang rason ng breakup nina Tom at Kaye?

Saad ni Carla, “I wouldn’t know.

“Maybe… siyempre the best person to ask is him talaga kasi I didn’t…

“I honestly don’t know kung ano naman ang nangyayari sa personal life niya. Kasi napaka-sensitive naman nun.

“So, ‘pag ganyan, alam ko may pinagdadaanan siya, back-off ako.

“Hindi ako nakikialam.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN