Louise delos Reyes claims she tried reaching out to Kylie Padilla and ex-boyfriend Enzo Pineda

Louise delos Reyes is hoping to settle her misunderstandings with Kylie Padilla and ex-boyfriend Enzo Pineda. She says, “Nasa isang industriya din lang kami. Magkikita at magkikita kami. Maliit lang ang showbiz at napakaliit lang po ng GMA and ako handa akong humarap.”


Inamin ni Louise delos Reyes na sinubukan niyang mag-reach out kay Kylie Padilla, subalit naging sarado ang pinto ng anak ni Robin Padilla ng mga panahong iyon.

May usap-usapan kasing si Louise daw ang "third party" sa breakup nina Kylie at Aljur Abrenica.

Nagkatrabaho sina Louise at Aljur sa nagtapos nang teleserye ng GMA Network, ang Kambal Sirena.


Nitong June, sinabi ni Kylie sa isang panayam na pinapatawad na niya si Louise, subalit ayaw raw niya itong makita.

Inamin din niyang itinuring niyang kaibigan si Louise.

Read: Kylie Padilla keeps her distance from Louise delos Reyes: “I forgive her but I don’t wanna talk to her. I don’t wanna see her. Bakit pa?”

Sa press conference ng kanyang indie movie na Island Dreams, kahapon, July 10, itinanggi ni Louise na siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Aljur at Kylie.

Read: Louise delos Reyes denies causing Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup; speaks up about rumored pregnancy



REACHING OUT. Inusisa rin si Louise kung anong efforts ang ginawa niya para makausap si Kylie at paliwanagan ito.

Saad niya, "I am trying sa mga colleagues din namin… through my friends, if there’s any way I could contact her o mapuntahan ko man siya."

Subalit tila hindi pa handa si Kylie nang subukan ni Louise na kausapin siya.

“Nung time din kasi, masyado pang sariwa, kaya close talaga yung doors."

Sa ngayon, ipinagdarasal na lang daw ni Louise na dumating ang araw na magkakaayos din sila.

“Yun po talaga yung ginagawa ko, pinagpi-pray ko lang lahat.

"Ibinibigay ko kay God, kasi in His time, maaayos din naman lahat."

Kinuha rin ang reaksiyon ni Louise kaugnay ng mga naging pasaring sa kanya ni Kylie.

Sagot niya, “Nirerespeto ko po lahat ng sinasabi niya.

"Nirerespeto ko po siya kung yun ang nasabi niya.

“Ngayon, naiintindihan ko po ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Kylie, nagri-reach out din daw si Louise sa dating boyfriend na si Enzo Pineda.

Maging ang relasyon nina Louise at Enzo ay nagtapos dahil nga sa pagkaka-link ng dalaga kay Aljur.

Ang pagsasalita raw ni Louise ang isang paraan niya para iparating na bukas siya para makipag-ayos kina Enzo at Kylie.

“Sana one of these days, ’pag ready na ang lahat.

"I think, in God’s perfect time naman, magiging maayos din lahat kung ano man ang mga naging misunderstandings.

“Ako, pinagpi-pray ko lahat ng mga nangyari sa akin na sana maayos kami.

“Nasa isang industriya din lang kami. Magkikita at magkikita kami.

"Maliit lang ang showbiz at napakaliit lang po ng GMA, and ako, handa akong humarap.”



ON ENZO. Aminado si Louise na isa sa mga pinagsisisihan niya sa mga nangyari ay ang hindi niya pagbibigay ng closure sa relasyon nila ni Enzo.

Tatlong taon din nagtagal ang kanilang relasyon.

Read: Enzo Pineda’s dad confirms third party in Enzo-Louise delos Reyes breakup

Saad niya, “Siguro po yun yung isa sa mga regrets ko sa lahat ng nangyari, kasi hindi ko ’yon naibigay sa kanya nang maayos.

"Kasi, bata lang din [kami] sa relationship. ’Di ko alam kung paano i-handle and ’andun pa rin yung takot ko.

“I really can’t say it to his face. Mahal mo, e.

"Pero siguro, kailangan niyo lang din mag-grow apart."

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Three years din po ‘yon, e.

"Marami kayong napagdaanan together and naging masaya ka. Minahal mo yung tao.

"Pero may mga relationship din po na kailangang mag-end para mas mag-grow kayo, para may mas matutunan kayo about life.

“So, I guess, nag-part ways kami dahil iba na yung pupuntahan niya at iba na ang gusto kong puntahan.”

Sa ngayon, mas pagtutuunan daw muna ng pansin ni Louise ang sarili at ang kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN