Ryan Agoncillo will no longer host Talentadong Pinoy

Like the rest of the country, the household of Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos was not spared from the brownout caused by typhoon Glenda. “Inaaway na nga ako ni Juday kasi ayaw ko pang bumili ng generator. Kailangan pero magtatrabaho muna ako ng pambili,” Ryan jokes.


“Nung una, akala ko kaya naming i-ano e i-outlast yung brownout, hindi pala,” ang natatawang kuwento ni Ryan Agoncillo nang kumustahin namin kung ano ang naganap sa kanilang pamilya noong nanalasa ang bagyong Glenda.

Isa kasi sa tinamaan ng bagyo ang Muntinlupa City, at sina Ryan at ang misis niyang si Judy Ann Santos at mga anak na sina Yohan at Lucho ay taga-Alabang.

“We were badly hit, Wednesday morning to Sunday afternoon ang brownout.

“Dati kasi noong maliit pa sina Yohan at si Lucho, immediately pagka-brownout na pagka-brownout, hotel na kami.

"This time around, I was thinking malalaki na yung mga bata, and, ‘Kaya namin ’yan!’

“Malamig naman ang panahon kaso uminit nung Friday ng hapon, actually Thursday pa lang sa amin, mainit na.

"So Friday [July 18] morning, we checked in already and then yun, we stayed there till Sunday afternoon.

“We stayed at Bellevue in Alabang.

"We ended up getting a two-bedroom suite and one deluxe room for my parents.”

Ang biro ng writer na ito, dahil kasama ang kanilang parents, “naisakatuparan” bang sundan nila si Lucho?

“Hindi, walang naganap sa brownout, ayaw humiwalay ng mga bata,” at muling tumawa si Ryan.

“Kaya nga two-bedroom, sana dun sila sa kabilang kuwarto e ayaw, hindi nagpakawala."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa taping ng Ismol Family noong Martes, July 22.

Saad pa niya, “Back-to-normal kami actually [noong] umaga [Lunes, July 21].

“Inaaway na nga ako ni Juday kasi ayaw ko pang bumili ng generator,” at tumawa ulit si Ryan.

“Ngayon, sa panahon kasi, parang kailangan na pero bahala na, magtatrabaho muna ako ng pambili."

RATINGS GOING UP. Sa Ismol Family, Jingo ang pangalan ng karakter niyang gumaganap bilang tatay ni PJ, ang karakter naman ni Marc Justine Alvarez.

Hindi ba nagseselos ang mga anak niya kapag napapanood siya sa TV na may ibang anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Yohan dati nung ginagawa namin yung George & Cecil, umiyak nung may mga anak na nakita.

"Pero si Lucho, hindi naman kasi hindi naman nakakapanood masyado.

“Si Yohan ngayon, alam na niya, siguro si Lucho, give it a few more years, papalag na yun.

"Tingin ko papalag na yun pag nakita akong may hawak na ibang bata, lalo’t lalaki.”

Maganda ang ratings ng Ismol Family, “Very good, yeah!"

Pero more than the ratings, ayon kay Ryan, "I think it’s the good feedback from the management, they’re very happy, maganda!

“’Tapos hindi naman kami nalalayo na sa ratings para sa ano...at saka steady rise siya.

"Increment siya na maliit na tumataas so it’s a slow burn na mas maganda for us.

“Kasi mas mame-maintain yun kesa yung isang bulusok ’tapos dahan-dahang bumabagsak.

"Tayo ngayon, dahan-dahang umaakyat and it’s a very good sign.

"’Tapos ang gaan pa ng trabaho namin, si direk Dom [Dominic Zapata], mahusay magpatakbo ng barko ito, e.

"We do have late nights, sometimes we finish at two or three but that’s not because of anything else.

"Siguro yung maraming eksena or gaya nito, weather.”

Masama kasi ang panahon noong nakapanayam namin si Ryan.

“Pero like last week, maaga kaming natapos. Before midnight, tapos na. Yung iba, umuwi by dinner time pa lang.

"So it’s always a good sign when you work in a show that’s fun to work in and very efficient.

“’Tapos iyon, yung steady rise ng ratings, nakakatuwa.

"Every week parang merong ilang points na inaakyat lagi.”

TALENTADONG PINOY. Samantala, malamang na hindi na gagawin ni Ryan ang Talentadong Pinoy, na ngayon ay hinahanapan na raw ng TV5 ng bagong host.

Lumutang ang mga pangalan nina Marvin Agustin, Mariel Rodriguez, at Robin Padilla.

“Sino na nga ba?” tanong sa amin ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ano na ba ang nangyari at hindi na si Ryan?

“Well, I got to speak with the bosses, maganda naman yung naging usapan.

"But I think for us, as a group, the main problem was, nung nag-usap-usap na kami ulit, ako, si direk Rich Ilustre, Paolo Bustamante [head writer].

"We were willing to do it again basta magkakasama kami pa rin.

“Because nung nahinto naman kami a year ago, we were on our fifth year, may mga plano kami na mag-grow pa yung show.

“And we wanted to go back into it and ipagpatuloy lang.

“And ayaw naman naming gawin sana na hindi kami magkakasama.

"Kasi siyempre ang pinag-ugatan naman nun hindi lang Talentadong Pinoy kundi Philippine Idol pa.

“We really wanted to work with each other, but I guess may mga naplano ng iba si direk Rich. Ako rin, meron nang naplanong iba.

“So it would have been a stretch kung bumalik kaming lahat para gawin yun.”

Lahat naman daw sila ay willing na gawin ulit ang Talentadong Pinoy, si direk Rich lang ang hindi na available.

"Oo, hindi na pumuwede dahil may mga natanguan na siyang mga project ’tsaka may mga trip na nakaplano.

“Till the last minute actually, by the time we spoke with the management, okay pa si Rich, e.

"Siguro nagka-abut-abot lang na hindi na talaga kinayang gawin.

"And then as far as we know, Channel 5 had a definite timeline of when they wanted the show to come back, na hindi namin ma-meet.

“Kasi ako, meron din naman akong mga naka-schedule na mga gagawin din so baka lang hindi umubra.

"So imbes na ipilit, nag-decide na rin na, ’Sige, huwag na muna kung ngayon at agad-agaran lang.’

“And yun lang, sad lang kami hindi namin ma-meet yung time expectations ng Channel 5, ’di ba?

"Kasi parang ngayon na nila gustong gawin, kami parang medyo matatagalan pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-offend ba si Ryan na naghahanap na ang Kapatid Network ng kapalit niyang host ng Talentadong Pinoy?

“Negosyo naman ’yan, ’di ba? Hindi naman puwede, hindi naman ’yan ano e, hindi ko naman puwedeng sabihing akin yung show.

“Yun nga lang, malungkot ako na hindi ko na magagawa yung show. But I wish them the best, actually.

"Ayun lang, hindi lang magkatugma sa ngayon, e.

“I was willing to do it but not with anybody else but the group that I really worked with.

“Not because I don’t wanna work with other directors but because yung kapupuntahan ng show at yung pinanggalingan ng show...

"Alam naman namin kung paano takbuhin and we have a definite idea. Hindi nga lang magagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN