FIRST READ ON PEP: Ciara Sotto pregnant with first child

Mahigit dalawang buwan nang buntis ang actress-singer na si Ciara Sotto sa una nilang anak ng asawang si Joe Oconer. Ayon kay Ciara, perfect timing ang pagbubuntis niya.


Pagkatapos ng apat na taong pagsasama ay magkakaroon na ng anak ang mag-asawang Ciara Sotto at Joe Oconer.

Masayang ibinalita ni Ciara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, July 29, na siyam na linggo na siyang buntis sa unang baby nila ni Joe.

Sabi ng actress-singer, na nakausap ng PEP sa telepono, bago pa ang birthday niya noong July 2 ay nalaman na nilang buntis siya.

Kuwento niya, “Nag-pregnancy test ako sa bahay, kaya bago pa yung birthday ko, nalaman ko na buntis ako at bago kami magpunta ng Hong Kong ng husband ko.

“Siyempre, tuwang-tuwa kami, lalo na siya.”

Hindi raw makapaniwala si Ciara na nabuntis siya noong panahong sobrang busy siya sa pagsu-shooting ng Cinemalaya 2014 entry na Hari ng Tondo.

Kasabay rin kasi nito ang rehearsal niya para sa Celebrity Dance Battle ng TV5.

Saad niya, “E, kasi, imagine mo naman, nagre-rehearsal ako halos araw-araw sa Dance Battle, as in, grabe, ‘di ba?

“’Tapos, nagsu-shooting ako for Hari ng Tondo, na yung role ko pa, battered girlfriend ako ni Gian Magdangal, binubugbog talaga ako dun.

“Sobrang busy, pero ang galing ni Lord, buntis na pala ko nun!”



PERFECT TIMING. Ayon kay Ciara, perfect timing ang pagbubuntis niya.

“Kasi, four years na kaming kasal, pero halos last year lang talaga kami nag-try na magkaanak na talaga.

“Noong una kasi, marami pa talaga kaming gustong gawin. Marami pa kaming plans.

“Like, yun nga, noon pa lang din kami nag-honeymoon, we went to Europe.”

Hindi raw siya maselang maglihi, pero wala na lang daw munang dancing, lalo na ang pagpu-pole dancing at pagtuturo nito.

Pero okey pa rin daw siyang gumawa ng movie at TV projects.

Ano ang gusto nilang maging anak—lalaki o babae?

Sagot ni Ciara, “Siyempre, healthy baby.

“Masaya naman kami, kasi sabi naman ng O.B., okey ang baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana kung pagbibigyan kami, sana baby girl!”

Pati si Jojo, baby girl din ang gusto?

“Oo, siya talaga gusto niya ng baby girl.

“Ako naman, siyempre gusto ko ng girl para kagaya ko, maging dancer, singer din siya, at saka masarap ayusan.

“’Tapos sa mga pamangkin ko, isa pa lang din ang baby girl.”

Masayang-masaya rin daw ang ang mga magulang niyang sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

“Sobrang saya nila. Si Mommy nga, napapatalon pa.

“Si Daddy, masaya rin, parang emotional!” natawa niyang sabi.

Ano naman ang pakiramdam ng “future mommy”?

“Excited at saka kinakabahan.

“Kasi, hindi ko alam kung magiging magaling ba akong mommy, baka pumalpak ako.

“Pero siyempre, excited talaga.”



LOVE SCENE. Sa Hari ng Tondo ay may love scene sila ni Gian, na first time daw gawin ni Ciara.

Sabi ni Ciara, “Oo, e, para talaga sa movie.

“Okey naman yung scene, more insinuated naman ang love scene.”

Hindi naging isyu yun sa mister niya?

“Hindi, kasi alam naman niyang para talaga sa movie.”

Dahil mahigit dalawang buwan nang buntis si Ciara, tinanggihan niya ang re-run ng Grease musical kung saan kasama sana siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN